Crown 2 - Yours 16

1.7K 97 11
                                    

Reika's

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humawak sa aking pisngi. Pagdilat ng aking mata, bumungad sa akin si Aedion na hindi kalinisan ang itsura dahil siguro sumama siya sa pagresponde ng mga monke.

Bigla namang nagising ang diwa ko ng maalala ko ang nangyari. Nakatulog na ako habang naghihintay sa kanilang pagbalik.

" Nasaan ang mga monke? " tanong ko sa kaniya.

" Hindi mo muna ba tatanungin ang aking kalalagayan? " balik-tanong niya sa akin kaya tiningnan ko ang buong katawan niya.

May nakita akong paso sa kanang braso niya ganun rin ang kamay niya.

" Nag-aalala ako sa'yo ngunit gusto ko munang malaman kung nasaan ang mga monke " salita ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim. " Nasa labas sila ng palasyo. Nagtayo muna kami ng panandaliang-- "

Hindi ko na tinapos ang kaniyang sasabihin at nagmadali akong nagtungo sa labas ng palasyo. Nakita ko na ang iilang monke na abala sa pag-aayos ng kanilang nasalbang gamit at pati na rin ang panandaliang tirahan.

Naglakad-lakad ako upang hanapin siya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko rin mapigilan ang mapaluha dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. At hindi ko alam kung sakaling makuha niya ang mga anak ko.

" Reika, bakit ka nandito? "

Tumingin ako kay Elize na may dalang pagkain at gamot para sa mga monke. " Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? " nag-aalalang tanong niya.

Umiling naman ako at pinunasan ang mukha ko. " May hinahanap lang ako " sagot ko sa kaniya at tumingin muli sa paligid ko.

Napahinto ang aking tingin sa isang matandang lalaki at binata na may dalang sanggol. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong ligtas sila kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras na lapitan sila.

" Vashit " tingin ni Dagen sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Hinalikan ko ang kambal ko kaya ang kaninang tahimik na mga bata ay umiyak. Kinuha ko ang isa kanila upang patahanin, si Ahren.

" Tahan na.. Nandito na si papa " saad ko at paulit-ulit siyang hinalikan sa noo.

Nang huminto ito sa pag-iyak, ang isa naman ang kinarga ko. Ganoon rin ang ginawa ko kaya Ahrya na mas mabilis patahanin.

" Hindi sila madaling patahanin ngunit isang hawak mo lang sa kanila ay agad mo silang napatahan " salita ng matandang lalaki na nakasama namin noon sa pagsasanay.

" Dahil nararamdaman nila na siya ang kanilang magulang " sabi ni Dagen kaya ngumiti na lamang ako at lumapit sa kaniya upang halikan si Ahren.

" R-reika "

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at marahang lumingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Aedion na nakatingin sa hawak kong bata ganoon din kay Dagen.

" S-sino sila? "

Ramdam ko ang kaba sa kaniyang dibdib. At alam ko ang kaba na 'yon ay pananabik sa inaasahang sagot ko.

Ngumiti ako sa kaniya. " Gusto mo bang hawakan ang mga anak mo? " tanong ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa mga bata. Kita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata kaya nilapitan ko siya at pinunasan ang mga ito.

" Ang akala ko... " hinawakan niya ang pisngi ni Ahrya. " Totoo ba ito? " hindi pa rin siya makapaniwala.

Inabot ko sa kaniya si Ahrya na agad naman niyang kinuha ngunit agad itong umiyak. Kita ko ang pagtaranta sa mukha ni Aedion kaya natawa ako.

Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now