Chapter 20

5.7K 99 8
                                    

"Kurttttt!!!!"

Kahit na hindi niya tignan kung sino ang tumawag sa kaniya ay alam na alam niya kung kanino iyong boses.

Humahangos siyang nagtungo kung saan niya narinig ang sigaw.

"Ano pong nangyari, senyorita?"

"Nangyari? Tinatanong mo pa ako kung anong nangyari? Tignan mo ang kanin na sinain mo? Kulang na lang gawin mo na siyang lugaw!" inis na sambit ni Sasha sa kaniya

Kaagad naman niya iyong tinignan at sa nakikita niya ngayon ay kanin pa rin naman ito kaya lang bakit maraming sabaw? Kailan pa nagkaroon ng maraming tubig ang kanin?

"Kanin pa naman ito, senyorita. Makakain ninyo pa naman siguro ito."

"Stupid mother fucker! Saan ba ang utak mo at maging pagsaing ay hindi mo alam lutuin? Tabi nga diyan!"

Tinulak siya nito at kaya naman napakamot na lang siya sa batok habang pinagmamasdan niya ang amo niya na ulitin ang pagsaing. Kaagad nitong binuksan ang stove.

Ngayon niya lang napansin na tanging mahaba at maluwag na damit ang suot ni Sasha at ang pang-ilalim naman nito ay panty lamang. Kaagad siyang napaiwas ng tingin dahil baka mawala siya sa kaniyang sarili kapag pinagpatuloy niyang makipagtitigan sa amo niya at nang napansin niyang nakatingin din sa kaniya si Sasha ay nagkunwari siyang sumipol.

Pagkaraan ng ilang sandali ay naluto na ang kanin. Kakausapin niya sana si Sasha nang siya namang pagdating ng asawa nito.

Pambihira talaga! Nananadya ba ang isang 'to. Palaging wrong timing ang dating.

"Hi, hon," masayang sambit ni Sasha sa asawa nito at saka dinampian nito ng halik

"How are you, hon?" Pagtatanong ni Sasha kay Enrico habang hinuhubaran nito ang sapatos ng asawa

Hindi maiwasan mainggit ni Kurt sa asawa ni Sasha. Masyado kasi itong maasikaso at halata sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Ang suwerte mo, Enrico. 'Wag mo lang siyang sasaktan dahil sa oras na sinaktan mo siya ay sisiguraduhin kong mabubura ka sa mundong 'to.

"Ito, masyadong pagod. Where's Rafael?"

"Nasa kwarto niya. Alam mo naman iyon masyadong malikot sa tuwing siya'y lumalabas."

"Oh? Okay."

Binigyan na naman siya nito ng halik kaya napatalikod na lang si Kurt. Hindi na niya nakayanan ang pinangagawa nila sa kaniyang harapan. Pakiramdam niya may dumadagan na daang-daan semento sa kaniyang dibdib, masyado iyong masakit.

Napagdesisyunan niyang umakyat muna ng kuwarto ni Rafael, nais niya sana itong makausap muli. Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto at halos napanganga siya nang nakapasok siyang muli sa dati niyang kwarto, sa kwarto kung saan niya nakilala si Maria. Marami nang pinagbago sa kwarto niya, naging nursery room na ito at maraming nakadikit na educational poster sa pader ng kwarto.

Mayamaya pa may narinig siyang  may umiiyak. Kahit nagtataka siya kung sino ang umiiyak ay inihakbang naman niya ang kaniyang mga paa palapit dito.

Napanganga na lang si Kurt nang nakita niya si Rafael na nasa ilalim ng kama.

"Hey, anong ginagawa mo riyan?"

"I'm scared to my dad. He's hurting me again." Rafael said in between his sobbed

"But why? Daddy mo siya kaya hindi ka niya masasaktan."

Sinusubukan niyang paaluhin ang bata pero mas lalo lang iyong umiiyak sa ginawa niya. Niyakap niya lang ito at naramdaman naman niya ang pagyakap nito sa kaniya. Mga ilang segundo silang nagyakapan hanggang sa may narinig silang kumatok sa pinto ng kwarto.

"Si daddy iyon! Magtago ka!"

Kahit na gulong-gulo si Kurt sa mga nangyayari ay sinunod na lang niya ang kagustuhan ng bata. Pinagtulakan siya nito sa cabinet at doon siya nagtago.

Kaagad naman binuksan ni Rafael ang pinto, mababa na ang door knob ng pinto kaya madali lang iyon naabot ng bata.

"Bakit nakasarado naman ang kwarto mo, Rafael?" kunot noong tanong ni Enrico sa anak

"Naglalaro lang po ako, dad."

Napatakip na lang si Kurt ng kaniyang bibig nang biglang sinampal ni Enrico ang bata at hinawakan nito ng mahigpit ang bata .

"Di ba sinabihan na kitang 'wag mong ilock ang kwarto mo? Hindi ka ba nakakaintindi, ha?"

"Dad, masakit." Pilit na tinatanggal ng bata ang pagkakahawak nito sa braso niya kaya lang masyado iyong mahigpit

"At ano itong nabalitaan kong pinapasakit mo ang ulo ng mommy mo, ha?"

Hinawakan pa ni Enrico ang nguso ng bata at saka pinitik ito.

"Habang nagkaka-edad ko patabas nang patabas ang dila mo, Rafael."

Nang matapos ang pananakit sa bata ay kaagad nitong ikinandado ang pinto kaya doon na lang si Kurt nakalabas ng cabinet at tumambad sa kaniya ang nakaupo sa sahig na bata at umiiyak na naman.

"Does it hurt?"

Hinawakan ni Kurt ang braso ng bata at nakita niya ang pamumula nito. Siguro masyadong nasobrahan sa pagkakahigpit kaya nagkaganun.

"Susubukan kong hipan baka maibsan man lang ang sakit."

Hinipan niya ang braso nito at kitang-kita kung gaano ito nagtitiis sa hapdi, bukod kasi sa panumula nagkaroon na rin ito ng pasa.

"Araw-araw ka bang sinasaktan ng daddy mo?"

Tumango naman ang bata at sumandal ito sa kaniyang tiyan.

"Can you tell me a story," mahinang sabi ni Rafael

"Ano namang istorya ba ang gusto mong ikuwento ko?"

"Anything. Tungkol sa buhay mo."

Huminga muna ng malalim si Kurt at saka niya inumpisahan niyang ikuwento sa bata kung paano sila nagkakilala ni Maria at kung paano sila pinaglayo ng tadhana.

"The end," nakangiting sambit ni Kurt

Kaagad niyang tinitigan ang bata na halos maluha-luha matapos niyang ikuwento ang nangyari sa kanila.

"I'm speechless, really. I don't know how to react. That's a tragic story I've ever heard."

Yeah, Rafael isa rin iyon sa itinuturing kong tragic story.

"I feel sleepy." humihikab na sambit ni Rafael sa kaniya

"Go on. Babantayan kita."

Dahan-dahan nitong ipinikit ang mga mata nito at saka ito nakatulog. Nang nasiguro ni Kurt na tulog na nga ang bata ay kaagad niya iyong binuhat at dinala sa kama nito. Kinumutan niya si Rafael na mahimbing na ngayon natutulog, hindi niya maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ang mukha ng bata. Halata ngang mommy niya si Sasha dahil parehong-pareho ang mukha nito. Tinabihan niya rin muna ang bata at saka siya nakatulog.

Author's note: Who's your bet? Enrico or Kurt? 🤭

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon