Chapter 14

7.4K 133 2
                                    

"Ate Kris, ano bang kinakain mo? Bakit ang baho?" reklamo ni Natasha

"Anong mabaho ang sinasabi mo? Dati-rati naman gusto mo ang amoy ng adobo." Inilapit pa nito sa ilong niya ang adobong nasa plato at doon parang gusto niyang masuka sa amoy, pakiramdam niya babaliktad ang kaniyang tiyan.

"Ate, ilayo mo talaga 'yan sa akin. Hindi ko talaga ang gusto ang amoy niyan."

Hinawakan na ni Natasha ang kaniyang bibig at pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili na 'wag maduwal.

"May lagnat ka ba, Natasha?" Hinawakan pa ng kaniyang ate Kris ang kaniyang noo.

"Wala ate, pakiramdam ko nahihilo ako."

"Natasha, kailan ka dinatnan?" Binigyan siya nito ng makahulugang tingin

"Nang isang buwan pa po ate pero baka na-delay lang." Napangiwi na lang siya sa kaniyang iniisip. Hindi puwedeng magkakatotoo ang kaniyang hinala.

"Baka buntis ka, Natasha?"

"Haha! Si ate Kris talaga palabiro, ni wala nga akong jowa at wala akong----" Bigla siyang natigilan sa pagsasalita at sumagi na lang sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila ni Kurt.

"Sinong buntis?" Sabay silang napalingon sa nagsalita, ang mayordoma lang pala.

"Ako po ang buntis, manang." Pinagtakpan siya ng kaniyang ate Kris pero alam na alam ng matanda kung sino ang buntis sa kanilang dalawa.

"'Wag mo akong pinagloloko, Krisha... papunta ka pa lang pauwi na ako."

Walang umimik sa kanilang dalawa, nakayuko lang sila pareho.

"Natasha, ikaw ba ang buntis?"

"P-paano ninyo po nalaman, manang?"

"Dalawa ang pulso sa leeg mo, hija. Sino ang ama ng batang dinadala mo?! Sino!?"

Nagulat na lang si Natasha sa biglaang pagsigaw ng mayordoma. Napakagat na lang siya ng labi at pinipigilan niyang umiyak sa harapan nito.

"Uulitin ko ang tanong ko, Natasha sinong ama ng dinadala mo?"

"Si sir Kurt po, manang," nakapikit na sambit ni Natasha

Gayun na lamang ang panglaki ng mata ng mayordoma at ng kaniyang ate Kris matapos nilang narinig ang sinabi ni Natasha.

"Diyos kong mahabagin! Natasha, anong elemento ang nagsanib sa'yo at nabuntis ka niya?"

Nagsimula na siyang humagulhol at inaalo naman siya ng kaniyang ate Kris.

"Dapat walang makakaalam na buntis ka lalo na si donya Salvi."

Hindi na siya nakapagsagot pa sa matanda dahil maduduwal na siya. Kaagad siyang nagtungo sa lababo at doon nagsusuka.

"Okay ka lang ba, Natasha?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaniyang ate Kris. Tumango na lang si Natasha bilang tugon sa tanong nito.

"Anong kaguluhan ang nangyari dito?"

Nanumbalik na naman ang kabang nararamdaman niya kapag kaharap niya si donya Salvi, actually mas dumoble pa nga. Paano niya sasabihin dito na buntis siya at si Kurt ang ama ng dinadala niya.

Kumalma ka nga, Natasha! Wala pa naman kasiguruduhan kung buntis ka nga talaga.

Pero bago pa man niya naibuka ang kaniyang bibig may isa sa kasamahan niyang kasambahay na sinapian ni Judas at inunahan siya sa pagsalita.

"Buntis po si Natasha at ang anak ninyo po ang tinuturo niyang ama ng dinadala niya," walang preno nitong sambit

Nanglaki na lang ang mga mata ng matanda at kaagad niyang nilapitan si Natasha. Napahilot na lang si Natasha sa kaniyang sintido dahil alam na niya ang posibleng gawin sa kaniya ng matanda.

"Totoo ba ang sinasabi niya, Natasha!?"

Isang tango na lang ang itinugon niya sa matanda, nagulat na lang siya nang bigla siya nitong sinapok sa mukha.

"Di ba sinabihan na kitang lubayan mo ang anak ko? Bakit ka niya nabuntis!?"

