Crown 2: Yours 3

1.7K 109 4
                                    

Reika's

" Lagi mong tatandaan na bawat sulat ng pinuno ng bayan ay may silyadong tatak ng kanilang lugar. Sa pahina mong ito matatagpuan ang itsura ng silyado nila na sila lang ang mayroon " paalala niya sa akin.

Binuksan niya ang libro kung saan makikita ko ang itsura ng bawat silyado ng mga bayan. May kinuha rin siyang mga sulat upang ipakita sa akin ng personal ang itsura nito.

Tuwing hapon kapag maaga kaming natatapos sa gawain, o kaya puwede namang ipagbukas ang gawain ay dito niya na ako tinuturuang mag-aral. Kapag naman huli na kami natapos, sa silid-aklatan na lang ng palasyo. Seryoso akong matutunan ang batas ng mga Ember dahil dito na ako mananatili ng matagal at ang isa pa, ayaw kong makwestyon nila ang pagiging Ssae ko.

" Iyan muna sa ngayon. Kailangan na nating bumalik sa palasyo " saad niya sa akin.

Tumango naman ako sa sinabi niya dahil kailangan pa naming maghanda sa pupuntahan naming okasyon. Ngayon ang kaarawan ng kaibigan niyang si Lorgan kaya kailangan daw niyang pumunta. Syempre kasama ako sa anomang lakad niya.

Bumalik kami ng palasyo at nag-ayos kaagad dahil kailangan ko pang pumili ng kaniyang susuotin. Matapos kong mag-ayos ay nagtungo na ako sa kaniyang silid at kumatok.

" Lyxus Aedion " tawag ko sa kaniyang pangalan.

Binuksan niya ito na halatang katatapos lang maligo dahil basang-basa pa ang kaniyang buhok at katawan. Walang suot na pang-itaas na sanay na akong makita dahil sa araw-araw ba naman na ako ang pumipili ng dapat niyang suotin ay hindi pa ba ako masasanay. Sa una ay naiilang ako ngunit kinalaunan ay sinanay ko na ang aking sarili dahil matagal-tagal ko rin itong gagawin.

Nagtungo ako sa lalagyanan ng kaniyang mga kasuotan samantalang siya ay abala sa binabasang libro habang umiinom pa ng tsaa. Pumili na ako ng damit na babagay sa okasyon ngunit mababanaagan na siya pa rin ang hari. Nang nakapili na ako ay lumapit na ako sa kaniya kaya tumaya na siya. Una kong sinuot ang itim na panloob sa kaniya at binotones. Medyo naiilang pa rin ako kasi ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Sunod naman ay ang asul na pang-ibabaw na nabuburdahan ng gintong seda.

" Naihanda na ba ang regalong ibibigay ko? " pagsasalita niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


" Naihanda na ba ang regalong ibibigay ko? " pagsasalita niya.

" Opo. Nakalagay na sa karwaheng ating sasakyan " sagot ko saka isinara ang huling butones.

Kinuha ko ang mga kamay niya at sinuot ang puting gwantes. Muli ay tumingin ako sa kasuotan niya upang malaman kung maayos ang lahat. Nang sa tingin ko ay maayos na ang lahat ay ipinatong ko na sa kaniya ang panangga sa lamig na isang mahabang itim na kasuotan upang hindi rin marumihan kaagad ang kaniyang damit.

" Tapos na " sagot ko sa kaniya.

Nagsabay na kaming lumabas ng kaniyang kuwarto. Nakasalubong namin ang kaniyang ina na may dala-dalang mga prutas.

Let Me Be Your CrownWhere stories live. Discover now