CHAPTER 10: Miss Movin' On

94 8 2
                                    

CHAPTER 10:

Miss Movin' On

Matapos kong ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko kay Louie, pakiramdam ko na-drain ako. Kung may magtatanong sa'kin kung masakit ba o kaya kung ano ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam ang isasagot ko. Wala akong nararamdaman. Parang nablanko ang puso't isip ko. Para bang hindi na 'to gumagana.

Nakatitig ako sa gate ng school. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi maalis ang mata ko sa pagtitig doon. Hindi ko naman masabing hinihintay kong lumabas si Ash dahil sa mga oras na 'to ay ayaw ko siyang makita.

Isang babae ang pumukaw ng atensyon ko. Naglalakad siya papunta sa gate habang hawak ang cellphone niya na para bang may katext siya sa mga oras na 'to. May suot siyang ngiti na para bang wala siyang pinoproblema sa buhay niya.

'Yung babaeng 'yon. Ano bang meron sa kaniya na wala ako? Ano bang ginawa niya para kay Ash na hindi ko kayang gawin? Gaano kabigat ba ang pagmamahal niya sa taong mahal ko na hindi ko kayang pantayan?

'Yung babaeng 'yon. Siya 'yung babaeng dahilan kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Ash. Siya 'yung dahilan sa likod ng miserable kong buhay pag-ibig. Siya 'yung mahal ni Ash na kahit bawal ay ipinaglalaban niya.

'Yung babaeng 'yon ay si Georgia. Minsan inisip ko sana ako na lang ang nasa katayuan niya. Mahirap man itago ang relasyon namin ni Ash, magiging masaya pa rin ako dahil mahal niya ako. Minsan ko na ring ipinagdasal na sana wala na lang siya sa mundo, na sana hindi na lang siya nag-exist para wala akong karibal. At minsan ko na ring sinubukang saktan siya, para subukin ang pagmamahal niya para kay Ash at patunayang mas matimbang ang pagmamahal ko para dito.

Sa huli hindi naman ako nagtagumpay. Kailanman ay hindi ako magiging si Georgia. Hindi siya mawawala sa mundo tulad ng ipinagdarasal ko, at hindi ko kayang masukat ang pagmamahal niya para kay Ash.

“Diana.” Napalingon ako sa pagtawag ni Louie sa'kin. Kasama ko nga pala siya at muntik ko nang makalimutan. “Hindi malamig 'yang frapp mo, hindi mo pa naiinom,” sabi niya at tinuro pa ang frapp na nasa harapan ko. Hindi ko siya sinagot at inimon ko na lang 'yung frapp ko, para wala na siyang masabi.

“Still thinking about him huh?” Napaangat ang tingin ko kay Louie, pero agad ko rin naman itong iniwas. Nahihiya na ako sa kaniya, dapat hindi siya ang nakakakita sa'kin ng nasa ganitong sitwasyon. Dapat hindi niya ako nakikitang mahina, pagkatapos niya akong iwan noon dapat maipakita kong malakas ako ngayon at hindi ko na siya kailangan. Pero ano nga bang magagawa ko sa mapaglarong tadhana?

Wala ako sa mood magsalita para kausapin siya kaya tumngin na lang ako ulit sa labas ng coffee shop, sa gate ng school. Nando'n pa rin si Georgia, pero hindi na siya nag-iisa. Kasama na niya ngayon si Ash, nakangiti sila pareho habang nag-uusap.

Pinagmasdan ko lang sila. 'Yung mga tingin at ngiti ni Ash, halatang may iba rito. Ang mga tingin at ngiting 'yon, ni minsan ay hindi pa niya naibibigay sa'kin.

Napadako naman ang tingin ko kay Georgia, gano'n rin ang tingin at ngiting ibinibigay niya kay Ash. Malayo man ako sa kanila, kitang-kita ko sa kanila na mahal nila ang isa't isa. Hindi ko tuloy maiwasang 'di mainggit.

Sa nakikita ko, mas naging desido ako. Siguro nga kahit masakit mas mabuti na munang putulin muna ni Ash ang friendship namin para hindi na ako umasa. Siguro nga kailangan ko nang mag-move on at tigilan lahat ng kahibangan ko.

Hindi ang sitwasyong 'to sa buhay ko ang makakapagpabagsak sa'kin. Kailangan kong tumayo tulad ng ginawa ko noong iniwan ako ni Louie. Kailangan kong maging mas malakas.

Kailangan kong magbago para hindi ako magmukhang talunan. Hindi na ako magiging mahina ulit. Hindi ko na hahabulin si Ash dahil malinaw na sa'kin ang lahat. Ayoko nang balikan ang mahinang si ako pagkatapos ng araw na 'to.

“What do you think Diana?” Nagtataka kong nilingon si Louie. Kinakausap niya pala ako, bakit hindi ko napansin?

Umiling ako para matanggal ang mga bagay na gumugulo sa utak ko, bago ko siya sinagot. “Ano nga ulit 'yon Louie? Sorry, I wasn't listening a while ago.”

Nakita ko namang nagbuntong hininga muna siya bago siya muling nagsalita. “I'm asking you if you wanted to take a break, sa work? Mukha kasing sobrang stressed ka these past few days. Baka mas okay na magpahinga ka na lang muna.”

“No! Ayoko Louie. Mahal ko ang trabaho ko. Okay nga 'yon e magiging busy ako at least hindi ko kailangang alalahanin lahat ng problema ko.”

“Okay,” matipid niyang sagot. Ininom na niyang muli 'yung kape niya habang ako naman, hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya.

Bigla kong naalala 'yung sinabi niya kanina na hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon. Second chance? Pagkakatiwalaan ko ba siya ulit? Bibigyan ko ba siya ng second chance para patunayan sa'king nagsisisi siya sa pagkakamaling nagawa niya?

Pero hindi ko na siya mahal. Kapag pumayag ako, lalabas na gagawin ko lang siyang panakip butas. Mahal ko pa si Ash at hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin. Oo, kakalimutan ko na siya, pero ayoko namang gumamit ng tao para do'n. Ayokong madamay sa mga sakit na dinadala ko dito sa puso ko si Louie. Kahit papaano naman ay naging mahalaga din siyang parte ng buhay ko kaya hindi ko siya kayang saktan.

“Louie,” tawag ko sa kaniya. “Tungkol sa sinabi mo kanina. I don't think na kaya kitang bigyan ng second chance. We don't deserve each other kaya mas mabuti siguro kung magiging magkaibigan na lang muna tayo. Kung ayaw mo pwede namang simpleng boss-employee relationship lang. Siguro naman kakayanin kong mag-move on mag-isa.”

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. “Thank you Louie.” Binigyan ko siya ng isang tingin at isang ngiti bago sumulyap sa labas. Wala na si Ash at Georgia sa labas ng gate. Umalis na ako sa coffee shop nang hindi binalikan ng tingin si Louie.

Kaya mo 'to Diana. Kakayanin mo 'to.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon