Chapter 38

7.2K 214 10
                                    

JENICA'S POV

5pm na pero hindi pa rin ako sinusundo ni Alex kaya napagpasyahan kong puntahan na lang siya sa klase nila. Baka kasi may pinagawa pa sa kanila ang Prof nila kaya natagalan siya sa pagsundo sa akin. Nagpaalam na ako kay Sarina na mauuna na akong umalis at tumango lang ito. Simula nang naging kami ni Alex pakiramdam ko ay napakaswerte ko ng babae. Hindi ko akalain na magkakagusto sa akin ang isang Alex De Silva na hinahangaan ng lahat dito sa St. Therese dahil isa siyang sikat at gwapong Varsity Player at alam ko naman na mahal na mahal niya ako dahil sinabi niya na sa akin iyon bago niya ako ligawan. Napangiti naman ako dahil dun.

Habang papalapit na ako sa classroom nila ay nakita ko kaagad si Alex di kalayuan na parang nakikipagtalo sa isa pang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang si Wayne ang nakita ko. Hindi ko alam pero nagtago muna ako sa likod ng pader at gusto kong marinig kung ano ba ang pinagtatalunan nila.

"Iba ka rin pala Alex, ano? May girlfriend ka na pero umamin ka pa ng nararamdaman mo para sa kanya?" Parang naghahamon na tono ni Wayne.

Umamin si Alex ng nararamdaman niya? Pero kanino? Akala ko ba ay mahal niya ako? Hindi ako nakahinga kaagad dahil sa sinabi ni Wayne.

"So what If I confessed my feelings to her? I like her ever since at hindi ko kasalanan na nagkagusto ulit ako sa kanya!" Sabi ni Alex at dinuro si Wayne.

Tumawa lang si Wayne dahil sa sinabi niya. "It's your choice, bro. Niligawan mo si Jenica pero si Sarina naman pala ang gusto mo? What a stupid reason you are." Sabi pa niya.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Wayne. Gusto ni Alex si Sarina? Pero paano nangyari iyon? Bigla ay nagflashback sa akin ang mga sinabi ni Yohan noong pinuntahan ko siya sa DSWD.

"Ikaw ba Jenica, hindi ka ba natatakot na magkagusto rin si Alex kay Sarina? Nung una ay si Ulysses tapos baka ngayon ay si Alex naman. Hindi malabong mangyari 'yon."

"Imposible 'yan. Alam ni Alex na magkaibigan kami ni Sarina at alam kong mahal niya ako."

"Hindi mo alam ang mga posibilidad na mangyayari. Maganda at sexy si Sarina, walang-wala ka sa itsura niya. Nagsasabi lang ako ng totoo, ha? Huwag kang maoffend."

"Kaibigan kita Jenica kaya pinapaalahanan lang kita. Hindi malabong mangyari 'yon kaya kung ako sa'yo ay ilayo mo na si Alex kay Sarina."

Napaluha na lang ako matapos maalala iyon. All this time ay gusto naman pala ni Alex si Sarina? Kaya pala napapansin ko noon pa na sobra siyang nag-aalala para kay Sarina dahil may mas malalim pa na rason doon.

Palagi na lang bang si Sarina ang kukuha nang lahat sa akin? Noong una ay si Ulysses tapos ngayon si Alex naman? Bakit lahat na lang lalaking napapalapit at napapamahal sa akin ay gusto siya?

"Minahal ko si Jenica at totoo 'yon. I don't know kung bakit nagkaganito at bigla na lang nalito ako sa nararamdaman ko-" Hindi ko na hinintay pang tapusin ni Alex ang sasabihin niya nang lumapit ako sa kanya habang umiiyak na.

Nagulat siya nang makita ako habang si Wayne naman ay natahimik lang.

"J-Jenica..." Gulat na tanong ni Alex at parang hindi alam ang sasabihin niya.

Hindi na ako nakapagpigil pa at sinampal siya. Napatahimik lang siya dahil sa ginawa ko at yumuko.

"Narinig ko na ang lahat ng sinabi mo, Alex. I knew it. Niligawan mo pa ako kung hindi ka pa pala nakakamove-on kay Sarina? You're using me, right?" Sabi ko na may puno ng hinanakit.

"Jenica, I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. Mahal kita pero-"

"Pero ano? Mas mahal mo si Sarina? Ang sakit, Alex. Ang akala ko ay mahal mo talaga ako pero hindi! Oo, alam ko na mas lamang si Sarina sa akin pero sana hindi mo na lang ako ginamit para mas lalo lang mapalapit sa kanya!" Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib niya. Hindi siya makapalag sa ginagawa ko at hinahayaan lang niyang gawin ko iyon sa kanya.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon