Crown 12

1.5K 84 4
                                    

Narito kami ngayon sa malawak na damuhan malapit sa may ilog. Ilang sandali lang ay lulubog na ang araw.

" Kailangan niyo ng matapos ang lahat bago sumapit ang gabi " pagmamadali sa amin ni Lorena.

Inilatag ko na ang tela sa damuhan at nilagyan ng bato sa mga gilid nito upang 'di tangayin ng hangin. Samantalang sila Alli ay abala sa pagtatayo ng matutulugan namin. Narito kami ngayon upang sa huling araw na makakasama namin ang mga Monke. May maliit na kasiyahan na magaganap.

Humiga ako sa ginawa ko nang may biglang tumabi. Pagtingin ko ay si Alli pala.

" Grabe! Nakakapagod! " punas niya sa kaniyang pawis.

Napaupo naman ako at humarap sa kaniya. " Talaga bang nagdidiwang kayo ng ganito sa mga Monke? "

Tumango naman siya. " Oo naman dahil pinaunlakan nila ang imbistasyon ng hari. Abala ang mga Monke sa kanilang lugar na malayo pa dito. Ilang araw rin ang kanilang lalakbayin bago makauwi sila sa kanilang tahanan " paliwanag naman niya.

Ilang sandali pa ng pag-aayos ay dumating na ang mga Monke kasama ang mga lider ng mga grupo. Sinindihan nila ang kahoy na pinalibutan namin.

" Lubos kaming nagpapasalamat sa inyo. Sana ay marami kayong natutunan sa amin at sa huling bahagi ng inyong pagsasanay ay mas marami pa ang inyong matutunan " ngiti sa amin ng matanda.

Itinaas namin ang baso naming hawak at kumampay sa bawat isa. Agad akong naidura ang ininom ko.

" Ang panget ng lasa " pinunasan ko ang dila ko.

" Alak 'yan " natatawang tugon ni Alli sabay abot ng tubig na ininom ko kaagad. Inabot ko sa kaniya ang baso ko. " Sa'yo na lang " saad ko.

Nagpatuloy kami sa aming ginagawa. Nagkekwentuhan sa bawat isa. Natutuwa naman ako dahil walang bumabanggit tungkol sa aking lahi. Siguro ay natakot talaga sila banta ni prinsipe Aedion.

" Aasahan ko ang pagtungo mo sa aming lugar " usap sa akin ni Dagen.

" Oo naman. Kung gusto mo nga ay sumama na ako sa inyo " pagbibiro ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.

Marami kaming napag-usapan at hindi namalayan na ang iilan sa aming kasamahan ay nakatulog na kung saan sila nakaupo kanina dahil sa pagkalasing.

Napagpasyahan ko munang magtungo sa palikuran bago umidlip. Nang malapit na ako ay nakita ko si ang pinakamatanda sa Monke na may kakayahan ring makita ang mga Gerna.

" May sasabihin po ba kayo? " tanong ko sa kaniya kasi kung makatitig ay binubuklat na buong kaluluwa ko.

" Dahil sa kakayanan mo ay nakakasigurado ako na mula ka sa tribo ng mga Khione " panimula niya.

Tumango naman ako bilang sagot. " Ikaw rin, 'di ba po? Ngunit nakakasigurado ako na hindi puro ang pagiging Khione mo " salita ko naman.

Naglakad naman siya kaya sumunod ako. Dito rin kami sa damuhan naglalakad habang siya ay nakatingin sa kalangitan.

" Matagal ng nilimot ng mga Ember ang mga sinaunang tribo. Hindi na nila kilala o saan sila nagmula bago pa tayo pamunuan ng iisang pinuno. Pang-ilang henerasyon na rin ako sa pamilya at ako na ang huli na may natitirang dugong Khione. " kuwento niya sabay tingin sa akin. " Hindi pa pala ako ang huli dahil nasa harap ko pa ang isa. Sabihin mo sa akin, ano pa ang isang tribong pinagmulan mo? " tanong niya.

Tinitigan ko lang siya at nginitian. " Hindi na importante kung anong tribo ang aking pinagmulan. "


Hinawakan naman niya bigla ang aking kamay. " Nakikita ko sa iyong kapalaran na hindi magiging madali ang iyong tinatahak na landas ngayon. Magdesisyon ka ng maigi at isaalang-alang mo rin ang iyong kaligtasan. " pag-aalala niyang sabi.

Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon