Crown 2: Yours 2

1.5K 81 3
                                    


Aedion's

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।


Aedion's

Tinakpan ko ang aking mata ng braso ko upang harangin ang liwanag na tumatama dito. Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko dahil na rin sa pag-inom ko ng alak bago ako natulog. Iyon lang ang nakakatulong sa akin upang makatulog ako sa gabi.

" Lyxus Aedion "

Narinig ko ang katok mula sa pintuan pati na rin ang boses ni Reika kaya muli kong naalala ang nangyari kagabi. Sa akin pa niya isinsisi kung bakit siya napahamak. Kung marunong lang siya makinig na manatili sa loob sa palasyo at kung sakaling lalabas siya ay kailangan may kawal siyang kasama walang mangyayaring masama sa kaniya. Siya ang gumagawa ng ikakapahamak niya.


" Lyxus Aedion, oras na para gumising " muling pagsasalita nito.

Tumayo na ako sa aking kama at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan siya. Naglakad na ako patungo sa banyo upang simulan na ang paghahanda ng aking araw.

Matapos kong gawin ang dapat gawin ay lumabas na ako. Nakita ko siyang namimili ng aking gagamiting damit para sa araw na ito kaya nagtungo muna ako kung saan nakalagay ang aking pagkain. Umupo muna ako at uninom ang dala niyang kape. Napansin ko naman ang isang papel sa ibabaw ng lamesa kaya kinuha ko ito.

" Anong oras ang uwi ng aking ama? " tanong ko sa kaniya.

Lahat ng sulat na ibinibigay sa akin ay kaniya munang binabasa kahit pa personal o hindi ang mga ito. Siya ang lahat muna ang nagsasala kung dapat pa bang pagtuunan ko ng pansin ang mga bagay-bagay dahil mahalaga ang bawat minuto sa akin. Ayaw kong masayang ang oras ko sa walang kwentang bagay.


" Pananghalian na po kaya inaasahan na ng iyong ina na sasabay ka sa kanila sa pagkain ng pananghalian " sagot ni Reika ng lumapit ito sa akin dala ang aking kasuotan.

Sinuot ko kaagad ito at siya na ang nag-ayos ng mga butones at palamuting nakakabit dito. Maliit siya kung ikukumpara sa aking taas. Hanggang balikat ko lamang siya. Pinagmamasdan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa ng mapansin ko ang namumula niya mga pulsuhan pati na rin ang sugat dito. Agad kong hinawakan ito kaya nabigla siya sa aking ginawa.

" Kilala mo ba ang nagtungo dito sa'yo? " tanong ko sa kaniya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at pinagpatuloy ang ginagawa niya na para bang walang narinig na tanong mula sa akin. Etong ugali na ito ang pinakaayaw ko sa kaniya na para bang hindi hari ang katapat niya.

" Kilala mo " sagot ko na lamang dahil kahit hindi naman niya sagutin ay nabasa ko sa kaniyang emosyon ang sagot.

Hindi siya umimik sa sinabi ko kaya hindi na rin ako nagsalita. Matapos kong maubos ang kape ay lumabas na ako ng aking silid kasabay siya. Dito muna ako dumiretso sa silid ng pinuno ng mga kawal sa aking palasyo kaya agad nila akong binati.

Let Me Be Your Crownजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें