Kurt Perspective

5.3K 68 1
                                    

Author's note: Due to reader's demand, The Blind Billionaire's Maid is back. I hope you'll like it. 

"What the hell are you doing, Kurt? You're too drunk! Umuwi ka na dito at magbagong buhay ka na!" rinig niyang sambit ng kaniyang ama sa telepono pero sa halip na pakinggan niya ang panenermon sa kaniya ng telepono ay binabaan niya lang ito.

"Stupid, dad. Tsk. One more shot!" Pagtatawag niya sa bar tender

Ngayong araw ang kaniyang kaarawan pero mukhang ito na yata ang pinakamalungkot niyang pangyayari sa buhay niya at sa tingin ko'y sinusumpa na niya ang araw na ito.

"Lasing ka na ho, sir."  Pagsasaway sa kaniya ng bar tender pero hindi pa rin siya nagpatinag, naka-ilang salin siya sa baso ng alak na tequila.

"I don't care. Isa pa nga!"

Sa sobra niyang kalasingan ay di niya namalayan na nakatulog na pala siya. Isang tapik sa braso ang kaniyang naramdaman nang siya namang nagpagising sa kaniyang diwa.

"Sir, umuwi ka na sa bahay ninyo baka hinahanap ka na po ng mga magulang ninyo." 

"Wala silang pakiramdam sa kanila. Parang akong asong ulol na sumusunod sa gusto ng amo niya." Sabi niya at saka niya nilagok ang konting alak na nasa baso niya

What is love on him? Wala siyang depinisyon patungkol sa love dahil ang love hindi naman iyon totoo.

Naniniwala lang ang mga tao sa kasabihang love conquers everything pero hindi. Money can buy love. Bayaran mo lang ang babae, mapupunta na sa iyo agad-agad.

Aksidenteng nabuntis ng kaniyang ama ang mommy niya at siya ang naging bunga ng aksidente na iyon. Masakit ang katotohanan, oo... sobrang sakit lalo na lumaki siya ng walang pagmamahal. Simula pagkabata niya ang tangi niya lang naririnig ay ang sigawan, murahan ng kaniyang mga magulang.

Nasaan na ang pagmamahal na pinapangarap niya para sa kaniyang pamilya?

"You bastard bitch!" sabay sampal ng ama niya sa kaniyang ina

Napapikit na lang siya. Ayaw niyang makita ang kaniyang ina na bugbog sarado ang mukha nito at halos hindi na makita ang kaliwang mata dahil isa rin iyon nasuntok ng kaniyang magaling na ama.

Pupuntahan na sana niya ang kaniyang ina sa sala nang biglang may humawak sa kaniyang kamay at pagtingin niya si yaya
Pasing lang pala niya. Kung tutuosin mas naging magulang niya pa ang kasambahay nila kaysa sa totoo niyang magulang.

"Kung ipagtatanggol mo siya dapat handa ka ring masaktan dahil hindi sapat ang lakas para masabi mong matapang ka dahil ang tunay na matapang kailangan may puso."

Natigilan siya sa sinabi ng kaniyang yaya. Tinignan niya ang kaniyang kasambahay sa mata sa mata dahil naniniwala siyang magsinungaling man ang bibig pero ang mga mata ay hindi kailanman nagsisinungaling.

Sa lahat ng parte ng kaniyang katawan, ang kaniyang mga mata ang tangi niya lang paborito. May mala-tsokokalate ang mga mata nito na tila nangungusap .

"Sir, okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya

"Yes, i'm okay." Pagsisinungaling niya pero ang totoo hindi siya okay bukod kasi sa nabasted siya ng kaniyang nililigawan.

Nagsulat pa naman siya ng isang daang tula para sa babaeng iyon kaya lang di niya iyon maibigay dahil mas mahal nito ang kaibigan niya at hindi siya. Nalaman din niya na pinalayas ng sapilitan si Yaya Pasing na buong buhay siya itong nag-alaga sa kaniya.

"Uuwi na ako."

Pinindot niya ang spare keys at awtomatiko namang bumukas ang kotse niya. Kaagad niyang sumakay doon at parang gusto niyang sumabog sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman.

Sa sobra wala sa konsentrasyon niya nakaligtaan niya na nasa gitna pala siya ng pagmamaneho. Huli na niyang nakabig ang preno nang nabungguan na siya ng truck.

And that merely accident changed my life.

The Blind Billionaire's Maid Onde histórias criam vida. Descubra agora