Crown 2 - Yours 17

1.6K 92 13
                                    

" Akin na ang bakal " paabot ko sa kawal na kinuha ang bakal na nagbabaga ang dulo. " Sasabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sa'yo na sunugin ang bayan ng mga Monke " muli kong ulit.


Nanghihina itong ngumiti dulot na rin ng pagpapahirap ko sa kaniya. Hindi ko na nga makita ang mukha niya dahil nababalutan na ito ng mga dugo.


" P-patayin mo m-man ako ngayon w-wala ako.... s-sasabi AHHHHHHHH! " hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang pagsasalita ng ibaon ko ang bakal sa gitna ng kaniyang dibdib hanggang sa tumagos ito sa kaniyang likuran.


Iniwan ko ang labi ng lalaki at lumabas sa kulungan. Hinugasan ko ang kamay ko na nagkamantsa ng dugo galing sa mababang uri na 'yon. Hindi ako mag-aaksaya ng panahon para sa kaniya dahil alam kong may iba pang paraan para mahanap ko ang may kagagawan ng pagsunog.


Bumalik ako sa palasyo upang magtungo sa silid ng aking ama dahil naudlot ang pag-uusap namin kanina. Kita sa mukha ng aking ama na importante ang kaniyang sasabihin.

Pagkarating ko roon ay napansin ko na bahagyang bukas ang pintuan kaya mabilis akong nagtungo sa kaniyang silid. Laging tinitiyak ni ama na nakasarado ang kaniyang silid.


" Hindi mo maaaring sabihin 'yan kay Aedion! " malakas ang boses ni ina. Ang ibig sabihin tapos na ang pagtuturo niya kay Reika.

" Hanggang ngayon prinoprotektahan mo pa rin ang pamilyang Niklaus! Itinuturing ko silang kaibigan dahil sa'yo ngunit hindi na tama ang ginagawa nila. Dinadamay na nila ang lahat! " pagtataas ng boses ni ama kay ina.


Madalang lang magalit si ama lalo na kay ina at sa kalmado pang paraan. Ni pagtataas ng boses niya ay hindi ko narinig na ginawa niya kay ina kaya eto ang unang pagkakataon na sinabayan niya ng taas ng boses si ina.

" Dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila. Kung hindi sa kanila, hindi natin makakasama si Aedion " salita ni ina kaya napakunot ako ng noo.

Ano ang kinalaman ko sa pamilyang Niklaus?

" Ngunit hanggang kailan mo tatanawin ang utang na loob na 'yan. Sobra-sobra na ang ginagawa mo sa kanila. Pati ang pagiging ina mo sa mga anak natin ay nakalimutan mo pati ang pagiging asawa ko " mahina na ang boses ni ama ngunit dama ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.


" Hangga't kaya ko gagawin dahil iyon lang ang tanging paraan para maibalik ko si Aedion sa akin. Para maibigay ko ang kulang sa anak natin "

Naguguluhan ako sa mga naririnig ko. Wala akong maintindihan.

"" Kaya ko inimbitahan ang mga Comzwene sa pagsasanay noon dahil ang plano natin ay mapalapit tayo kay Vashit. Sa oras na mangyari 'yon ay mapapadali ang lahat. Natupad naman lahat dahil meron ng Gerna si Aedion. Nasa kaniya na ang trono ko. Ano pa ba ang kulang? Sumira na tayo ng buhay "

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa katotohanang narinig ko. Simula palang pala ay planado na ang lahat. Ang pinakamasakit pa ay kabilang pa si ama na isa sa pinagkakatiwalaan ko.

" Kaunting tiis na lang. Makukuha ko rin ang Gerna ni Aedion sa mga Niklaus " kita ko ang paghawak ni ina sa kamay ni ama na nagmamakaawa pang tumingin.

Gerna? Ang ibig sabihin ay may Gerna talaga ko ngunit bakit nasa mga Niklaus?

" Kung kailan wala na si Vashit? "

Wala na si Vashit? Bakit mawawala si Reika sa akin? Hindi kaya ibibigay nila si Reika sa mga Niklaus.

Hindi sumagot si ina sa sinabi ni ama. Hindi ko na rin tinuloy ang pakikinig dahil dali-dali akong tumungo sa kinaroroonan ng pamilya ko. Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Reika na abala sa pagtutupi ng damit ng mga bata. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.


Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now