"Sinubukan ko pong lubayan ang anak ninyo pero siya itong lapit nang lapit."

"Putang inang, Natasha! Sumasagot ka na ngayon sa akin, ha? Ipalaglag mo ang bata kung ayaw mong ako ang papatay sa batang nasa sinapupunan mo!"

"Iyan po ang hindi ko gagawin. Magpapakalayo na po ako basta bigyan ninyo lang ako ng konting panahon."

"Fine. Bibigyan kita ng isang linggo para manatili sa pamamahay ko kung hindi..."

"Kung hindi ano po? Ano pong gagawin ninyo sa amin?"

Ngisihan lang siya ng matanda. "Oh dear, Natasha hindi ko alam kung nasobrahan ka lang sa kape o ano pero 'wag kang mag-alala kapag hindi ka umalis dito sa lalong madaling panahon posibleng may mangyari sa iyo lalo na sa bata."

"Anong klaseng ina ka at bakit napakasama mong tao?"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Natasha. Kaagad siyang napahawak doon.

"Wala kang karapatan para diktahan kung anong klaseng ina ako kay Kurt dahil gusto ko lang siyang mapunta sa babaeng may pinag-aralan at hindi isang mangmang na katulad mo!"

Hindi na nakapagpigil si Natasha at nasampal niya rin ng malakas ang matanda.

"How dare you to slapped, Natasha?!"

Buong lakas nitong hinawakan ang kaniyang braso at pinaghihila papunta sa labas ng mansyon. Itinulak na lang siya sa labas kaya napasubasob na lang si Natasha sa sahig.

"I don't want to see your face! 'Wag kang magpapakita sa akin lalong lalo na sa anak kung si Kurt. Hinding-hindi ako makakapayag na maanakan ka ni Kurt at ito ang itatak mo sa kukote mo hinding-hindi namin iyan ituturing na Milo ang batang dinadala mo," nagngitngit na sambit ng matanda habang dinuduro pa siya nito.

Nagulat na lang si Natasha nang nasa pintuan na si Kurt, nakatayo at... tinignan siya nito ng seryoso.

Wait, nakakakita siya?

Kahit na nagalusan siya ay pilit siyang tumatayo at naglakad patungo sa binata.

"Kurt, tulungan mo ako! Parang awa mo na. Di ba gusto mong itanan mo ako? Handa na akong sumama sa iyo."

"How desperate you are, Natasha? Hindi ko akalain na madali kang bumigay sa akin."

Napanganga na lang siya sa sinabi ng binata. Tinignan niya ang bagong mata nito na nakatingin sa kaniya ng seryoso.

"Kailan ka pa nakakakita, Kurt?"

He chuckled. "Last week at hindi ko akalain na ang panget mo pala."

Hindi siya makapaniwalang kaya iyon sabihin ni Kurt. Hindi iyon ang Kurt na minahal niya, hindi iyon ang Kurt na ama ng dinadala niya.

"Sabi mo sa akin mahal mo ako?"

"Wala akong sinasabing ganun, Natasha... ang sabi ko noon I like you and I adore you but it doesn't mean that I love you. Love is not liking, Natasha."

"Pero Mahal na Mahal kita, Kurt!"

Lalapitan niya sana ang binata nang biglang humarang si donya Salvi.

"Did you enjoy the show, Natasha? Ito ang sinasabi ko sa'yong palabas at akalain mo naman madali ka palang paikutin sa aming mga palad."

"Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi ng mommy mo, Kurt! Sabihin mo sa akin ang totoo, Kurt! Ikaw ang nagturo sa akin na magpakatotoo sa nararamdaman ko at ngayon na ako naman itong nagpakatotoo sa nararamdaman ko tapos ikaw naman itong nagsisinungaling!"

"This is my plan all along," matigas na sambit ni Kurt

"Nagsisinungaling ka, Kurt... alam kong nagsisinungaling ka!"

"You're nothing, Natasha. Did you hear me? Nothing. Pack your shit and go! Get the fuck out of my sight!"

Nagulat pa siya nang bigla siya nito ng malakas, muntikan pa siyang masubsob ulit. Sunod na sunod na tumulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata.

Hindi niya akalain na 'yung lalakeng minahal niya ay magagawa siya nito ng saktan at lokohin.

The Blind Billionaire's Maid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon