CHAPTER 17: Bleeding Love

111 11 8
                                    

CHAPTER 17:

Bleeding Love

Heto na naman ang 'di matawarang pagsakit ng ulo ko. Sa tuwing kumikirot ito, gusto ko na talagang maiyak, pero hindi pwede. Kailangan kong maging matatag. Hindi ako maaaring mamatay nang dahil sa sakit lang. I can't let that happen. Alam kong hindi ko naman gaanong vina-value ang sarili ko, pero importante sa'king mabuhay ako.

Mahigpit ang kapit ko sa ulo ko nang pumasok ng kwarto ko si Ash. Nandito ako sa panibagong ospital. Pangatlong ospital na ito na pinuntahan namin, para lang maipatest ako ng paulit-ulit. But they gave me the same result. Para bang pinagtulungan ako ng tatlong ospital para sumuko at tanggapin na lang ang katotohanan.

Pinag-stay nila ako dito, para iprepare ako sa mga gagawing treatments sa'kin. Hindi na ako naalisan ng nakatusok sa may pulso ko, at isa 'yon sa mga kinaiinisan ko sa araw araw. Hindi kasi ako makagalaw ng matino dahil doon. I swear, kung kaya kong saktan ang sakit na dumapo sa'kin, papatayin ko na 'to. Isa lang kasi itong malaking pabigat at pasakit sa'kin.

Dahil sa sakit ko, nabawasan ang social life ko. 'Yung mga oras ko na para dapat magsaya at mamasyal ay napunta nang lahat sa pagtambay sa ospital. Nawalan pa ako ng trabaho, which was my only source of money. Ngayon, balik na naman ako sa pag-asa na lang sa mga magulang ko.

“Sumasakit na naman ba?” nabaling ang atensyon ko kay Ash na kasalukuyang nakaupo na sa tabi ko at nakatingin sa'kin ng may halong pag-aalala at awa. Ayoko ng pagtingin na 'yon. Ni minsan, hindi ko hiniling na tingnan niya ako ng may halong awa, pero kung ito lang ang paraan para tingnan niya ako, okay na rin siguro. Kung may good side man na nagawa ang sakit ko sa'kin, ito na siguro ay 'yung mas napapalapit sa'kin si Ash.

“Wala naman. Okay na, Ash. Salamat,” nakangiti kong sagot sa kaniya. Kaming dalawa lang ngayon sa dito sa loob ng kwarto ng ospital. Kaninang umaga ay mag-isa lang ako, nasa trabaho kasi ang lahat. Balak sana akong samahan ni Mama, pero hindi ako pumayag na abalahin pa sila. Hindi naman ako baldado, kaya't hindi ko na kailangan pa ng bantay.

“Sure?” tanong pa ni Ash sa'kin at sinagot ko naman siya ng isang tango. “Ito pala, alam kong 'di ka pa kumakain kaya dinalhan kita ng specialty ng restaurant.” Inilabas niya mula sa dala niyang paperbag ang isang paperbox at iniabot niya ito sa'kin.

Binuksan ko ang box at natawa ako nang makitang rice at fried chicken ang laman nito. Akala ko naman kung anong specialty ang tinutukoy niya. Sabagay, na-miss ko ring kumain nito.

Inihahanda ni Ash ang mesang pagkakainan ko nang bigla namang pumasok si Louie sa loob ng kwarto. “Hey, Di! Bought you your favorite lasagna!” bungad niya. Kung hindi lang nagdala ng pagkain si Ash, malamang natuwa ako sa dala ni Louie. Syempre, favorite ko talaga ang lasagna, pero hindi ko pwedeng ipagpalit ang dala ni Ash.

“Pero Dude, nauna akong dalhan siya ng dinner e. First come first serve, kaya sa'kin ang kakainin niya.” Alam ko sa mga ganitong eksena, dapat ay inaawat ko sila habang maaga pa. Pero kakaiba ang nararamdaman ko, masama bang natutuwa ako sa mga nangyayari? Masama bang kiligin ako na ultimo dinner ko ay pinaglalaban ni Ash?

“Pero mas gusto ni Diana ang dala ko. Hahayaan mo ba siyang kainin 'yang dala mong rice at fried chicken kung alam mong mas mabubusog at masasarapan siya sa dala ko?” tanong ni Louie kay Ash. Nakita kong ikinuyom ni Ash ang kaniyang kamao, tandang naiinis na ito ka Louie.

Aawatin ko na sana si Louie nang maunahan akong magsalita ni Ash. “Fine. You win. Hayaan mo, sa susunod magdadala ako ng pagkaing masarap at mamahalin rin. Sa pagkakataong 'yon, hindi na kailangan ni Diana ang mga pagkaing hinahain mo sa kaniya.” And with that, kinuha ni Ash 'yung hawak kong paper box at umalis na ng kwarto.

Binalingan ko ng masamang tinging si Louie. “What the hell? Bakit mo naman ginawa 'yon Louie? Ano bang pumasok diyan sa utak mo at naninira ka pa ng gabi ng iba?” Nakakapikon. Minsan na nga lang ako dalhan ng pagkain ni Ash, hindi ko pa nakain dahil sa ginawa niya.

“I told you, I'm willing to do anything for you. To get you. Sasaktan ka lang ng lalaking 'yon and I know that. Please Diana, gumising ka na sa kahibangan mo sa kaniya,” sabi niya habang nakatitig sa dalawang mata ko. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya, pero hindi na no'n mababago ang takbo ng isipan ko.

“Louie, hindi mo ba nakikita? He's getting more attached to me. Kung dati alam kong kaibigan lang ang turing niya sa'kin, ngayon alam ko kahit papa'no espesyal na ako s a kaniya. He's trying to love me, Louie. Can't you see? Mas binibigyan niya ako ng pansin ngayon, kaysa noon. Kanina, ultimo dinner na ipapakain niya sa'kin pinaglaban niya. Inisip niya ang kapakanan ko, kaya siya umalis bitbit 'yung dala niyang pagkain. Malapit na rin niya akong mahalin Louie. I could feel it.” Alam kong sinasaktan ko si Louie sa mga sinasabi ko, pero mabuti na 'to nang hindi na rin siya umasa.

“But that's because you're sick! Kung wala ka bang sakit, sa tingin mo ba--- Wait. Ginagamit mo ba 'yang sakit mo para makuha mo siya?” Masakit man ang mga sinasabi ni Louie, totoo naman ito. Desperada na kung desperada, pero mahal ko talaga si Ash, and I will do everything to get him.

Hindi ako sumagot. Mali. Hindi ako makasagot. I'm guilty. Ano pa ba'ng sasabihin ko? Ano pa bang idadahilan ko kung nasapul na niya ang katotohanan?

“You're damn crazy, Diana. How come? Paano ka napunta sa ganitong punto? Paano mo naatim magpakababa para sa isang lalaki lang?” I don't know. I really don't know kung paano nga ba ako nahulog ng ganito kalalim para kay Ash. Siguro nga, totoong nakakabaliw ang pag-ibig. And I'm a living proof.

“Louie, I'm dying. I hope not too soon though. Sana magamot pa ako, para mabuhay nang mas matagal, pero kung hindi na. Ito na lang ang mahihiling ko para sa sarili ko, para sa nalalabing mga sandali ko. Ang maging masaya. Ang makasama ang taong mahal ko at pasayahin niya ako.”

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Marami man ang tumutol, ipaglalaban ko 'yung pagmamahal ko kay Louie. I should make him mine before I blow my last breath. Gusto ko lang namang maramdamang mahalin rin niya ako. 'Yun lang, and I could rest in peace.

Alam kong paulit-ulit na niya akong nasaktan. At hindi malabong paulit-ulit niya pa akong sasaktan. Pero kahit pa puro sugat na ang puso ko nang dahil sa kaniya, I'll coninue loving him dahil siya lang din naman ang bumbuhay sa puso ko. I'll be proud to say that I've been broken by him, and one day sasabihin kong akin na siya. Gano'n ko siya kamahal. At hindi ko na rin alam kung bakit.

“Okay then. If that's your wish, I'm giving you up. I'll stop pursuing you, but I will not stop loving you, Di.” Napangiti ako. Sa wakas, naintindihan na ni Louie ang sitwasyon, at ang nararamdaman ko. He doesn't deserve me, sana mahanap na rin niya ang taong makakapagpasaya sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon