CHAPTER 8: Right Now

97 10 6
                                    

CHAPTER 8:

Right Now

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng pagkikita namin ni Ash. Hindi ko siya tinawagan, o pinuntahan man lang. Inisip kong baka kailangan lang niya ng space, na baka nasasakal lang siya sa masyadong pagdikit ko sa kaniya kaya hinayaan ko muna siya kahit na sa kabila no'n ay miss na miss ko na siya.

Masaya kaya siya ngayon? Masaya kaya siya na nabawasan siya ng isang kaibigan? Pareho kaya kami ng nararamdaman? Namimiss din kaya niya ako?

Sa dumaang isang linggo, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Ash no'ng huli kaming magkita. Sinabi niyang mas magiging magaan ang lahat para sa'kin, pero bakit ganito? Isang linggo ko pa lang siyang hindi nakikita o nakakausap man lang nahihirapan na ako. Isipin ko pa lang na hindi na kami magkaibigan ang bigat-bigat na sa dibdib ko. Paano naman niya nasabing mas magiging magaan ang lahat para sa'kin?

Hindi nga ba ako napapaod masaktan? Siyempre napapagod din, pero alam ko namang may kapalit ang lahat ng pagpapagod ko. Alam kong balang araw, magiging masaya rin ako at matatapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Move on? Sa tingin niya ba kaya ko 'yon? Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya sa tingin niya kaya ko ba 'yon? Palibhasa hindi pa naman niya nararamdamang mareject, hindi niya alam kung gaano kahirap gawin ang mga salitang sinasabi niya.

Napailing na lang ako sa mga tumatakbo sa utak ko at napatitig sa kisame. Napabalikwas ako ng tayo nang maisip kong late na pala ako sa trabaho, pero sa pagbangon ko ay nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo. At sa pagtanggal ng kumot sa katawan ko ay nakaramdam ako ng matinding ginaw.

Sa kabila ng mga naramdaman ko, tumayo pa rin ako at dumeretso ng banyo. Pinilit ko ang katawan kong gumalaw, pero sa bandang huli bumigay din ako. Bumalik na lang ako sa kama ko at pumulupot sa kumot. Bakit naman ngayon pa ako nagkasakit? Ngayon pang pupunta si Louie sa office para kunin ang mga files na kailangan niya. Malamang hahanapin na naman ako ng makulit kong boss ngayon, kaya nagtext na ako kay Nica para magsabing 'di ako makakapasok.

Kinuha ko ang celphone ko mula sa tabi ng unan at hinanap ko ang number ni Ash. Minsan lang ako magkasakit at sa mga oras na 'yon lagi kong tinatawagan si Ash para pumunta dito. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa tuwing may sakit ako, kaya siya ang nag-aasikaso sa'kin. Sa simpleng bagay na 'yon ako unang nahulog sa kaniya.

Ngayon kaya, kaya pa niyang magbigay ng oras sa'kin kahit na hindi na niya ako tinuturing na kaibigan? Kapag tinawagan ko ba siya ngayon sasagutin niya? At kapag sinagot ba niya, pupuntahan niya ako gaya ng dati?

Nagdadalawang isip man, nagbakasakali pa rin akong pupunta siya kaya nag-iwan ako ng text message. Hinanap ko ang love sa contacts ko at sinend sa kaniya ang; “Ash, I'm not feeling well, and I need you. Could you please come over? Pasensya na sa abala, alam kong malabo ang friendship natin ngayon pero umaasa akong kahit papa'no ay mahalaga pa rin ako sa'yo.”

Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng unan at naghintay na lang. Darating kaya siya? Sana dumating siya. Namiss ko siya at gusto ko na rin siyang makita.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa paghihintay at nagising na lang ako nang may magpatong ng bimpo sa noo ko. Napangiti ako kahit na nakapikit pa, alam kong si Ash 'yon. Pumunta siya, ibig sabihin mahalaga pa ako sa kaniya.

Iminulat ko ang mata ko at nagulat nang makita ang mukha ni Louie nasa harap ko at kababakasan ng pag-aalala.

“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kaniya habang bumabangon mula sa pagkahiga.

“Um because you texted me? Well, its not really for me. I received your text message for Ashton. Hindi ko alam kung paano ifoforward sa kaniya ang text message kaya ako na lang ang pumunta para alagaan ka.” What the?! Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan 'yung outbox at kat Louie ko nga naisend at hindi kay Love. Bakit ba kasi magkasunod pa ang pangalan nila sa contacts ko.

“Paano ka nakapasok?”

“Lucky me, dahil hindi nakalock ang pinto. I've tried knocking, pero walang nagbubukas ng pinto kasi tulog ka pala.” Napatango na lang ako. Siguro masyado akong bangag kagabi pag-uwi ko ng bahay para mag-abala pang maglock pinto.

“Wala ka bang trabaho? Bakit ka pa nag-abalang pumunta dito? Sana nagreply ka na lang na wrong send ako 'di ba?” Tumayo siya at pumunta sa may kusina, napansin kong may kalderong nakapatong sa kalan. Nagluto pa pala siya.

Habang naghahanap ng kung ano sa cabinet ay sinagot niya ako. “Diana, pwede ko namang gawin ang trabaho ko bukas. I want to be here at alagaan ka. Besides malabo naman 'atang puntahan ka ni Ashton since sabi mo nga malabo ang friendship niyo ngayon.” Nakahanap na siya ng mangkok at sinandukan niya ako ng sopas na niluto niya. Naglakad siya ulit papunta sa'kin at binigay sa'kin ang sopas.

Hindi na ako umangal. Ininom ko na lang 'yung sopas at 'yung gamot na pinainom niya. Siguro sign na rin 'yung pagkawrong send ko na hindi pa oras para magkita kami ni Ash.

Nakakapanibago. Si Ash lang ang gumagawa sa'kin nito noon. Hindi pa 'to nagagawa sa'kin ni Louie kahit no'ng kami pa. Hindi ako gano'n kakumportable kay Louie. Hindi ko rin alam ang status ng friendship namin ngayon.

Sana si Ash na lang ang nandito. Sana siya na lang ang nag-aalaga sa'kin ngayon tulad ng dati. Hindi naman sa masama ang loob ko dahil si Louie ang nandito para sa'kin ngayon. Hindi ko lang maiwasang umasa.

So ganito na? Simula ngayon ba ako kailangan ko nang umasa sa sarili ko sa mga oras na kailangan ko siya? Pero hindi ko 'ata kaya. Hindi ko kaya kapag wala si Ash. Kailangan ko siya sa buhay ko at sana sa mga oras na 'to siya na lang ang kasama ko.

Nagui-guilty ako dahil hindi ko man lang magawang magpasalamat na nandito si Louie sa tabi ko ngayon, pero ano bang magagawa ko? Isang tao lang naman talaga ang ginusto ko na nasa tabi ko ngayon, at si Ash 'yon wala ng iba.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon