Chapter 17

13.7K 338 11
                                    

SARINA'S POV

Nandito ngayon si Trey sa bahay namin at mayroon kaming family dinner kasama ang parents ko at pati na rin si Ate Annika. Si Kuya Xavier naman ay on the way na at sinabi nitong may kasama siya na sasabay sa aming magdinner. Siguro ay ka-workmate niya lang 'yon sa opisina nila. Nagpapasalamat naman ako dahil nakikita ko kung gaano katanggap ng pamilya ko si Trey bilang manliligaw ko. Palagay na rin kasi ang loob nila Mommy at Daddy sa kanya dahil matagal na rin nilang kilala si Trey. Kulang na nga lang ay ipagkanulo na nila ako sa kanya pero masaya naman ako do'n.

"Kapag sinagot ka na ng anak ko ay pakasalan mo na 'yan kaagad." Nakangiting sabi ni Daddy kay Trey. Sinapak naman siya ni Mommy sa braso ng mahina.

"Ano ka ba hon, ang babata pa nila para magpakasal. Its better kung magkarelasyon muna sila habang nag-aaral pa sila." Pangaral naman ni Mommy kay Daddy.

Natatawa namang tumango si Daddy. "I know, hon. Binibiro ko lang naman ang mga batang 'to."

Natawa na lang sina Trey at Ate Annika dahil sa sinabi ni Daddy habang ako naman ay kanina pa namumula ang buong mukha dahil sa pinag-uuspan nila. Bakit ba kasi napunta kaagad sa kasal ang usapan eh nililigawan pa nga lang ako ni Trey? Pero sa kaloob-looban ko ay siya naman talaga ang gusto kong pakasalan noon pa man.

Nasa dining room na kaming lahat at hinihintay na lang si Kuya Xavier at ang kasama niya. Bakit kaya para akong kinakabahan sa mangyayari ngayon? Napaparanoid na ba ako dahil sa nangyari nung nakasama namin ni Trey si Kuya Maverick? Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Maverick sa restaurant. Ano ang ibig niyang sabihin do'n? Bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon?

"Nandito na raw sila. Susunduin ko lang sila sa labas." Masayang pagbabalita ni Ate Annika habang may hawak na phone at kaagad nang lumabas ng bahay para sunduin sila kuya.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Ate Annika kasama si Kuya Xavier at halos hindi naman ako makapaniwala nang makita ko ulit ang lalakeng naging dahilan para gumulo ang mundo ko.

Si Kuya Maverick.

Napatingin sa amin ni Trey si Kuya Maverick at nginitian niya kami. Naramdaman ko namang hinigpitan ni Trey ang hawak niya sa kamay ko. I knew it, he's mad.

"Good evening, Mommy and Daddy. Si Maverick Eliazar nga pala. Siya 'yung Manager na magpoprovide ng mga employees para sa Communication Line natin." Pagpapakilala ni Kuya Xavier kay Kuya Maverick sa parents namin.

Ang ibig sabihin ba nito ay makakatrabaho ni Kuya Xavier si Kuya Maverick? Anong nangyayari? Coincidence lang ba ang lahat ng ito?

Nakipag-kamay naman sina Mommy at Daddy kay Kuya Maverick. "Nice to meet you, hijo. Sa wakas ay nameet na rin kita. Alam mo bang marami akong nababalitaang good feedbacks tungkol sa'yo? Hindi ka lang pala gwapo kundi isa ka ring successful at matalinong lalake. I envy you for that." Nakangiting sabi ni Mommy.

Ngumiti rin naman si Kuya Maverick at nagbow pa ito. "Salamat po, tita. Makakasigurado po kayo na magiging maayos ang serbisyo namin sa kompanya niyo." Sabi niya at saglit na tumingin sa akin bago ulit bumaling kay Mommy.

"Tita? He calls your mother like that?" Hindi makapaniwalang bulong sa akin ni Trey.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Trey para kumalma siya. Kung iinsultuhin ulit ni Kuya Maverick si Trey at sa harapan pa talaga mismo ng pamilya ko ay hindi ako magdadalawang-isip na paalisin siya kahit pa magalit si Kuya Xavier sa akin.

"May tiwala naman kami sa'yo, Maverick kaya sabayan mo na kaming kumain dito." Paanyaya naman ni Daddy sa kanya.

Umupo na sina Kuya Xavier at Kuya Maverick sa dining table at pagkatapos ay nag-umpisa na rin kaming kumain. 

Danger AlleyWhere stories live. Discover now