Crown 14

1.5K 90 6
                                    

Dahil sa nangyaring aksidente, hindi ako nakadalo ng tatlong araw sa pagsasanay. Pinalabas na lang nila na bumalik ako sa Comzwene upang may asikasuhin na importante.


Ngayong araw ang balik ko sa palacio de verde. Narito ako ngayon sa harap ng doktor na kasama ang isa sa katiwala ng hari. Hindi siya makakarating dahil abala siya sa kaniyang mga gawain samantalang ang prinsipe ay hindi ko alam kung anong ganap sa kaniyang buhay. Hindi ko nga siya nakita ng gumising ako.


" Hindi pa masyadong magaling ang iyong sugat kaya huwag mo dapat pwersahin ang iyong katawan. Maaaring bumuka muli ang sugat mo kung 'di ka mag-iingat " paalala niya.


Tumango lang ako sa kaniya at umalis kaagad dahil ayaw ko siyang makita. Wala akong tiwala sa kahit sinomang doktor.




-



Tanghalian na rin kami nakarating sa palacio de verde. Wala pa rin namang pagbabago. Abala pa rin ang mga kawal at katiwala sa kani-kanilang gawain.


" Ipaghahanda ko na lang po kayo ng pagkain sa inyong kuwarto " pananalita ng katiwalang kasama ko.


" Hindi na kailangan. Tutungo na ako sa silid-kainan o kaya sa silid-sanayan upang hanapin ko sila " sagot ko sa kaniya.


" Ngunit ang bilin sa iyo ng doktor ay kailangan mong magpahinga dahil --- " hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita ng umalis na ako.


Alam ko ang ginagawa ko. Katawan ko naman ito kaya mas kabisado ko ang nangyayari sa akin. Naglakad na ako patungo muna sa silid-kainan ngunit wala sila doon kaya sumunod ako sa sunod na silid.


Unang bumungad sa akin ang pagbalibag ng matandang babae sa hawak niya na siya namang ikinagulat ko. Kaya pala sobrang tahimik pagbukas ko ng pinto dahil napagalit na naman nila ang matanda.


" Kung hindi niyo pa rin makukuha ang aking pinapagawa ay hihilingin ko sa hari na dagdagan pa ang araw ng ating pagsasanay! " sigaw niya sabay alis.


Eh sakto naman na dadaan siya sa gawi ko kaya mabilis akong gumilid. Huminto lang siya saglit at tiningnan ako na may kasamang pagtaas ng kilay pero umalis kaagad. Ako naman nagtataka dahil di ko alam kung ano ang ginawa ko sa kaniya. Kakadating ko lang naman.


" Vashit! "


Pamilyar na boses ang aking narinig kaya kaagad akong napalingon. Papalapit sa akin si Odette.


" Buhay ka pa pala " sabay hampas nito sa akin sa balikat na talaga namang ikinaalis ko sa puwesto sa sobrang lakas.


" Uy Vashit! "


Hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat sabay alog sa akin ng pagkalakas-lakas na para bang hindi babae ang nasa harap ko.


" Hindi ka ba nasasabik na makita akooo! " saad niya.


Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. " Hindi " sagot ko na ikinangiti niya ng malawak sabay akbay sa akin.


"  May utang ka sa akin dahil ako ang pumalit sa'yo dito. " bigkas pa niya.


" Hindi ko utang na loob yon " sagot ko habang naglalakad kami sa aming grupo.



Hindi na siya nagsalita pa at akbay-akbay lang niya. Syempre natutuwa akong makita siya pero ayaw ko lang ipahalata dahil ipangtutukso lang niya sa akin 'yon.


" Uy Vashit! " bati sa akin ng mga kagrupo ko.



Binati ko rin sila na may ngiti sa mga labi. Nagtataka naman ako dahil hindi ko nakita si Prinsipe Aedion. Hindi naman sa gusto ko siyang makita ngunit ang nais ko lamang kung nagingmatagumpay ba ang paglilipat ko kay Tala sa kaniya.


Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now