Chapter 6

10.6K 180 4
                                    

"Where's my jewelry, Natasha? Did you get it? Answer me!!!"

Umagang-umaga ganito kaagad ang eksena sa mansyon ng pamilya Milo. Tila nasanay na si Natasha sa pagmamaltrato ng kaniyang mga amo, hindi magawang tulungan siya ng iba niyang mga kasamahan dahil natatakot silang madamay sa galit ni donya Salvi.

"Wala po akong alam, madam. Hindi ko po 'yun nakikita."

"You such a liar!"

Isang samplal ang dumapo sa pisngi ng dalaga, napangiwi na lang si Natasha sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya.

Buong buhay niya ay hindi siya sinasaktan ng ganito ng kaniyang mga magulang, pinapalo lang siya nito dahil sa sobrang pasaway niya pero itong ginagawa sa kaniya ng kaniyang amo ay mas lalong ikinababa ng kaniyang dignidad.

Nagulat pa si Natasha nang bigla siya nitong sinakal na halos ikinaubos ng kaniyang hininga.

"Tell me where's my jewelry? I'll send you to jail if you didn't tell me where it is," nanglalasik na sabi sa kaniya ni donya Salvi

"Ak...ak.. hindi po ako nakahinga, madam," ani ni Natasha

Pero hindi pa rin siya pinakinggan ng matanda sa halil ay mas lalo pa nitong diniinan ang pagkasakal sa kaniya.

"MAPAPATAY TALAGA KITA, NATASHA KAPAG HINDI MO SINABI KUNG NASAAN ANG ALAHAS KO!"

"Wala po talaga akong alam sa sinasabi ninyo, madam," nanghihina nitong sambit sa ginang

Bigla naman siyang binitawan ng matanda at doon siya nakahinga ng maluwag. Nang akala niya tapos na ang pagmamalupit nito sa kaniya ay nagkakamali siya dahil biglang kumaripas ng takbo ang matanda papunta sa kaniyang kwarto at doon nito pinaghahalughog ang mga gamit niya.

"Alam kong nandito lang iyon sa mga gamit mo."

Hindi na napigilan ni Natasha ang mapaiyak habang tinitigan niya ang matanda na abala sa paghalungkay ng kaniyang mga gamit.

"Kahit kailan po hindi ako kumukuha ng hindi naman sa akin at saka tinuruan ako ng mga magulang ko nang mabuting asal," nakayukong sambit ni Natasha

"Aba! Sumasagot ka na ngayon, Natasha? Sinasagot-sagot muna ako ngayon ha!? Bakit ano bang puwede mong ipagmalaki sa akin?"

Muli na naman siyang nakatanggap ng mga malulutong na sampal mula sa kaniyang amo. Laking gulat niya nang may nakapa siya sa kaniyang mukha, may umaagos ng isang tubig! Pagtinginin niya rito ay halos maluha-luha siya nang nakita niyang dugo ang kaniyang nahawakan.

"Isaksak mo ito sa kukote mo, Natasha! Ako ang magiging kontrabida ng buhay mo at hinding hindi ako papayag maging masaya ka. Gagawin kong miserable ang buhay mo."

Hinawakan siya nito ng mahigpit sa kaniyang braso na siyang ikinasigaw niya.

"Tama na po," pagmamakaawa niya

Biglang natigilan ang matandang babae sa kaniyang ginawa nang dumating ang asawa nito.

"What happened?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Itong bago nating kasambahay tatanga-tanga! Nagmana talaga sa nanay niyang mangmang," ani nito sa galit na tono

"Leave it to me, hon. Ako na ang magdidisiplina sa kaniya."

"Aba, dapat lang! Nasisira lang ang beauty rest ko sa kaniya."

Silang dalawa na lang ang natira sa kwarto niya matapos na lisanin ni donya Salvi ang mga ito.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan, napansin niya kasing tinitigan siya ng maigi nito. Iyong titig bang hinuhubaran na siya nito.

"Sir, maniwala po talaga kayo sa akin... wala akong kinukuhang alahas kay donya Salvi," mangiyak-ngiyak na sabi ni Natasha

The Blind Billionaire's Maid Where stories live. Discover now