Crown 2 - Yours 8

1.4K 80 11
                                    

" Ano?! "

Gulat na sabi ni Elise ng sabihin ko sa kaniya ang kalalagayan ko ngayon. Pinagkakatiwalaan ko si Elise nang lubusan kaya walang pagdadalawang isip kong sinabi sa kaniya. Saka alam kong siya ang makakatulong sa akin.


" Ibig sabihin " tumingin siya sa tiyan ko kaya napahawak ako dito at tumango. " Hindi ako makapaniwala. Alam na ba ng hari? "

Tumango ako. " Oo pero pinapili ko siya. Bubuhayin ko ang bata pero hindi siya kikilalanin na ama o ipapalaglag ko ang bata "

Mas lalong lumaki ang mata ni Elise sa narinig niya mula sa akin. " Bakit mo naman pinapili ang hari ng halos walang pagpipilian? Pinag-isipan mo ba ng mabuti ang mga salitang binatawan mo sa kaniya? " tanong niya.


" Pinili niya na buhayin ko ang bata " sagot ko.


" Napakasama mo sa bata " biglang sabi ni Elise sa akin. " Wala siyang kikilalanin na ama paglaki niya? Ano ba ang ginawa ni Lyxus Aedion para ipagkait mo ang karapatan niya sa anak niya? "

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko masagot ang tanong niya. Ang batang nasa sinasapupunan ko ay kailangan ko ng iligtas kahit hindi pa siya lumalabas. Ayaw kong danasin niya ang dinanas ko noon. Gusto kong lumaki siya na parang normal na bata na malayang nakikipaglaro sa iba pang bata.


" Reika, hindi kita kakampihan sa ginawa mo sa pagkakataong ito. Hindi lang ikaw ang nahihirapan kung iyan ang iniisip mo. Sa ngayon palang ay naaawa na ako kay Lyxus Aedion na hindi niya matatawag na anak ang sarili niyang anak ay pinipigi na ang aking puso "


Napatingin naman ako sa kaniya. " Sobrang sama ko na ba sa kaniya? " tanong ko na ikinatango ko.

" Kung ipagkakait mo sa kaniya ang bata, sana huwag mong ipagkait na alagaan ka niya habang nagbubuntis ka. Kaya pala lahat ng mga gawain na dapat na sa'yo ipinapagawa ay inaako niya " salita niya na ikinanuot ng aking noo.

" Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? " tanong ko sa kaniya.

" Hindi ba nagtatakha kang kaunti lang ang mga gawain mo? Dahil ibinibilin niya na sa akin na idiretso kaagad iyon sa kaniyang opisina. Ang mga pagkaing dinadala ko ay siya ang nag-uutos non at sinisigurado niya na lahat ng kinakain mo ay masusustansiya. Akala ko naaawa lang siya sa'yo dahil napapagod ka na sa trabaho. Iyon pala ay may mas malalim na dahilan pa " kuwento niya sa akin.


Napaisip naman ako sa mga sinabi niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa mga narinig ko. Ganoon ba niya kagusto ang batang ito?


" Reika, sana magbago ang isip mo. Alam ko na magiging mabuting ama si Lyxus Aedion sa anak mo " salita ni Elise.


Umiling naman ako. " Hindi na magbabago ang isip ko " matigas kong sabi at tumayo na mula sa pagkakaupo sa damuhan.

Nagpaalam na ako upang bumalik na sa loob ng palasyo. Wala akong alam sa pagbubuntis dahil hindi ko naman aakalain na kayo kong magbuntis. Ang pagkakaalam ko ang mga kababaihan lang ang kayang magdala ng sanggol.


" Reika! " napahinto ako sa pagsasalita ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Agad akong napangiti at tumakbo papalapit sa kaniya saka siya niyakap ng mahigpit.

" Odette, anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kaniya.


" Para dalawin ka " ngiti ng malawak niya sa akin at may ipinakita sa akin. " May dala akong mga minatamis para sa'yo. "

Inaya ko siyang pumasok sa loob ng palasyo. Nagdiretso kami sa aking kuwarto at doon kinain ang dala niya. Nagsimula na siyang magkuwento sa mga nangyayari sa aming bayan. Puro magagandang balita ang aking naririnig kaya naging panatag ang aking loob.


Let Me Be Your Crownحيث تعيش القصص. اكتشف الآن