Crown 3

2.1K 92 6
                                    

Ito ang simula ng araw ng aming pagsasanay. 

Kakatapos lang naming kumain kaya dito kami dumiretso sa labas na malawak ang paligid. Ngayon ay nakita ko na ang aming tinutuluyan. Kulay luntian ang kulay ng mga pader nito dahil na rin sa mga halamang gumagapang sa pader na namumulaklak pa ng iba't ibang kulay.


" Lahat ay makinig sa akin " salita ng babae.


Kulay pula ang kaniyang mahabang kasuotan na may puting lasong nakatali sa bewang. May hawak siyang mga papel na nalukot na sa paraan ng kaniyang pagkakahawak. Bata ang mukha niya kumpara sa akin. 


" Nasa akin na ang pangalan ng mga magkakagrupo. Sa oras na tawagin ko kayo ay tumayo lamang kayo sa inyong tatayong pinuno ng inyong grupo at inyong patnubay sa buong pagsasabay ninyo dito.Ngunit bago 'yan,ipapakilala ko muna sila " salita niya.


May tumabi naman sa kaniyang limang Ember na pamilyar na sa akin. Sila kasi ang nakalaban ko noon sa nomosran, ang paligsahan kung saan napagtagumpayan namin kaya nakamit namin ang kalayaan.


" Para sa unang grupo, si Lysandra ang inyong lider. " taas ng kamay ng babae na may kulay itim na buhok na maikli. Kayumanggi rin ang kaniyang balat at mukhang handang makipaglaban anumang oras. " Ang grupo niyo ay tatawaging Lega "


Tinawag na ang mga magiging miyembro niya. Si Rowan ang napunta sa kaniya na agad na nagtungo sa kaniya. Sinalubungan niya ang kaniyang miyembro ng may totoong ngiti sa labi.


" Ang sumunod naman ay si Lorgan. Ang inyong grupo ay tatawaging Lauri " ngiti at kaway niya sa lahat. 


Si Darya ang napunta naman sa kaniya.


" Ang grupong Ursae ay kay  Ursula " ngiti rin ng babae ngunit mababanaagan na pilit lamang ang ngiti niya. Saka siya yung kanina ko pa naririnig na nagrereklamo dahil mainit at masisira daw ang kaniyang kutis.


Si Elena naman ang napunta sa kaniya.


Hinanda ko na ang sarili ko dahil sa dalawang Ember ako posibleng mapunta. Doon sa masungit o sa isang pinaglihi ang mukha sa sama ng loob. Wala na akong palag pa dahil kung kaninoman ako mapunta ay parehong nararamdaman ko na may sama ng loob sila sa akin na hindi ko naman alam ang dahilan.


" Para naman sa grupo ni Rhys, ang Resis" binanggit na ang mga pangalan na kasama sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nabanggit ang aking pangalan.


" Lahat ng natira ay kay Prinsipe Aedion. Ang inyong grupo ay tatawaging, Acrux " saad ng tagapagsalita.


Tumungo ako sa kaniya kung saan ay may kasamahan ako na halatang ilag pa sa akin. Tumayo lamang ako sa isang gilid na hindi na nagbalak na kumausap pa ng iba.  Mabuti na lamang dito ako dahil mapag-iinitan lang ako nung Rhys kaya mas ayos na dito dahil noon pa man ay may galit na siya sa akin.


" Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako ang inyong magiging tagapagsalita, ang aking pangalan ay si Lorena. Kung may mga katanungan o reklamo ay sa akin kayo didiretso. " pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Pinalakpakan naman namin siya.

Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon