Crown 2 - Yours 11

1.3K 87 12
                                    

Aedion's




" Lyxus Aedion, eto na po ang mga kailangan sa araw na ito " abot sa akin ng aking Ssae.



Sinenyasan ko lamang siya kung saan niya ilalapag ang mga dala niyang papel matapos ay lumabas na siya ng aking silid-tanggapan. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawang pagpirma sa mga nasalang mga gawain.




" Lyxus Aedion " tumingin ako sa pintuan dahil sa isang pamilyar na boses.


Inaasahan ko ng darating siya dahil sa sulat na pinadala ko sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon lang siya dumating dahil noong isang linggo ko pa pinadala ang sulat.



Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Paglapit niya sa akin ay agad niya akong sinuntok sa mukha. Hinawakan niya rin ako sa aking damit at pinatayo.


" Sa oras na may masamang mangyari kay Vashit, hinding-hindi ko kayo mapapatawad ng iyong ama " saad nito sa akin.


Pumagitna sa amin ang mga kawal na nakatalaga sa aking tanggapan ngunit pinigilan ko sila kaya lumabas sila ng aking tanggapan. Ilang sandali lang ay dumating na ang aking ama kasama si ina.


" Aedion " lumapit sa akin si ina ng makita niya ang sugat sa gilid ng aking bibig ngunit hindi ko hinayaan na hawakan niya ako.


Binaling ko kaagad ang tingin ko kay Dyo Cephas. " Ang ibig sabihin ay wala siya sa inyong lugar " agad kong salita.



" Noon pa man Lyxus Silas, sinabi ko na sa inyo kung ano ang ugali ni Vashit ngunit bakit hinayaan nyo siya " baling niya sa aking ama na hindi ko alam ang tinutukoy niya. " Bago ko siya ipinaubuya sa'yo, nangako ka na hindi mo hahayaang mapahamak siya. Ngunit ano ang nangyayari ngayon? Nawawala siya? "


Sa akin naman tumingin ng masama si ama na tila hindi alam ang namamagitan sa amin ni Reika. " Ako na ang humihingi ng paumanhin. Nangangako ako na hahanapin ko siya at ligtas siya "




" Sa oras na mahanap siya, kukuhanin ko na siya " saad niya na agad kong tinutulan. " Hindi maaari! "


Hinawakan ako ni ina sa aking braso at binantaan ng tingin. " Huwag ka ng mangialam sa gusto ng kaniyang kalahi. Hayaan mo na siya. Mas magaling ang Ssae mo ngayon kaysa kay Reika. At ngayon binibigyan pa niya tayo ng sakit sa ulo "


Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso na siyang ikinagulat niya. Tapos na ang yugto na sunod-sunuran niya ako dahil ngayon nasa akin na ang trono, ako na ang masusunod.


" Aedion. Paanong.....? " hindi siya makapaniwala sa inasta ko sa kaniya.



Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin na kila ama at kay Dyo Cephas. " Bakit hindi ko siya maaaring kuhanin? May kasunduan kami ng iyong ama ng hinayaan kong kuhanin niya sa akin si Vashit na hindi naman niya natupad. Ang ibig sabihin, maaari kong bawiin muli si Vashit " sabi niya.



" Buntis si Rei.. si Vashit " saad ko na ikinanlaki ng mata nilang dalawa na halatang gulat sa aking nabanggit.


" Hindi ako naniniwala! " sabi ni Dyo Cephas saka lumapit sa akin at muli akong sinapak sa mukha.

Alam kong kulang pa ang ginagawa niya upang maging kabayaran ko sa pagpapabaya kay Reika.



" Tama na 'yan! " pigil sa kaniya ni ina at ama ngunit nanatili akong tinatanggap ang mga pananakit niya.

Naawat rin naman siya dahil dumating ang kasamahan niya na si Odette. Kumpara kay Dyo Cephas, kalmado siya at mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa kaniyang kaibigan.


Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now