10

19K 512 29
                                    

SARINA'S POV

Ngayon na ang pinakahihintay kong araw para salubungin at makitang muli ang aking Trey my loves! Mahigit apat na taon ko na rin kasi siyang hindi nakikita at sobrang namiss ko siya.

Trey Delos Santos is my childhood friend. Magbestfriend sina Mommy at si Tita Clay (his mom) kaya mga bata pa lang kami ay pinagsama na nila kaming mga anak nila para maging kalaro namin ang isa't-isa at maging magkaklase sa school na pinapasukan namin noon.

Noong mag high school kami ay kailangan na nilang tumira ng pamilya niya sa Amerika para doon ituloy ang pag-aaral niya. Ang Online Gaming business ng pamilya nila ang dahilan na ibabase na sa Amerika kaya kailangan nilang tumira doon.

Nalungkot ako noong nalaman 'yon at buong araw kong iniyakan si Trey. Ayaw ko kasing magkalayo kami dahil mga bata pa lang kami ay alam kong mahal ko siya. Hindi ko lang alam kung aware ba siya sa nararamdaman ko para sa kanya pero siguro ay hindi, baka isang kapatid lang ang turing niya sa akin pero hindi pa rin ako susuko na balang araw ay mamahalin niya ako hindi bilang isang kapatid kundi bilang isang babaeng mamahalin niya ng habang-buhay.

Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong umuwi dahil sinabi ni Ate Annika na nasa bahay raw namin sila Trey na dumiretso sa amin para lang makita ako. Wala naman sina Kuya Xavier at ang parents ko dahil busy sila sa pagtatrabaho sa kompanya namin. Sobrang natuwa at naexcite naman ako kaya nagmadali akong umuwi ng bahay.

Kanina sa loob ng classroom namin ay naweweirduhan ako sa mga kaklase ko dahil parang kinikilig sila habang nag-uusap kami ni Yohan tungkol sa assignments na itinatanong niya sa akin. Pati nga si Jenica ay nagtataka rin doon pero sinabi lang ni Yohan na hayaan na lang namin sila dahil kinikilig lang sila na magkasama kaming Muse at Escort.

Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at naniwala na lang sa sinabi ni Yohan samantalang si Jenica ay may pagdududa pa rin. Napapansin ko naman ang madalas na pagiging tahimik ni Macy na ipinagtaka ko. Alam ko kung gaano siya kadaldal at kasigla kaya nakakapagtaka lang ang pagiging tahimik niya.

Baka may problema lang siya kaya bukas rin ay kakausapin ko siya tungkol doon. Magbestfriend na kami at kailangan na magtulungan kami sa isa't-isa sa mga ups and downs sa buhay namin.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko si Ate Annika na kausap ang parents ni Trey hanggang sa unti-unting dumapo ang tingin ko sa lalakeng matagal ko nang gustong makita.

Si Trey ang depenisyon ng lalake na pinaghalo ang pagiging gwapo at cute. Kapag ngumingiti siya ay parang nagliliwanag ang buong paligid. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at nasa tama ang sukat ng tangkad niya hindi katulad ni Yohan na matangkad talaga. Bagsak ang may kulay dark brown na buhok nito at tama lang rin ang pagkahulma ng ilong at labi niya. Chinito si Trey at siya 'yong matatawag na Boy Next Door. Mabait at napaka anghel niyang tignan.

Tumingin siya sa akin mula sa pagiging busy sa tablet na hawak niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at tumitig nang ilang segundo sa akin.

Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit sa kanya. Nang makalapit na ako ay kaagad niya akong hinila sa braso ko at saka ako niyakap nang mahigpit.

"I missed you so much, Sasa..." Sabi niya.

Siya lang ang tumatawag ng Sasa na ginawa niyang nickname para sa akin. Ang cute daw kasi ng nickname katulad ko kaya pumayag na lang ako sa kung ano mang pangalan ang itatawag niya. Basta para kay Trey ay tatanggapin ko.

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "I missed you too, Trey..."

Kumalas siya sa pagkakayakap at niyaya akong maupo sa tabi niya. Binati ko muna sina Tito Timothy at Tita Clay bago umupo sa tabi ni Trey.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now