02

31.7K 725 34
                                    

SARINA'S POV

Ngayon ay 2nd day na ng pasukan namin. Naging maayos naman ang unang araw ng klase ko at karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay naging kaklase ko lang last year including Jenica and Yohan.

Ang napiling Class President ay si Jenica. Matalino kasi ito at magaling sa leadership kaya karamihan sa mga kaklase namin na kasali pati ako ay binoto siya para maging Class President.

Ako naman ay na-nominate ulit na Muse habang si Yohan naman ang Escort. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa tingin ng mga kaklase ko ay ako ang pinakamaganda sa classroom namin samantalang hindi naman ako pala-ayos ng sarili ko. Ni hindi nga ako nagmemake-up at nag-aayos ng buhok hindi katulad ni Lyra na kaklase ko rin na maganda na nga, fashionable at pala-ayos pa.

Hindi naman ako magtataka na pinili ng klase si Yohan as Escort dahil gwapo naman talaga siya. Halos kiligin nga ang mga kaklase kong babae nang malaman nila na magiging kaklase namin si Yohan na isang sikat na Varsity Player ng St. Therese.

Habang naglalakad ako patungo sa unang klase ko ay may humarang sa dinaraanan ko at nagulat ako nang makitang si Ulysses iyon.

Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay nginitian ako at may inabot na isang paperbag. "Hi, Sarina! Kahapon ko pa sana gustong ibigay sa'yo 'to kaso wala lang akong time dahil sa practice namin sa basketball. This is my gift for you. Binili ko 'yan nang magbakasyon kami ng parents ko sa Venice. I hope you'll like it." Sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya at umiling. Bakit niya ako binibigyan ng regalo? Hindi ba't dapat ay si Jenica na girlfriend niya ang binibigyan niya nito?

"I'm sorry, Ulysses pero hindi ko matatanggap 'yang regalo mo. Dapat siguro ay ibigay mo 'yan kay Jenica dahil siya ang girlfriend mo. Sige, mauuna na ako sa klase ko." sabi ko.

Akmang aalis na sana ako nang hinawakan ni Ulysses ang braso ko.

"Wait lang, can't you just get, Sarina?" Parang naiiritang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

Napatigil naman ako nang bigla niya akong iniharap sa kanya at tinitigan sa mga mata ko.

Gwapo si Ulysses kaya hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kabilang na doon si Jenica na matagal na siyang gusto pero ngayon ay nalilito ako sa ginagawa niya at hindi ko siya maintindihan.

"I know you wouldn't believe this but.. I really like you. Noong una palang kitang makita sa Volleyball team niyo ay nagustuhan na kita. Hindi lang kita malapitan dahil palaging nakabuntot sa'yo si Yohan. Ngayon lang ako naglakas ng loob na umamin sa'yo pero Sarina, gusto kita. Please, let me court you," sabi ni Ulysses at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Gulat na gulat ako sa pag-amin niya sa akin.

Hindi 'to tama! Girlfriend niya si Jenica at mahal na mahal siya ng kaibigan ko kaya hindi pwede 'to!

Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak sa akin ni Ulysses at lumayo ng kaunti sa kanya. "Hindi pwede, Ulysses. Girlfriend mo si Jenica at kaibigan ko siya. Mali 'yang mga pinagsasabi mo!" Sabi ko.

Yayakapin pa sana niya ako nang lumayo ulit ako sa kanya. "C'mon! Sarina. Kung nag-aalala ka kay Jenica, we already broke-up yesterday. Ginamit ko lang naman siya para mapalapit ako sa'yo at malaman ko ang address ng bahay niyo dahil liligawan kita. This time, I will be serious at hindi na ako maghahanap ng ibang babae. I like you so much." Tila nagpantig ang tenga ko dahil sa mga sinabi niya at hindi ko na napigilang lapitan siya at sampalin.

Napahawak naman siya sa pisngi niyang sinampal ko at nagulat ito sa ginawa ko.

"Anong karapatan mo para saktan si Jenica at gamitin siya? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? Sinaktan mo ang kaibigan ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now