Chapter 30

3.8K 55 0
                                    

"Grabe naman ang ginawa ni madam kay Natasha! Hindi na naman niya pinakain ng pagkain ngayong gabi."

Nasa banyo ako, kasalukuyan akong naliligo nang aksidente kong marinig ang usapan ng ilan sa kasambahay sa kuwarto ko.

"Heh! Mabuti nga sa kaniya nang madala siya. Palaging palpak ang trabaho niya kaya siya ang palaging puntirya ni madam."

Napakunot na lang ako habang nagkukuskos ako ng aking katawan. Kaagad kong tinapos ang paliligo ko at saka ko isinuot ang bath robe. Binuksan ko agad ang pinto ng banyo.

"What are you doing here?" Pagtatanong ko

"Kinukuha lang po namin ang mga damit na lalabahin, senyorito Kurt."

Bakas sa kanilang boses ang pagkatakot sa akin kaya hindi ko naiwasan ang mapangisi.

"Nagta-trabaho ba kayo o nag-chi chismisan?"

May narinig akong nagbu-bulungan nila kaya di ko naiwasan ang mairita.

"Ikaw kasi eh dapat hindi mo nilakasan ang boses mo 'yun tuloy narinig pa tayo ni senyorito Kurt."

"Anong ako? Eh ikaw kaya itong ang lakas-lakas ng boses, daig mo pa ang nakalunok na megaphone."

"Hindi kayo titigil? Get out of my room now!!!" Buong lakas na sigaw ko sa kanila

Narinig ko na kumaripas sila ng takbo palabas ng kwarto ko kaya padabog kong isinara ang pintuan nito.

Napahilot na lang ako sa noo ko. Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko sa sobrang stress na dulot na rin ng mga magulang ko. I feel, anumang oras puwede akong sumabog.

Naglakad-lakad ako sa kwarto ko. Kailangan kong mag-isip ng panibagong plano. Hindi na puwede akong mabigo. Kailangan kong kalabanin ang sarili kong magulang kahit na ang kampalit nito ay maari nila akong kasuklaman.

Lumapad ang ngiti ko nang naalala kong dinalhan pala ako ng mga pagkain ng mayordoma na nakalapag sa mesa. Kaagad kong binuksan ang intercom at tinawagan si ate Kris, sa lahat ng kasambahay ng mansyon isa si ate Kris sa pinagkakatiwalaan.

"Bakit po, senyorito Kurt? Ano pong kailangan ninyo sa akin?"

Humugot muna ako ng buntong hininga bago nagsalita. "Umakyat ka rito sa kwarto ko may sasabihin ako sa'yo."

"Sige po, senyorito Kurt pupunta na po ako riyan."

Kaagad kong pinatay ang intercom at saglit na humiga sa kama. Nang narinig kong may kumatok sa pinto ay kaagad ko itong pinagbuksan.

"Ano mo pong kailangan ni'yo sa akin at bakit ninyo ako pinatawag?" Halata sa boses nito na kinakabahan siyang kausapin ako kaya di ko maiwasan ang mapahagalpak ng tawa.

"Relax, I don't bite you. I just you to talk you in private," seryoso kong sambit

"Sisantehin ninyo ho ba ako? Naku, senyorito Kurt 'wag mo po itong gawin sa akin. Huhu. Kailangan na kailangan pa ng pamilya ko ang perang pinapasuweldo ninyo sa amin. Paano na kung wala akong maipadala sa kanila edi mapipilitan silang mangutang sa mga tindahan tapos magkabaon-baon sila sa utang pagkatapos kapag hindi sila nakabayad ng utang mapipilitan silang ibenta ang lamang loob nila pagkatapos mamatay sila. Waaaaaah!!! Gusto ninyo ba iyong mangyari sa pamilya ko, senyorito Kurt!?" Nagsisimula na siyang mag-ngawa at niyakap niya pa ang mga tuhod ko.

"Sinong nagsabi sa'yong sisisantehen kita eh hindi naman ako ang nagpapasweldo sa inyo? At gusto mo ba talagang masisante? Sabihin mo lang nang maisabi ko kay mommy na sisantehen ka."

Naramdaman kong kaagad niyang kinalas ang pagkakayakap sa dalawa kong tuhod at saka siya tumayo ng mabilis.

"Ito na naman si senyorito Kurt hindi naman mabiro malay mo madiskubre ako at makikita ninyo ako sa tv na artista na. Tapos gagawa ako ng pelikula na pinamagatang 'Luluhod ang mga tala sa langit'. Bwahaha. Nuod kayo, senyorito Kurt nun. Haha."

Tumango na lang ako. Ayokong basagin ang trip niya. Kung saan siya masaya suportahan ko na lang siya.

"Maiba nga ulit ng usapan, bakit mo nga ako pinatawag dito?"

"May ibibigay pala ako sa'yo. Can I make a favor?"

"Wow! Ipapalaba mo na ba sa amin ang brief mo, senyorito Kurt?"

"Ha? My undergarments? Bakit ko iyon ipapalaba sa inyo?"

"Eh ano nga po? Bakit ninyo ako pinatawag dito."

Narinig ko siyang humikab. Kinapa-kapa ko ang mesa at itinuro ko sa kaniya ang mga pagkain na nakalatag doon.

"Oh, senyorito Kurt! Bakit hindi ninyo mo lang ginalaw ang pagkain sa mesa? Sayang naman ito kung ganun."

"Hindi ako gutom." Pagsisinungaling ko

Ang totoo kanina pa kumakalam ang sikmura ko pero dahil may konsensya pa naman ako ay ibibigay ko na lang sa nangangailangan. Isang gabi lang naman akong hindi makakain, titiisin ko muna na magutom ako.

"Weh? Ako ba ang pinagloloko mo sir Kurt?"

"May hindi pa di ba kumakain ng hapunan sa inyo? Ibigay mo na lang sa kaniya."

"Oo nga! Naalala ko si Natasha hindi pa kumakain yun malamang sa malamang kanina pa kumakalam ang kaniyang sikmura. Naku, sir! Sasabihin ko talaga kay Natasha na ikaw itong nagbigay, paniguradong matutuwa iyon."

Naramdaman kong tatalikod na sana siya at aalis ng kwarto ko kaya kaagad akong naalarma. Hinawakan ko ang kaniyang braso.

"Huwag mong sabihin sa kaniya na ako ang nagpapabigay at baka diskitahan na naman siya ng mga magulang ko."

"Hindi po kita maintindihan, senyorito Kurt. Ano pong ibig ninyong ipahiwatig?"

"Basta. Maniwala kayo sa mga plano ko. Huwag na huwag mong banggitin ang pangalan ko sa kaniya at wag na wag mong sabihin sa kaniya na ako itong nagbigay sa kaniya."

"Masusunod po, senyorito Kurt. Sige po labas na po ako."

Kaagad siyang lumabas ng kwarto ko dala ang mga pagkain na dapat sana ay sa akin. Nagbihis ako ng damit at saka ako bumaba sa kwarto ko.

Napangiti na lang ako habang bumababa ng hagdan, may narinig akong usap-usapan nina Maria at ate Kris.

"Thankful po talaga akong nakakilala ko kayo. Salamat talaga, ate Kris. Kanina pa gutom ako ng gutom."

"Naku! Wala 'yun. Sino pa bang magtutulong-tulungan kundi tayo lang di ba?"

Ang sarap sa pakiramdam na may tinutulungan ka kahit sa maliit na bagay.

Author's note:

Ito yung behind the reasons kung bakit nakakain si Natasha matapos na hindi siya pakainin ng amo niyang babae. Hihi



The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon