Chapter 10

8.6K 151 11
                                    

"I'm ready to face the battle like there's no other day but today."

-Mary France Buban


Warning: This chapter has a content of spg. Don't read this if you are minor.

Pagkarating pa lang nina Natasha at Kurt galing Bicol ay isang sampal ang tumama sa pisngi ng dalaga. Tinignan ni Natasha ang babaeng nanampal sa kaniya ng malakas, nanglilisik ang mga mata nito na anumang oras ay kakainin siya nito ng buhay.

"Putang ina mo, Natasha!? At dinala mo pa ang anak ko sa probinsya mo, ha? Talagang nilalandi mo talaga ang anak ko, Natasha? Pati ba naman anak ko papatusin mo?"

Nagulat na lang ang dalaga nang bigla nitong sinabunutan ang kaniyang mahabang buhok.

Nagsisigaw siya sa sobrang sakit dahil pakiramdam niya maanit ang kaniyang ulo.

"Parang awa na ninyo po, madam," namamaos na sambit ni Natasha habang pilit niyang inaabot ang kamay ng matanda upang pigilan niya ang pagkakasabunot sa kaniya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang buhok.

"Kasalanan mo rin itong depungal ka! Hayop kang babae ka at anak ko pa ang nilandi mo!"

"Pasensya na po talaga, madam. A-aray, madam... tama na po."

"Pasensya? Ano bang pinakain mo sa anak ko at naging baliw na baliw iyon sa'yo? Ginamitan mo ba siya ng gayuma ha? Asnwer me, Natasha!"

"Hindi ko po alam, madam. Wala akong alam sa sinasabi ninyo."

"Ah... hindi mo alam?"

Pinaghihila ni Donya Salvi ang mahabang buhok ni Natasha at may kinuhang gunting sa cabinet na ito.

Nanglaki ang mga mata ni Natasha nang nakita niyang hawak-hawak ng matandang babae ang isang matalim na gunting.

"M-madam, ano po 'yang gagawin mo?"

Kahit na nahinuha na ni Natasha ang maaring gawin ng kaniyang amo ang gagawin ng kaniyang amo pero isang mapang-uyam na ngisi ang iginanti nito sa kaniya.

At mukhang tama ang kaniyang hula nang walang habas nitong pinag-gugunting ang mahaba niyang buhok na kay tagal niyang iningatan.

"M-madam, parang awa ninyo na po 'wag po 'yung buhok ko... maawa ka po sa akin," sambit ng dalaga sa gitna ng kaniyang pagmamakaawa at mga hikbi

"Maawa? Sa tingin mo karapat-dapat ba kitang kaawaan, Natasha? Isa ka lang sa kasambahay kong walang pinag-aralan, mangmang at stupido! Kaya walang puwang sa puso ko kaawaan ang isang katulad mo!"

Matapos na ginawang sa buhok niya ay sinakal naman siya at pinagsasampal ng paulit-ulit.

Matapos ng pagmamaltrato sa kaniya ni donya Salvi ay tuluyan siya nitong nilisan na para bang walang nangyari. Nanginginig ang buong katawan ni Natasha, gusto niya mang tumayo ay tila naubusan siya ng lakas para gawin iyon. Mabuti na lang nakita siya ng kaniyang ate Kris.

"Diyos ko, Natasha! Anong nangyari sa'yo?!" Bigla nitong nabitawan ang hawak-hawak niyang Tupperware at patakbong lumapit kay Natasha.

"A-ate..." Halos hindi na makapagsalita si Natasha, hinang-hina na siya. Tinulungan naman siya ng kaniyang ate Kris na makatayo.

The Blind Billionaire's Maid Where stories live. Discover now