CHAPTER 7: I'll Never Go

113 10 6
                                    

CHAPTER 7:

I'll Never Go

Masaya akong bumangon ng kama. Masaya akong naligo, nagbihis at kumain. Masaya akong umalis ng bahay. Masaya akong pumasok ng opisina, at masaya kong sinimulan ang trabaho ko. Well, at least I'm trying to be happy sa kabila ng 'di malamang kaba sa dibdib ko.

Nakatanggap ako ng text mula kay Ash kagabi. Sinabi niyang mag-uusap kami ngayong gabi, pero sa kabila ng excitement ay nakaramdam ako ng kaba. Hanggang ngayon kasi, wala pa akong balita tungkol sa kanila ni Georgia. Hinihiling kong sana okay na sila, kahit na sa likod ng hiling na 'yon ay mas masaya pa ako kung hindi na sila magiging okay.

Natawa na lang ako sa masamang bagay na tumatakbo sa utak ko. Ganito naman talaga nagamamahal, minsan nagiging masama na ang takbo ng utak mo. Minsan nakagagawa ka na ng mga bagay na sa tingin ng iba ay mali, pero ang totoo nagmamahal ka lang naman.

Inabot na ako ng tanghali sa harap ng computer ko at sumasakit na ang ulo ko kakatitig sa monitor. Hindi ko pa tapos ang mga dapat kong gawin, dahil napatong sa gawain ko ngayon ang mga gawain ko kahapon. Nasa kalagitnaan ako ng pagtratrabaho nang pumasok sa loob ng opisina ko si Lorraine.

“Aloha! Babaita!” masigla niyang bati. Binigyan ko lang siya ng ngiti at bumalik na ulit sa ginagawa ko. “Ay isnabera ang lola mo. Kumain ka muna Diana, baka magkasakit ka pa niyan e,” pag-aya niya sa'kin habang nilalapag ang pagkaing dala niya sa mesa ko.

“Salamat dito, Lorraine. Bakit napadalaw ka?” tanong ko, bago ako tumalikod sa monitor at binuksan 'yung dala niyang pagkain.

“Wala naman Diana, namiss lang kita. Tsaka nakakapagod mag-apply ng trabaho, kailangan ko ng break at ng kausap.” Tumango lang ako, at nagsimula nang kumain. “Kamusta ka na? Nabalitaan ko 'yung nangyari sa victory party a. Ano nang nangyari sa dalawa? Nagalit ba sa'yo si Ash?” dagdag na tanong niya kaya napatigil ako. Naramdaman ko na naman 'yung kabang nararamdaman ko kanina na nawala na no'ng nagtratrabaho ako.

Tumango lang ako at malungkot na ngumiti. “Hanggang ngayon? Bakit naman gano'n siya katagal nagalit sa'yo? Ngayon lang nangyari 'to a.”

“E muntik na kasi silang maghiwalay ni Georgia kaya napuno ko na 'ata ang pasensya niya. Muntik na nga niyang putulin ang pagkakaibigan namin mabuti na lang gumawa ako ng paraan,” kwento ko sa kaniya.

“Gaga ka naman kasi! Bakit naman hinayaan mong halikan ka ni Ash, e lasing naman 'yung tao. Tapos nagsabi ka pa ng kung ano-ano,” sermon naman niya.

“Oo na nga, mali na ako. Alam ko na 'yon okay? Nagawa ko lang naman 'yon kasi akala ko makukuha ko na si Ash pagkatapos no'n, pero mali pala ako. Mag-uusap na kami mamaya, sana lang mapatawad na niya ako.”

Hindi na kami nagsalita pa at kumain na lang. Umalis din naman kaagad si Lorraine at bumalik na ako sa trabaho ko. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa kumagat na ang dilim.

. . .

Nandito na ako sa meeting place namin ni Ash. Nauna siya sa'kin kaya hindi ko na kailangang maghintay. Umupo na ako kaagad sa tapat niya at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Nakikita ko sa mukha ni Ash na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Georgia, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

“So, ano'ng pag-uusapan natin?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Hindi na kasi ako makapaghintay e. Gusto ko nang maayos ang lahat ng 'to.

“Diana, I'll be straight to the point. Okay na kami ni Georgia, pero mas magiging okay kami siguro kung hindi na tayo magiging magkaibigan.” Napakagat ako sa labi ko sa mga sinabi ni Ash. I'm expecting this, pero hiniling ko na sana mali ako. Ang sakit pala na tama ako, at nangyayari na 'to ngayon. Nakakatawa mang isipin, pero para akong nasa isang break up scene.

“Pero Ash mahal kita. Friendship na nga lang 'yung hinihiling kong makuha, ipagkakait mo pa?” Pinigilan kong umiyak. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina sa harap ni Ash. Ayoko namang ibigay niya sa'kin ang gusto ko nang dahil lang sa awa.

Huminga muna siya ng malalim bago niya ako sinagot. “Diana, believe me mas magiging magaan 'to para sa'yo. Hindi ka ba napapagod masaktan? Diana, nasasaktan din ako na nasasaktan kita at pagod na akong saktan ka. Naiintindihan mo pa ba 'yang mga sinasabi mo?”

“Oo naman! Mahal kita at 'yon lang ang alam ko. Mahal kita kahit hindi mo pa tanggapin ang pagmamahal ko. Mahal kita kahit pa mali ito sa mata ng iba. Mahal kita Ash,” mariin kong sagot sa kaniya. Mahirap bang intindihin na mahal ko siya? Hindi ba pwedeng hayaan na lang niya akong mahalin siya?

Nakita ko ang pag-iling ni Ash na para bang sinasabi niya sa'king maling mali nga ako. “Diana, pwede pa naman tayong maging magkaibigan, pero mas maganda siguro kung sa mga panahong moved on ka na.”

“No,” mabilis kong sagot. Bakit ba kapag sinasabi nila ang salitang 'moved on' parang ang bilis-bilis lang? Hindi ba nila alam na, moving on can take forever? Paano na lang kung hindi ako maka-move on? Edi hindi na rin maibabalik ang friendship namin?

“Ash hindi ko tinatanggap 'yang pagpuputol mo ng pagkakaibigan natin. Hinding hindi ako lalayo sa'yo, hindi ako magmomove on. Ash I love you! Please naman 'wag mong gawin sa'kin 'to! Hindi mo alam kung gaano mas mahirap para sa'kin 'tong ginagawa mo. Sabihin na nating hindi na kaibigan ang tingin mo sa'kin ngayon, pero Ash hindi mo ako mapipigilan kung ituturing pa rin kitang kaibigan.”

Hindi na siya nagsalita at tinitigan na lang ako na para bang wala na siyang magagawa dahil hopeless na ako.

“So, tapos na ang usapang ito Ash. I won't give you up and that's final.” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at umalis.

[To be coninued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon