CHAPTER 6: Sorry

138 11 13
                                    

CHAPTER 6:

Sorry

Matapos akong pakalmahin ni Louie ay umalis na rin siya. May iba pa raw kasi siyang dapat na asikasuhin. Hinayaan ko naman siya dahil hindi ko naman siya kailangan in the first place. Nagkataon lang na nandito siya kanina kaya ginamit ko na siya para paglabasan ng sama ng loob. 'Yon lang 'yon kaya ako pumayag na yakapin niya ako at yakapin ko siyang pabalik.

Hindi ako makakapayag na maputol ang pagkakaibigan namin ni Ash, kaya naman hindi ako tumigil sa pag-iisip ng paraan para tanggapin niya na ang sorry ko. At nang makaisip na ako, hindi na ako nagsayang pa ng oras. Inayos ko na ang sarili ko at umalis na ng condo.

Kaagad akong pumara ng taxi, at nagpahatid ako sa bahay nila Ash. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Alam kong masasaktan ako dito, pero wala na akong pakialam maibalik lang ang friendship namin ni Ash. Maibalik lang 'yung tanging pag-asa ko.

“Mam, nandito na po tayo.” Bumalik ako sa sarili kong ulirat nang magsalita ang driver. Tiningnan ko ang paligid at nandito na nga kami. Nagbayad na ako bago ako bumaba.

Nagdadalawang isip man ako, kung pipindutin ko ba 'yung doorbell o hindi ay pinindot ko pa rin. Wala nang atrasan 'to. Hinintay ko ang pagbukas ng gate nila, at hinihiling na sana hindi si Ash ang magbukas ng gate. Baka kasi pangunahan lang siya ng galit at palayasin lang niya ako ng pamamahay niya hindi pa man ako nakakapasok, pero sadyang hindi ako malakas kay Lord.

Kita ko ang panlilisik ng mga mata ni Ash nang tingnan niya ako, at bago pa niya ako palayasin ay humakbang na ako papasok. “Anong ginagawa mo dito? Ayoko na ngang marinig ang boses mo, nagpakita ka pa talaga dito?”

Nginitian ko si Ash na para bang hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya. “Hindi naman ikaw ang main reason ng pagpunta ko dito Ash. Mamaya na tayo mag-usap. Mamaya mo na ako pasalamatan.”

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at nakasalubong ko si Tito Hernan, ang biological father ni Georgia na step-father naman ni Ash.

“O hija ikaw pala. Si Ash ba ang ipinunta mo dito? May date ba kayo at ikaw pa ang sumundo sa kaniya?” Ang galing naman ni Ash, napapaniwala niya talaga ang mga magulang niyang may relasyon kami ha? Paano na lang kaya kapag nalaman nila ang katotohanan?

“Nako hindi po Tito, si Georgia po ang ipinunta ko dito. Namiss ko lang po ang girl talk namin.” And then I realized na ang galing ko rin palang mapaniwala silang close kami ni Georgia.

“Gano'n ba? Nasa kwarto si Georgia puntahan mo na lang siya do'n hija.” Nginitian ko lang si Tito at pumanik na ako sa taas. Nang mapunta ako sa tapat ng kwarto ni Georgia, kinatok ko ito.

Inaasahan ko na ang gulat sa mukha niya sa pagbukas niya ng pinto. Binigyan ko lang siya ng isang matamis, pero pekeng ngiti at pumasok na sa loob.

“Anong kailangan mo sa'kin? Magpapasalamat ka ba dahil tinitiis ko si Ash, at mas madali na siyang mapapasa'yo? O magmamakaawa kang bilisan ko na ang pakikipag-hiwalay sa kaniya para malaya ka nang halikan siya?” Pwede bang both? Mabuti na lang at alam niya ang totoo kong nararamdaman, at least 'di ko na ito kailangan pang sabihin sa kaniya.

“Of course not, Georgia. Hindi naman ako mag-aaksaya ng oras sa pagpunta dito para sabihin sa'yo ang bagay na alam kong alam mo na. Nagpunta ako dito para sabihin sa'yong... I'm sorry. Sorry na okay? Alam mo namang gusto ko kayong sirain kaya ko nasabi ang lahat ng 'yon e, but at the end of the day nasira ko man kayo ako pa rin ang pinakatalo. Ako pa rin 'yung nasaktan. Georgia, I hate to say this, pero please lang ayusin niyo na ang relasyon niyo ni Ash. Alam ko namang mahal niyo ang isa't isa at pareho kayong nasasaktan dahil d'yan sa kaartehan mo.”

Nagpalitan kami ng tingin ni Georgia, kung kanina ay pagkainis ang nakikita ko sa mata niya ngayon ay alam kong masaya siya. Alam kong alam niya na tama ang lahat ng sinabi ko. “Thank you,” sabi niya sa'kin.

“'Wag mo akong pasalamatan. Hindi ko naman ito ginagawa para sa inyo e. Ginagawa ko ito para sa'kin. Para sa friendship namin ni Ash. Para sa pag-asa ko. Hindi porke gusto kong ayusin niyo ang relasyon niyo hindi na ako manggugulo. Tandaan mo Georgia, para akong pating... laging naka-abang lang para mangagat. Hindi ibig sabihin na pinag-aayos ko kayo ay tinatanggap ko na ang pagkatalo ko, this is what you call investment. Balang araw, malay mo lumago 'tong investment ko.” Hindi na siya sumagot pa. Dapat lang na malaman niyang nandito ako bilang karibal niya, at hindi bilang anghel na taga-salba ng relasyon nila. Ginagawa ko lang naman 'to dahil ayaw kong masaktan si Ash, 'di bale nang ako na lang.

Hinawakan ko na ang doorknob ng kwarto, para lumabas nang naalala kong may nakalimutan pa akong sabihin. “Georgia, no'ng hinalikan ako ni Ash. Pangalan mo pa rin ang binanggit niya no'n.” And that was my last card. Binuksan ko na ang pinto and to my surprise naka-abang doon si Ash.

Hinila niya ako nang wala man lang pasabi at dinala niya ako sa garden ng bahay nila. “At para saan naman 'yon Diana?” Tanga ba siya? Hindi ba niya alam na para sa kaniya lahat ng ginagawa ko?

“Tinatama ko lang 'yung pagkakamaling nagawa ko Ash. 'Yun lang wala nang iba. Baka kasi sabihin mo pa sa'king wala naman akong magagawa e. Gusto ko lang namang malaman mo na sincere ako sa sa paghingi ko ng tawad. Na nagsisisi talaga ako dahil nasaktan kita.” Hindi siya nakasagot sa mga sinabi ko. Hindi pa rin ba niya ako papatawarin?

“Ash, I'm sorry. Please naman patawarin mo na ako. Sorry na kung hindi ko natupad 'yung pangako ko sa'yong hindi ako magcau-cause ng away niyo ni Georgia. Sorry na, please naman 'wag mong itapon ang friendship natin.”

“Diana... nagno-nose bleed ka. Ayos ka lang ba?” Gamit ang panyo ko, pinunasan ko ang dugong naramdaman kong tumutulo mula sa ilong ko. “Ang mabuti pa ihatid na kita sa condo mo.” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ihahatid niya ako, o malulungkot dahil hindi niya ako masagot.

Tinanong ko siya ulit kung okay na ba kami nang makarating kami sa condo ko, pero “We'll talk about us someday. Kailangan ko munang ayusin ang sa'min ni Georgia. Thank you Diana, alagaan mo ang sarili mo,” lang ang natanggap kong sagot.

Bwisit na nose bleed 'to naging dahilan pa ni Ash para takasan ang pagsagot sa tanong ko. Kailan naman kaya 'yung “someday” na 'yon?

[To be continue]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon