13

16.4K 405 65
                                    

YOHAN'S POV

Patuloy ako sa pagwawala sa loob ng kwarto ko. Sigaw ako ng sigaw dahil sa matinding galit at halos lahat ng mga gamit ko ay pinagtatapon ko sa sahig.

Napatahimik ko na si Ulysses pero may pumalit naman sa kanya at ang masaklap ay siya 'yong lalakeng kababata at mahal na noon pa man ni Sarina. May balak pa siyang mag-aral sa St. Therese at malalaman ko na lang na nililigawan na niya si Sarina? Sinabi ko pa na girlfriend ko na si Sarina sa harapan ng mga kaklase namin.

Paano na lang kapag nalaman nila na hindi ko naman talaga girlfriend si Sarina at gumawa lang ako ng kwento na hindi totoo? Panigurado na mapapahiya lang ako!

Nakakainis! Bakit ba hindi na lang tumira ng panghabang-buhay sa Amerika ang tarantadong Trey na 'yon? Nang dahil sa kanya ay malaki ang tsansang magkatuluyan sila ni Sarina dahil may gusto ito sa kanya kaya hinding-hindi ako makakapayag doon! Kailangan ko siyang patahimikin sa lalong madaling panahon.

"Oh, bakit ka nagwawala, utol? Nababaliw ka na ba?" Natatawang tanong ni Kuya Aldwin na nakapasok kaagad sa loob ng kwarto ko.

Natatakpan lang ng mga kurtina ang mga kwarto namin kaya madali lang kaming makapasok sa kwarto ng bawat isa. Siya ang panganay sa aming magkakapatid. Anak siya ni Mama sa una nitong naging asawa na binuntis lang at pagkatapos ay iniwan.

"Oo nga. Ang ingay mo, Yohan! Kita mo nang natutulog ako, e. Panira ka ng tulog!" Naiinis namang sabi ni Kuya Ace na nagising dahil sa pagwawala ko. Siya naman ang pangalawang kapatid ko na anak din ni Mama sa ibang lalake.

Nasa sugalan si Mama at nagkaroon na siya ng perang pansugal dahil binigyan siya ng mga kapatid ko na minsan lang umuwi sa bahay dahil mas inuuna pa ang pambababae at manghuthot ng pera sa mga baklang nagkakagusto sa kanila kaysa ang magtrabaho. Katulad ko ay may maipagmamalaki sa itsura ang mga kuya ko.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Wala kayong pakialam kung magwala ako dito. Bahay ko rin 'to kaya may karapatan akong gawin ang lahat ng gusto ko!"

Napailing at natawa na lang sila sa sinabi ko at parehas akong inakbayan.

"Tungkol na naman siguro 'to sa maganda mong kaibigan, ano? Bakit? Hindi pa ba nadala sa pambubugbog natin 'yong Ulysses na 'yon at lumalapit pa rin siya sa soon to be sister-in-law ko?" Nakangising tanong ni Kuya Aldwin.

Pilit kong kinalma ang sarili ko bago muling magsalita. "Hindi. Napatahimik ko na si Ulysses. Ang kaso ay may lalake namang pumalit sa kanya. Ayon ay si Trey na kababata ni Sarina. Dito na siya sa Pilipinas titira at mag-aaral. Nililigawan niya si Sarina at malaki ang tsansa na maging sila dahil mahal siya ni Sarina. Ano nang gagawin ko, kuya? Hindi pwedeng mapunta si Sarina sa ibang lalake. Sa akin siya kaya dapat ay ako lang ang magiging boyfriend niya!" Desperado kong sabi at napasabunot sa buhok ko dahil sa frustrations at inis.

"Problema ba 'yan? Alam kong hindi natin madadaan sa bugbog 'yang nanliligaw sa kinababaliwan mong si Sarina dahil kapag binuhay pa natin 'yan ay siya pa rin ang pipiliin. Ang kailangan siguro nating gawin ay ipadala na lang sa impyerno ang lalakeng 'yon para wala ka nang problema, Yohan." Sabi ni Kuya Ace na nakangisi rin sa akin.

Natahimik ako dahil sa sinabi ng mga kapatid ko. May punto sila. Maaaring 'yong asungot na si Trey ang pipiliin ni Sarina kung simpleng bugbog lang ang gagawin namin sa kanya. Kailangan ko na siyang patahimikin.

