Crown 2 - Yours 7

1.4K 88 11
                                    

Bawat araw na nagdaan, nakikita ko ang mabilis na pagbabago sa aking sarili na pilit kong itinatago sa kaniya at kinokontra ng aking sarili. Ayaw kong tanggapin na nangyayari ito.



" Eto na ang tsaa mo " abot ni Elise sa akin ng tasang may tsaa.

" Salamat " sagot ko at ininom ito na ikinagiginhawa ng aking katawan. Napahikab naman ako matapos kong inumin ito.

Idinukdok ko muna ang mukha ko sa mga braso ko upang umidlip muna kahit papaano dahil nitong mga nakaraan ay mabilis na akong antukin kumpara noon.

-

Naiirita naman ako sa mainit na hininga na dumadampi sa aking pisngi ko kaya idinilat ko ang aking mata na agad na bumungad si Lyxus Aedion na sobrang lapit sa aking mukha. Mabilis kong inilayo ang mukha ko ngunit hinawakan niya ang batok ko at muling binalik sa maliit na pagitan na espasyo ng aming mukha.

" Napapansin ko ang pagbabago sa'yo " saad niya.

Hindi ko magawang iwasan siya ng tingin kaya ang ginawa ko ay pinikit ko ang mata ko. Akala ko magtitigil na siya ngunit bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa tiyan ko. Sa pagkakataong ito, napatayo na ako.


" Aalis na ba tayo? " tanong ko sa kaniya.

Meron ng isang buhay sa loob ng tiyan ko na hindi ko matanggap. Hangga't maaari at hangga't kaya ko ay ililihim ko ito kahit kanino. Walang makakaalam ang nangyayari sa akin.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at naglakad na kaya sumunod ako sa kaniya. Sumakay kami kaagad sa karwahe upang makatungo sa palasyo. Pagkarating namin ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko. Nagpalit ako ng mas preskong damit kaya nakita ko ang unting paglaki ng tiyan ko. Hindi naman halata dahil para lang akong busog.


" Hindi mo 'yan matatago sa kaniya " saad ko.


" Kung hindi ko maitatago ay ilalayo ko sa kaniya " sagot ko kay Pierre. " Kapag nakakuha na ako ng pagkakataon ay aalis na ako dito " sagot ko.



" Hindi Reika. Mananatili ka dito " biglang sabi ni Pierre.



" Ang akala ko ba ayaw mo kay Lyxus Aedion ngunit bakit ngayon ay siya na ang kinakampihan mo? " tanong ko sa kaniya.


" Dahil iyon ang makabubuti sa inyo " sagot niya. " Tandaan mo na sa oras na malaman nila na magkakaroon ka ng anak sa hari ng mga Ember ay mas lalo silang masasabik na pag-aralan kang muli pati na rin ang anak mo. " paliwanag ni Pierre.


Napaupo ako sa kama. 'Di ko na alam ang tama kong gagawin dahil nahihirapan na akong mag-isip. Sa bawat hakbang na gagawin ko, may isa pa akong buhay na dapat isipin.


" Ayaw ko sa kaniya " hinampas ko ang tiyan ko. " Hindi dapat siya nabuo dahil ako lang ang nahihirapan " paulit-ulit kong hinampas na pinigilan naman ni Pierre.


Wala na akong ginawa kung hindi hilingin na sana mawala na siya. Masama na kung masama ang maging tingin ng iba sa akin kapag nalaman nila na hiniling kong mamatay na ang batang nasa sinapupunan ko dahil alam kong mas maganda ang magiging buhay niya kapag hindi siya mabubuhay.

" Nandiyan na ang batang 'yan. Ang tanging magagawa mo lang ay kausapin si Aedion sa gusto mong mangyari " saad ni Pierre.



Umiling ako bilang pagtutol. " Ayaw kong ipaalam ito sa kaniya "


Hinawakan ako ni Pierre sa magkabilang balikat. " Sabihin mo sa kaniya dahil sa ganoong paraan siya makakatulong sa'yo. "


Paano ko sasabihin sa kaniya na ayaw kong magkaroon ng anak na nagmula sa kaniya? Na gusto kong mawala na ang batang ito.



Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now