CHAPTER 9: Chasing Pavements

94 5 5
                                    

CHAPTER 9:

Chasing Pavements

Binigyan ako ng isang araw na leave ni Louie, para magpagaling. Baka raw kasi stress sa trabaho ang dahilan ng pagkakasakit ko. Sa isang banda, nagpapasalamat ako dahil alam ko namang kailangan ko rin ng break, na kailangan ko ring magpahinga, pero sa isang banda naman ay hindi. Trabaho ko na nga lang ang kinakapitan ko para kalimutan lahat ng problema ko, pero pinilit pa niya akong manatili sa bahay.

Ngayon tuloy wala na akong ginawa kundi tumitig sa cellphone ko, kung saan nakadisplay ang picture namin ni Ash. Paano kaya kung hindi ako na-wrong send kahapon? Pupunta kaya siya? Matagal-tagal na rin – para sa'kin – kaming 'di nakakapag-usap, galit pa kaya siya sa'kin?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at nag-ayos na. Hindi naman siguro tama na nakaupo lang ako dito at nagpapakabaliw na sa kakaisip kay Ash. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong malaman ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko.

Matapos kong maligo, magbihis, at magpaganda ay kaagad na akong umalis ng condo. Nag-abang ako ng taxi at nagpahatid sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Ash. Tiningnan ko ang oras mula sa relo ko at nakitang 8:30 pa lang. Kabisado ko ang schedule ni Ash, at alam kong alas nuebe pa ang pasok niya kaya minabuti kong maghintay sa labas ng school para makita ko siya kaagad bago pa siya makapasok.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay natanaw ko na kaagad si Ash na naglalakad patungo sa gate ng school. Mag-isa siya at walang kasama, mamayang gabi pa kasi ang klase ni Georgia. Alam ko 'yon dahil lahat naman ng professor ng mga nagmamasteral degree ay gabi lang available para magturo.

Minsan napaisip ako kung bakit nagmasteral si Georgia, kung marami namang kumpanyang kumukuha na sa kaniya. At nang pagtagpi-tagpiin ko ang sitwasyon, ayaw niya sigurong ma-down si Ash dahil hindi pa niya natatapos ang thesis niya. O 'di kaya ay simpleng para magkasama pa sila sa loob ng isang eskwelahan.

Napailing ako para tanggalin ang mga walang kwentang bagay na sumsagi sa isip ko. Tumakbo ako ng mabilis patungo kay Ash, bago pa ito makapasok sa loob.

Nagtagumpay ako at naabutan ko siya. Hinila ko siya para medyo lumayo sa gate, ayoko namang marinig ng ibang estudyante ang mga gusto kong sabihin sa kaniya.

“Diana?” gulat niyang sambit nang mapagtantong ako pala ang taong humila sa kaniya. “Bakit ka nandito? Anong kailangan mo sa'kin?” sunod niya pang tanong.

Binigyan ko siya ng isang ngiti... isang pilit na ngiti para bawasan ang kaba sa dibdib bago sumagot. “Ano ba namang tanong 'yan Ash. Nandito ako because I missed you! Hindi mo ba ako namiss?” tanong ko, pero hindi ko pa rin tinatanggal ang ngiti sa mga labi ko.

“What? Ano bang pinagsasabi mo Diana? Natatandaan ko pa ang huli nating pagkikita at sigurado akong pinutol ko na ang pagkakaibigan natin mula no'n kaya walang dahilan para mamiss kita,” sabi niya habang 'di naaalis ang pagtitig niya sa mata ko. Nakaramdam ako ng takot sa mga salitang binitiwan niya, dahilan para mapabitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso niya. Damang-dama ko kasi ang galit sa tono ng pananalita niya, na para bang isang pagkakamali ko lang lahat ng pag-asa kong ibalik ang pagkakaibigan namin ang mawawala na.

“Please Diana. Kung ayaw mong pati pangalan mo ay kalimutan ko 'wag mo na akong susundan. 'Wag mo na akong pupuntahan, itext, tawagan, lapitan o kahit pa tingnan. Tsaka na lang... tsaka na lang Diana kapag wala ka nang ibang gusto sa'kin kundi pagkakaibigan lang.” Pinagmasdan ko ang likod niya habang lumalakad siya palayo sa'kin hanggang sa mawala ito.

Tumalikod ako mula sa mga taong papasok ng school at napatingin sa kalangitan. Diyos ko, ayaw ko naman po kayong sisihin sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Alam ko naman pong ako rin naman ang may kalanan ng lahat ng nangyayaring kabiguan sa buhay ko, kaya Diyos ko isa na lang po ang hihilingin ko sa inyo. Pagtibayin niyo pa po sana ang puso ko. Kayanin ko pa sana ang lahat.

Diyos ko bigyan niyo naman ako ng senyales. Dapat na ba akong sumuko? Dapat ko na bang itigil ang labang 'to? Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang isinisigaw ng puso ko na kailan man ay hindi pinakinggan ang pangalan isinisigaw nito?

Dapat ko pa ba siyang mahalin kung alam ko namang hindi niya ako kayang mahalin? Dapat pa ba akong umasa kung alam ko naman kung saan ako lulugar sa bandang huli?

Huminga ako ng malalim. Sinusubukan kong pigilan ang pagtulo ng luha ko, pero bago pa ito tuluyang tumulo napansin ko na lang na nakadagan na ang ulo ko sa dibdib ng kung sino. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino siya, pamilyar naman kasi ang amoy niya sa'kin.

“Diana.” At alam kong tama ang hinala ko nang marinig ko na ang boses niya. Bakit ba palagi na lang siya ang nandito sa tuwing binibigo ako ni Ash. “Shh... please stop crying Di.”

“Ang sakit Louie. Wala siyang karapatang putulin ang pagkakaibigan namin. Handa naman akong mahalin siya kahit 'di niya ito suklian e, kaya wala siyang karapatan tanggalin 'yung bagay na tanging pinanghahawakan ko.”

“Shh... Diana, tama lang 'yung ginawa niya. He don't deserve you. Do you know why did I break up with you before going to States? Because I think you deserve someone better. Someone that would love you more than I do. Someone that will not leave you like I did. Hindi 'yung taong pahahabulin ka at pagmumukhain kang tanga. Tigilan mo na ang katangahang 'to Di. Please.” Napatingin ako kay Louie. Ngayon ko lang narinig ang paliwanag niya na matagal ko nang hinihingi. Sana noon pa niya sinabi. Sana hindi niya ako iniwan nang walang paliwanag.

“Di, kung ganito lang din binabawi ko na 'yung desisyong 'yon sa buhay ko. If you'll give me a second chance, I'll promise you that I will love you to the fullest, and I'll never leave you hanging again.”

Muli, isang titig lang ang binigay ko kay Louie. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Gulong-gulo ang utak ko sa ngayon, at ayaw kong gumawa ng desisyon.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon