Chapter 9

8.8K 144 7
                                    

"Hey, sleep woman... wake up! We need to go."

Biglang napabalikwas si Natasha nang narinig niya ang boses ni Kurt.

Hala, paano 'to nakapasok sa kwarto ko?

"It's too obvious, I have a duplicate key. See?" Itinaas pa ni Kurt ang hawak nitong duplicate key at doon na lang naniwala ang dalaga na nagsasabi talaga ito ng totoo.

"Saan tayo?" Tanong niya kay Kurt habang pinupunasan niya ang muta sa kaniyang mga mata

"Like I said yesterday, pupuntahan natin ang probinsya mo."

"Seryoso ka talaga sa sinabi mo kahapon? Akala ko pinagti-tripan mo lang ako," hindi makapaniwalang sambit ni Natasha

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa na siya namang ikinapula ng kaniyang pisngi. Kung nakakakita sana si Kurt malamang na sa malamang kanina pa ito pinag-aasar.

"Saang probinsya ka pala, Maria?"
"Bicol," tipid niyang tugon

"Bicol?" Nakita niyang sandaling natigilan si Kurt at para bang may malalim na iniisip ko.

"Bakit may naalala ka ba patungkol sa Bicol, Kurt?"

"I'm not sure kung iyon ang naalala kong napuntahan ko dati, kasama ko noon sina Jaydee at si..." Nakita niya ang biglang paglunok ng laway ni Kurt. Mukhang may naalala siyang ayaw na niyang maalala pa.

"Never mind. Pack your things and after awhile we need to go, hindi puwedeng makita ako ni mom na aalis ng mansyon... paniguradong hindi ako papayagan nun."

Napangisi na lang si Natasha sa tinuran ng binata, lalo namang hindi siya papayagang umalis ng amo niya dahil alam nitong posible siyang magsumbong sa kaniyang mga magulang.

Naligo muna niya at nagbihis saka niya inampake ang konting gamit na dadalhin niya pag-uwi sa Bicol. Isinarado niya ang zipper ng kaniyang bag at saka niya ito isinukbit sa kanyang balikat.

Inalalayan niyang mabuti si Kurt, nangako siya sa binata na siya muna ang magiging mata nito habang hindi pa ito na-ooperahan.

"Nakasakay ka na ba sa bus, Kurt?"

Umiling-iling lang si Kurt sa tanong niya at doon hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili na mapahagalpak ng tawa.

"Seryoso ka, sir?"

"Yes, parati akong nakasakay sa kotse at hindi ako pina-pa comute ng mga magulang ko. Sabi nila sa akin, mga mahihirap lang daw ang gumagawa nun."

"Hindi totoo 'yan, ah!" depensa ni Natasha

"Hindi dahil nag-ko comute ang isang tao hindi ibig sabihin nun ay mahirap siya," dugtong na sambit ng dalaga

"You're unbelievable, Maria," nakangiti nitong sabi sa kaniya

Umiwas na lang ng tingin si Natasha, baka kasi sapian siya ng masamang espiritu at magahasa pa niya ang lalakeng kasama niya ngayon.

Pumunta kaagad sila sa bus terminal at dali-daling bumili ng ticket papunta sa Bicol. Pina-upo na muna niya si Kurt sa isang bench ng terminal at saka siya bumili ng biscuit pasalubong sa kaniyang pamilya sa Bicol.

Pagkatapos niyang mamili ay kaagad silang umakyat sa bus at saka umupo. Umupo si Kurt malapit sa bintana dahil umamin ito sa kaniya na madali itong mahilo. Akalain mo 'yun may matutuklasan pa pala ng si Natasha sa binata.

Nang bandang nasa Lucena Quezon na sila ay naramdaman na lang ni Natasha ang pagkalabit sa kaniya ni Kurt.

"Nasusuka ako."

The Blind Billionaire's Maid Where stories live. Discover now