Crown 2 - Yours 13

1.3K 87 16
                                    

Aedion's

Kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya. Kahit na kinakausap siya ni Elize, hindi ito sumasagot o tanging tango o iling lamang ang kaniyang ginagawa. Hindi rin siya nagrereklamo sa mga pinapagawa ko kahit na nawawalan na siya ng ordeas para kumain.

" Kailangan ko ito mamaya " abot ko sa kaniya ng isang makapal na papel kahit ang totoo ay sa isang linggo ko pa kailangan iyon. .

Kinuha niya ito at tahimik na lumabas ng aking tanggapan. Hindi na dapat pa akong mag-alala sa kaniya. Kung mamamatay siya dahil sa konsensya, mas mabuti. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko upang makauwi na ako at hindi ko na makita ang kaniyang pagmumukha

Natapos ang araw ng mabilis. Lumabas na ako ng silid ng makita ko siyang may ginagawa pa rin. Lumingon naman ito sa akin na mukhang hindi napansin na oras na para umuwi.

" Ililigpit ko lamang po ito " saad niya.

Iyan na ang pinakasinasalita niya. Magsasalita lamang siya kapag tungkol sa trabaho.

Nauna na akong lumabas upang hintayin siya sa karwahe patungo sa palasyo ng makasalubong ko si Elize na matamlay ang pagmumukha ngunit ng makita niya ako ay agad siyang bumati ng nakangiti.

" May nangyari ba? " tanong ko sa kaniya. Kahit papaano ay naging malapit na ako sa kaniya dahil parati ko siyang nakakasama dito sa tanggapan ko.

Biglang lumungkot ang mukha. " Hindi na naman siya kumain simula ng umaga. Ni wala pang isang basong tubig ang kaniyang naiinom sa araw na ito " agad nitong sagot sa akin. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya kahit hindi niya banggitin ang pangalan.

" Hayaan mo siya sa gusto niyang gawin. Hindi mo kailangang ipilit sa kaniya kung ayaw niya " sagot ko at nilagpasan na siya saka tumungo sa karwahe.

Ilang sandali lang ay dumating rin siya kaya pinaandar na ang karwahe. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakamasid lamang siya sa labas ng bintana. Lumingon ako sa kaniya ngunit nakita ko ang pagtulo ng kaniyang luha sa mga mata kaya mabilis akong umiwas ng tingin.

Bakit siya umiiyak? Hindi ba siya pinapatulog ng konsensiya niya? Pinaparusahan niya ba ang sarili niya para sa kasalanang walang kapatawaran?

Ang sampung minutong patungo sa palasyo ay tila bumagal habang kasama ko siya. Nang makarating kami sa palasyo, agad kaming nagtungo sa kaniya-kaniyang kuwarto. Agad kong kinuha ang librong nakapatong sa aking lamesa at agad ko itong binasa ng mapag-isipan kong tumungo muna sa kusina.

Pagbukas ko ng aking pintuan ay sakto namang pagpasok ni ama sa loob ng silid ni Reika. Mabilis akong magtungo doon upang alamin ang kanilang pag-uusapan. Alam kong may plinaplano si ama upang makuha sa akin si Reika.

Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya kita ko silang dalawa na nakatayo. Hindi ko makita ang reaksyon ni ama dahil nakatalikod ito sa akin ngunit si Reika naman ay nakaharap.

" Itatakas kita dito mamayang gabi " saad ni ama.

Sabi ko na. Kilala ko na si ama.

Kita ko ang pag-iling ni Reika na siya namang ikinagulat ko. " Ayaw ko. Mananatili ako dito " sagot niya.

Binibigyan na siya ni ama ng pagkakataong makatakas. Bakit ayaw niya?

" Reika... bakit? " tanong ni ama na gusto ko ring malaman ang dahilan niya kung bakit gusto niya pang manatili dito.

Hindi siya sumagot ngunit agad niyang niyakap si ama. Rinig na rinig ko ang pagtangis niya sa balikat ng aking ama.

Wala kang karapatang masaktan dahil ginusto mo ang ginawa mo. Hindi sapat ang luhang pinapatak mo para mabuhay sila.

Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now