Alam kong hindi na tama itong nararamdaman kong obsession kay Sarina pero alang-alang sa pagmamahal ko para sa kanya ay makakaya kong pumatay nang kahit sinong lalake na hahadlang sa landas naming dalawa.

"Good idea, kuya." Kasabay ng pagngisi ko.

MAVERICK'S POV

"Seriously, Maverick? You're in love with a 16 year-old girl?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bryan. My one and only friend.

Tumango ako at tinungga ang pang pitong bote ko ng beer. Nandito kami sa bar at ako ay nagpapakalasing sa kakaisip kay Sarina.

Gagawa na ako ng paraan para mas mapalapit sa kanya at para na rin makuha ang tiwala niya.

Humalakhak si Bryan sa sinabi ko at tumungga rin ng beer na iniinom nito.

Bryan Jimenez has been a long-time friend of mine. He's a businessman, the son of the CEO of the telecommunications company where I work, and an eligible bachelor in town. We had been friends for almost 9 years. He is a high school friend of mine at kateammates sa Basketball team na sinalihan namin noon.

Katulad ni Macy ay hirap din akong magtiwala sa isang tao. Kay Bryan lang ako nagtitiwala dahil kahit magkaiba kami ng personalidad ay nagkakasundo kami.

"I didn't expect that. Sa dami ng magaganda at sexy na babaeng kaedad natin na nagkakandarapa sa'yo ay mapapatumba ka lang pala ng kaklase ng kapatid mo? Sarina must be stunning and extremely attractive." Sabi niya.

I smile and remember Sarina's lovely face. "Yeah, she's gorgeous and extremely pretty, but that's not the only reason I like her; I also like her because of her innocence," I explained.

"Her innocence?" Tanong ni Bryan.

Pinaglaruan ko ang hawak kong bote. "I've never felt this way before, Bryan. I don't like a woman who has been chasing me and only likes me because of my wealth and looks. Even high school students the same age as Sarina wants me and wants to have sex with me but she's really different. She's attracted by my looks but I can see that she definitely doesn't like me but more on scared with me. But I won't give up, I will do everything just to have

Napailing si Bryan at tinapik ang balikat ko. "Its up to you pero sana gawin mong makuha siya sa paraang mamahalin ka rin niya. Maverick, obsession is extremely dangerous. My cousin died as a result of his dangerous obsession with a girl he loves. Don't ever go down your Danger Alley because it could ruin you and her." Seryoso niyang sabi.

Napahinto at napaisip ako sa sinabi ni Bryan. Hindi nga malabong mangyari na mabaliw at maobsessed ako ng sobra kay Sarina dahil ngayon pa nga na hindi pa kami ay hinding-hindi ko na siya maialis sa isipan ko.

Iniisip ko na kaagad na mapapasaakin siya kahit walang kasiguraduhan kung kaya ba niya akong mahalin o hindi despite of our age gap pero hindi ako susuko. Mamahalin rin ako ni Sarina at ipapakita ko sa kanya na pwede kaming magmahalan.

But Bryan's cousin died because of his obsession on a girl?

"He died because of his obsession?"

Bryan nodded. "Oo. Matagal na panahon na rin simula nang mangyari 'yon. Hindi matanggap ng pinsan ko na nagpakasal sa ibang lalake ang babaeng mahal niya na kilala na niya noon pa man. Mas pinili niyang patayin ang sarili kaysa ang makitang masaya sa ibang lalake ang babaeng mahal niya. I warned you Maverick, just do your best to make Sarina love you back and don't push yourself towards her na parang gusto mo na siyang sunggaban kaagad." At kinindatan ako ng gago.

Natawa ako at binato siya ng table napkin sa mukha na nasalo niya. "Siraulo! Masyado ka na yatang naiimpluwensiyahan ng mga romance novel na binabasa mo kaya nagiging love guru na ang dating mo. Hindi bagay sa'yo ulol!" Mas lalo siyang tumawa.

"Loko! Sinasabi ko lang ang opinyon ko bilang isang concern na poging nilalang."

Napailing ako dahil sa pagbibiro ni Bryan at muling napaisip.

Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Sarina pero hindi ko maipapangako na baka hindi siya matakot sa akin. Kailangan ko munang gumawa ng paraan na mawala sa buhay namin ang obsessed na lalaking nagkakagusto sa kanya at iyon ay...

Si Yohan Suarez.

-Ajai_Kim

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon