08

21.2K 612 26
                                    

THIRD PERSON'S POV

Pagkarating ni Yohan galing sa paaralan nila at sa kakatapos lang na basketball practice sa Varsity Team nila ay sumalampak siya sa maliit na sofa ng kanilang barong-barong at sumandal doon.

Pagod na pagod siya at nagugutom pa. Hindi siya makabili ng pagkain sa Cafeteria ng paaralan nila dahil mahal ang mga pagkain doon at tinitipid ang kaniyang natitirang pera para sa baon at pamasahe sa mga susunod pang araw.

Nakapasok lang naman siya sa St. Therese dahil sa talino at galing sa basketball. Mas mahirap pa nga siya sa dukha kung tutuusin. Mabuti at walang ibang nakakaalam sa buong paaralan nila na nakatira lang siya sa iskwater at laking kalye pa kundi ay baka tuksuhin lang siya na isang hampaslupa ng mga mayayaman niyang kaibigan sa Varsity Team na pasimple niyang inuuto para lang makalibre at makahingi ng pera.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at pumunta sa kusina na hindi kalayuan sa pwesto ng sofa. Binuksan niya ang isang nakatakip na ulam sa lamesa at isang tuyo at malamig na kanin lang ang nakita niyang nakahain.

Nagngitngit siya sa sobrang galit dahil gutom na gutom na nga siya tapos tuyo at kanin lang ang maaabutan niyang pagkain?

"Ma!" Malakas niyang sigaw na ikinaalarma ng inang nasa kwarto at natutulog nang dahil sa kalasingan.

Kaagad lumapit ang kaniyang ina at nginitian siya. "Ano yon, gwapo kong anak?"

Sinamaan ng tingin ni Yohan ang ina at saka tinuro ang pagkain sa lamesa.

"Gutom na gutom na nga ako galing sa school at pagpapractice ng basketball tapos ganitong pagkain lang ang madadatnan ko? Nasaan na 'yong binigay kong pera sa'yo para sa budget natin ng isang linggo?" Nakasigaw niyang tanong.

Napakamot sa ulo ang ina nito at ngumiti ng alangan. "A-anak kasi... Naipansugal ko na 'yon kanina. 'Yong mga Kuya mo naman ay hindi pa ako binibigyan ng pera dahil hindi pa sila umuuwi kaya tuyo lang ang nabili kong ulam dahil wala na akong pera."

Dahil sa sobrang inis ni Yohan ay tinabig niya ang pagkain sa lamesa na ikinabigla ng ina nito.

"Bwisit! Ma naman, maliit na nga lang 'yong kinikita ko sa pagwe-waiter sa madaling araw tapos ilulustay mo lang 'yong pera ko sa sugal? Kung mayaman lang talaga ako ay hindi na ako magtitiis sa mabaho at masikip na lugar na 'to at lalayasan ko na kayo!" Iritable niyang sagot at napasabunot sa buhok dahil sa sobrang inis.

Pinameywanganan naman siya ng kaniyang ina at tinaasan ng kilay sabay turo sa kanya. "Aba, Yohan! Huwag na 'wag mo akong sinusumbatan ng ganyan dahil Nanay mo pa rin ako at anak lang kita. Kung ginagamit mo lang sana 'yang utak at kagwapuhan mo para yumaman tayo 'di sana ngayon ay nagpapakasasa na tayo sa pera at teka nga lang... hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nagiging girlfriend 'yong mayaman mong kaibigan na si Sarina?" Tanong nito.

Natahimik si Yohan at nagtiim-bagang na umiling. "Hindi pa, pero gagawa ako ng paraan para maging akin siya. Hindi ko siya minahal dahil sa yaman ng pamilya nilang gustong-gusto mo. Mahal ko siya dahil sa akin siya." Paninigurado niya.

Tumawa lang ang kaniyang ina. "Siguraduhin mo lang na mauuto mo 'yang kaibigan mo, Yohan. Hindi na ako makapaghihintay na yumaman tayo hay!" Nangangarap nitong ani at bumalik na sa loob ng kwarto.

Napairap si Yohan dahil sa inis sa mukhang perang ina. Bigla niyang naalala na may bente pesos pa pala siyang natitira sa bulsa kaya lumabas muna siya sa barong-barong nila para bumili ng bente pesos na ulam sa Karinderya.

Habang naglalakad sa masikip nilang eskinita ay napapatingin ang lahat ng mga babae sa paligid samantalang ang mga lalake naman ay ultimo'y papatayin na siya dahil sa tingin ng mga ito.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now