15

14.8K 394 58
                                    

MACY'S POV 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Kuya Maverick sa restaurant. Kanina pa nakaalis sina Sarina at Trey kaya umuwi na rin kami ni kuya. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak niya. Ngayon ko lang siya nakitang umakto ng ganito. Para bang hindi niya nagustuhan na nililigawan si Sarina ng ibang lalake. Pinahiya niya rin si Trey sa harapan namin. Alam kong may gusto si Kuya Maverick kay Sarina pero hindi ko naman akalain na magiging ganito pala ang kalalabasan ng dapat sana ay masaya naming dinner.

"Kuya, bakit mo naman sinabi kay Sarina na hindi siya pwedeng maging girlfriend ni Trey dahil walang trabaho 'yong tao? At bakit mo rin sinabi na pwede kang maging boyfriend niya dahil lang sa may trabaho ka? Are you crazy, Kuya Maverick?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Napangisi na parang naiinis si Kuya Maverick at napahawi sa buhok niya. "Eh hindi naman kayang buhayin ng lalakeng 'yon si Sarina dahil wala siyang trabaho. You knew that I like Sarina, right? Hindi sila bagay, Macy because Sarina belongs to me!" sigaw niya na ikinagulat ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni kuya. He's acting like a weirdo. He looks obsessed too just like Yohan. Umaakto siya na parang boyfriend ni Sarina.

I keep myself calm kahit parang gusto ko nang umiyak. Hindi kasi ako sanay na makitang nagkakaganito si Kuya Maverick. He's the most calmest and understanding person I knew but he's starting to act weird lately when he met Sarina.

"Kuya, I know you like Sarina pero si Trey ang mahal niya. If you love her then you need to set her free at hayaan siya sa taong mahal niya-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang nagwala at pinagtatapon ang lahat ng gamit na makikita niya sa living room namin. Napaiyak ako habang pinagmamasdan siya na parang nawawala na sa sarili niya.

He combed his hair in frustration at tinitigan ako ng masama. "Set her free? Sa tingin mo ba ay papayag ako do'n, Macy? Minahal ko na si Sarina simula nung dinala mo siya dito sa bahay natin. Its your fault kung bakit nagkakaganito ako nang dahil sa kanya. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang babae at hindi ako papayag na maagaw pa siya sa akin ng ibang lalake! Gagawin ko ang lahat para lang makuha siya at kung pipigilan mo ako do'n ay hinding-hindi na kita ituturing na kapatid ko kahit kailan!" Sigaw niya sa akin at pagkatapos ay iniwan niya na akong mag-isa.

Napahagulgol ako ng iyak dahil sa huling salitang binitiwan ni Kuya Maverick. Hindi na siya ang Kuya Maverick na kilala ko. Ang laki na ng pinagbago niya nang dahil sa pagkagusto niya kay Sarina. Ang tagal na naming magkasama at siya lang ang taong hinding-hindi ako iiwanan at sasaktan pero sa nakikita ko ngayon ay kaya niya akong talikuran nang dahil sa obsession nito kay Sarina.

Bakit nagkaganito ang kapatid ko? Natatakot ako para sa kanilang dalawa ni Sarina. Hindi maganda ang naidudulot ng obsesyon sa isang tao dahil nagagawa nitong masama ang isang taong nagmamahal katulad na lang ni Yohan.

Naipit na naman ako sa isang sitwasyon na kailangan kong manahimik para sa ikabubuti ng lahat. Hinihiling ko na sana'y maging ligtas ang kaibigan kong si Sarina mula sa mga kamay nina Kuya Maverick at Yohan.

TREY'S POV

Trey, mag-iingat ka palagi, ha? Huwag mo nang isipin ang mga sinabi sa'yo ng kapatid ni Macy. Baliw na yata 'yon! Okay sige, matulog ka na at magpahinga. Kita-kits na lang bukas. I love you! Good night.

Napangiti ako habang binabasa ang text ni Sasa. Nagreply kaagad ako.

Oo naman. Magpahinga at matulog ka na rin. Susunduin pa kita bukas sa inyo. Mahal na mahal din kita. Good night, too.

Nang matapos kong itext si Sasa ay humiga ako sa kama ko at pumikit. Halatang ayaw sa akin ng kapatid ni Macy at nahalata ko kanina ang mga malagkit niyang tingin kay Sasa. Pinahiya niya ako sa harapan nila Sasa at lumabas rin na ayaw niyang ligawan ko ito.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now