Chapter 3

12.6K 251 13
                                    

"GET OUT OF MY ROOM NOW!!!"

Isang palahaw ang kanilang narinig mula sa kwarto ni Kurt. Kay aga-aga nagwawala na naman ang binata. Nagsilabasan naman ang ilan sa mga kasambahay at nanginginig silang bumaba ng kwarto.

"Oh? Anong nangyari sa inyo? Bakit parang mga basang sisiw kayo?"

Nagsimangutan naman sila sa naging tanong ng mayordoma sa kanila. "Paano ba naman kasi pinaliguan kami ni sir Kurt ng sabaw na hinain namin sa kaniya? Naku!"

"Oo nga, akala nga namin malalapnusan kami ng balat... ang init-init kaya niyon."

Hindi niya alam kung bakit siya natawa sa naging reaksyon ng mga kasamahan niya sa amo nilang bulag. Napangisi na lang si Natasha. Gusto niyang subukin kung hanggang saan ang katigasan ng ulo ni Kurt at saka mas gusto niyang nacha-challenge siya, wala kasing thrill ang buhay kapag walang ganun.

"Ako na po ang magpapakain sa kaniya."

Sabay-sabay na napatingin sa kaniya ang mga kasamahan niyang kasambahay. Hindi  sila makapaniwalang nagbo-volunteer si Natasha upang pakainin ang nagwawala nilang amo.

"Sigurado ka ba, Natasha? Baka malala pa ang puwede niyang gawin sa'yo... natatakot akong baka kainin ka niya ng buhay," nag-alalang sabi ni ate Kris

"'Wag po kayong mag-alala ate kaya ko ang sarili ko at kung kainin man niya ako ng buhay bibiyakin ko ang tiyan niya para makalabas akong muli."

Napahagikhik naman ang iba pa niyang kasamahan. Hindi sila makapaniwala na may pagka-kwela rin pala ang dalaga.

Inabot naman sa kaniya ang tray na naglalaman ng pagkain ng amo niya.

"Kapag may ginawa siya sa'yo kumaripas ka na lang ng takbo," paalala sa kaniya ng mayordoma

"'Wag po kayong mag-alala. Kung kakainin niya ako ay kakain ka rin siya. Haha!"

"Gusto na kitang bata ka," natatawang sambit ng matanda

Umakyat na si Natasha sa kwarto ng binata pero bago niya pihitin ang door knob ay nagdasal muna siya.

"Kung ano man po ang mangyari sa akin ngayon ay tanggapin ninyo po sana ang kaluluwa ko sa langit. Amen." Pagkatapos nun ay nag sign of the  cross pa siya

Nanginginig na pinihit niya ang door knob. Pakiramdam niya may nakadagan na isang libong daga sa kaniyang dibdib.

Natasha, 'wag ka ngang kabahan! Tinatakot mo lang ang sarili mo eh.

"S-sir k-kain na po kayo," Pag-aalok niya rito

Punyemas ka Natasha! Bakit ka nauutal?

"Sir, kain ka na po..."

Halatang hindi nakikinig si Kurt sa kaniya, nanatili lang itong nakaupo sa kama at nanatili lang itong walang kibo.

Nilapitan niya ang binata at doon niya napagtanto na nakasuot pala ng headphone si Kurt kaya pala hindi ito nakikinig sa kaniyang sinasabi dahil may iba pala itong pinakikinggan.

Kaagad niyang tinanggal ang nakasalpak na headphone sa tenga ng binata at lumapit siya tenga nito saka niya sinigawan.

"KUMAIN NA HO KAYO, SIR!!"

"What the heck are you doing?!"

Nabigla siya sa pagtulak nito sa kaniya ng malakas. "Kanina pa po kasi kayong niyang kumain ayaw ninyo naman pong kumain."

"Just leave me alone! I don't need your help! JUST LEAVE ME NOW!"

"Pero, Sir baka mangayayat ka niyan."

The Blind Billionaire's Maid Where stories live. Discover now