"I wish I was joking pero no. May sakit ako and I don't know what to do. Sayo 'ko lang sinabi 'to kasi alam kong mapagkakatiwalaan kita."


Nakita ko kung paano sabunutan ni Vince yung sarili niyang buhok. He's so frustrated and suddenly, tears started to fall from his eyes.


"Seryoso? Pa-paano? Kailan pa? Bakit? Have you consulted a doctor? Second opinion? Bakit hindi mo sinabi agad?! Bakit hindi ka humingi ng tulong sa Mommy mo? Kay Dad? Lily naman!" He's mad. Really mad.


"Ayaw ko lang naman kayong mag alala eh kasi as much as possible ayoko maging pabigat."


"Lily, that's not an excuse! Damn it. I'm calling dad and your mom." Kinuha niya yung phone niya and he was about to dial their number pero I stopped him.


"No please, Vince! Please don't tell this to anyone hangga't hindi pa buo desisyon ko na magpa-gamot. Please Vince..." halos magmakaawa na ako sa kaniya.


"What the f*ck, Lily?! At wala ka pa talagang balak magpagamot?! Tignan mo nga sarili mo! Nanghihina kana tapos wala ka pang kasama diyan. Ano bang gusto mo mangyari?! Na matagpuan ka nalang nilang patay diyan?! Ganun ba ha?"


Galit na galit na si Vince at alam kong wala ng talag yung pagmamakaawa ko sa kaniya.



"Magpapa-gamot naman ako eh." I said at napa-buntong hininga nalang. "Pero hindi pa ngayon"


"Akala mo ba susundin kita? Ano, magpapa-gamot ka kung kailan malala na?! Lily, don't make this hard for us. If you don't want me to tell them, at least get a private nurse para may kasama ka diyan. And please Lily... please magpa'gamot kana. I can't lose you."


After our talk, sabi niya na siya na ang maghahanap ng private nurse for me. Nung una ayoko pumayag kasi natrauma na ata ako. The last time na nagkaroon ako ng private nurse... never mind. So yun, wala akong nagawa sa gusto niya. He said na wag matigas ang ulo ko and maki-cooperate daw ako with him. He promised na rin na hindi niya sasabihin kahit kanino. Medyo nag aalala lang ako na baka mabanggit niya kay... Jasmin. Pero alam ko naman na walang ng pake si Jasmin sa akin, ayoko lang ng may makaalam bukod kay Vince.


Sabi rin ni Vince na bukas na bukas daw, dadating na dito yung private nurse na kinuha niya. Sana lang matanda yung kinuha niya para walang problema.


Kinaumagahan, halos hindi ako makatayo sa kinahihigaan ko. Sobrang sakit ng katawan ko dahil na rin siguro sa mga tumubong pasang malalaki. Naka-ilang suka na rin ako. Halos wala na akong energy. I was about to call Jina na sana pero biglang nag ring yung doorbell. I can't even stand so paano ko titignan kung sino 'yun. Baka 'yun na yung hinihintay kong private nurse.

Maya maya pa, tumigil na sa kaka-doorbell yung nasa labas. I tried to stand pero natutumba lang ako. Halos gumapang na ko palabas ng kwarto.


"Damn it!"



I feel so weak. Hindi ko alam pero naiiyak na ako. Bakit ba kailangan na mangyari pa 'to sa akin? Dapat nagpa-gamot nalang ako agad. Tanga ka, Lily. Mag dusa ka.


I gave up trying. I'm in pain right now at para bang tinutusok yung balat ko.



"Lily?" Then I heard a familiar voice.



"Lily? Where are you?"


Narinig ko na naman siya. Akala ko nagha-hallucinate lang ako pero hindi. I heard the door opened and it was Jasmin. Nung nakita niya ako, she hurriedly went to my side.



LOVE is BLIND (ON GOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat