Chapter 26

5K 72 1
                                    

"The only thing worse than being blind is having sight but no vision." - Helen Miller

Bigla siyang nagising nang may naramdaman siyang humimas sa kaniyang buhok.

"Son, uuwi na tayo." Rinig niyang sambit ng kaniyang ina na si donya Salvi

Hindi siya umimik. Mayamaya pa naramdaman niyang may bumuhat sa kaniya at isinakay siya sa wheel chair.

"Anak, sisiguraduhin ko sa'yong magbabago ang buhay mo."

He chuckled secretly. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa pero mayroon sa loob niyang kailagan niya iyon gawin.

Wala man siyang naalala at nakakakita pero alam na niya ang ugali ng isang tao sa boses pa lang nito.

Isinakay siya sa van, sandali siyang naka-idlip at pagkatapos noon ay kaagad siyang nagising nang bigla siyang tapikin ng kaniyang mommy.

"Nandito na tayo, anak," bulong na sambit nito sa kaniya

Humikab muna siya bago siya ibinaba ng mga nurse sa sasakyan. Muli siyang isinakay sa wheel chair at kaagad na hinila ang wheel chair nito. He clasped his finger habang nakaupo siya roon. Saglit silang umakyat ng kwarto dala ng utos ng kaniyang mommy pero kinausap niya ang private nurse niya na kung puwedeng iwan siya nito, nang una ayaw itong pumayag pero nang kalaunan pumayag na rin ang mga ito at kaagad na umalis.

Hindi pa rin niya inalis ang benda sa kaniyang mga mata at saka siya nagsimulang kapain ang bawat sulok ng mansyon. 

"Good morning, senyorito!" Everyone greated at him

Napatakip na lang siya ng ilong nang naamoy niya na parang may nasusunog na niluluto.

"Natasha, yung sinaing mo! Nakung batang 'to! Kabago-bago pa lang dito pero hindi marunong magsaing."

He raised his eyebrows matapos niyang marinig na parang natataranta sa kani-kanilang ginagawa.

"Natasha, 'yung platito nga pakiabot nga!"

"Natasha, yung mga plato ba nahugasan mo na?"

"What are you doing?" why are you so busy?" takang tanong niya sa mga ito

Kahit na hindi siya nakakakita ramdam na ramdam niyang nakatingin ang mga ito sa kaniya.

"Senyorito Kurt, bakit hindi ka na po nagpahinga?" Hinawakan siya ng isa sa kasambahay niya na para bang may pagnanasa sa kaniya kaya  kaagad niya itong itinulak ng malakas.

"Don't you ever touch your dirty hand on me. Nakakadiri ka. Everyone out!!!"

Naramdaman niyang nagsi-alisan ang mga kasambahay na abala sana sa pagluluto sa kusina.

Napahilot na lang siya sa kaniyang sintido nang hindi niya pa rin matagpuan ang lalagyan ng baso.

"Kaliwa, sir tapos ihakbang mo ang paa mo ng dalawang beses."

Sinundan niya naman ang sinabi sa kaniya ng babae. Kumaliwa agad siya at inihakbang niya ang kaniyang paa ng dalawang beses at last! Nakuha niya na ang baso. Kanina pa siya nauuhaw simula nang nakarating siya rito sa mansyon.

"Who are you?" takang tanong niya at saka siya pinagmasdan ang paligid

"I said who are you? Huwag magpatakot ng ganiyan! You're not funny."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa baso at mukhang may balak siyang ibato iyon sa taong nagpapatakot sa kaniya ngayon.

Bakit ako natatakot sa kaniya?

"Sino 'yang kasama mo?" Rinig niyang sambit ng isang babae

Humagalpak pa ito ng tawa. Nakakahilakbot. Tumaas ang balahibo ni Kurt sa sobrang takot.

"Who are you? Kung sino ka man magpakita ka sa akin este magparamdam ka sa akin! I'm not scared of you."

Nakalimutan niya palang isa siyang hamak na bulag at hindi niya makikita ang multo kahit gugustuhin niya man itong makita. Kung nakakakita sana siya kanina pa niya pinagsasakal ang multong nagtangka na magpakita sa kaniya.

Naramdaman niyang may humawak sa kaniyang paa. Bigla siyang kinilabutan nang napagtanto niyang malamig ang kamay na humawak sa kaniyang mga paa. Sa sobrang pagkagulat at pagkatakot nagtatalon siya. Halos lahat  na yata ng mura nasabi na niya sa sobrang galit niya rito.

"Putang ina mo! Hayop ka! Lintek ka! Putik lang! Puta! Iyan lang ba ang kaya mo?" Inihanda niya ang kaniyang kamao at isinuntok niya ito sa hangin.

Halos hindi niya masuntok ang multo dahil nga sa bulag siya at tanging pandama lang niya ang kaniyang ginagamit upang makalakad pa rin siya kagaya ng isang normal.

Isang kaluskos ang kaniyang narinig at mayamaya pa naramdaman niyang may gumagapang na kamay papunta sa kaniyang balikat. Narinig niyang humagikhik pa ito kagaya ng isang tunay na mangkukulam.

Calmed down, Kurt. Horror stories or movies are not real. They are all  fictional. Tinatakot mo lang ang sarili mo.

Pero iyon na yata ang pinakatangang ginawa niya para sa kaniyang sarili. Ang makuha pang kumalma sa gitna ng katatakutan na nangyayari sa buhay niya.

Bigla siyang napasigaw nang may naramdaman siyang humawak sa kaniyang leeg na para bang sinasakal siya.

"Aaaargh!!!"

Dahil sa isa siyang bulag at dala ng sobrang pagkatakot niya hindi na niya nagawang kapain ang nilalakaran niya kaya awtomatiko na lang siyang nadapa at nauntog ang kaniyang noo sa sahig.

Mayamaya pa may narinig siyang boses ng babae. Yung nagturo sa kaniya kung saan ang lalagyan ng mga baso ay siya ring nagsalita ngayon.

"Oh, sir! Anong ginagawa mo riyan?"

"Fuck!" Pagmumura niya sa sarili

Naramdaman niyang inalalayan siya nitong makatayo, nang nakatayo na siya ay saka niya tinanong ang babae.

"Did you see a ghost? Or may napansin ka ba ritong gumagalang multo?"

"Ghost? As in multo? Bakit, sir Kurt may nagparamdam ba sa'yong multo?"

Tumango na lang siya.

This is so embarrassing. Paniguradong pagtatawanan lang ako nito.

"Yes. Have you see her?"

"Naku, pasensya na po talaga sir pero kanina pa po ako naglalakad dito pero wala naman akong nakitang multo baka sa'yo lang nagpakita."

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ng babae. "What do you mean?"

"Ang kuwento kasi sa bahay na ito may nagpakamatay daw ng isang babae, ikakasal na sana siya kaya lang hindi siya sinipot ng mapapangasawa niya. Sa sobrang lungkot niya nagpakamatay siya, ayan nga siya sa likod mo. Nakasilip sa'yo!"

Bigla siyang napalapit sa babae at niyakap na lang niya ang babae ng sobrang higpit.

"Please stay with me. Please..."

Narinig na lang niyang humagalpak sa tawa ang babae pero siya isinandal niya lang ang kaniyang ulo sa balikat ng babae.

The Blind Billionaire's Maid Where stories live. Discover now