CHAPTER 2: Red

178 15 7
                                    

CHAPTER 2:

Red

“Miss Diana, ito na po lahat ng kailangan niyong documents. Mauna na po ako.” Tumango lang ako nang hindi tumitingin kay Nica, employee na under ko.

Hinilot ko ang sintido ko dahil kanina pa ito sumasakit. Kanina pa ako paulit-ulit na nag-iimbentaryo ng aming mga produkto, pero palagi na lang may mali. Naiinis na ako sa sarili ko kasi ngayon lang ako tumagal ng ganito sa pagresolba ng ganitong problema. Bukas, hihingin na ng boss namin 'to sa'kin at tiyak na pagagalitan na naman ako no'n kapag 'di ko pa 'to naayos kaagad.

Huminga ako ng malalim, at tinapik-tapik ang mukha ko. “Antok lang 'to,” bulong ko sa sarili. Inumpisahan kong muli ang ginagawa ko, mas mabagal at masinsin kaysa sa una, nang biglang pumasok sa opisina ko si Lorraine.

Naglapag siya ng isang basong kape sa mesa ko. “O ayan, kape. Hindi mo talaga mahahanap ang mali kapag hindi gising ang diwa mo.” Tiningnan ko siya na para bang nagtataka kung saan niya nakuha ang linyang 'yon. “What?! Totoo naman 'di ba? Parang ganito lang 'yan e. Hindi mo marerealize 'yung mali mo, habang hindi ka pa gising sa katotohanan.” Alam ko namang may ibang kahulugan ang sinasabi niya, pero nagkibit balikat na lang ako.

Ininom ko na lang ang kapeng dinala niya at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Hinayaan ko lang siyang umupo sa maliit na sofa sa loob ng opisina ko at maglaro sa cellphone niya.

Makalipas naman ang ilang minuto ang natapos na rin ako. Sa wakas, okay na ang inventory. At least makakahinga na ako ng maluwag. Tiningnan ko si Lorraine na binigyan naman ako ng kakaibang tingin.

“Okay ka lang ba Diana? Grabe! Napaka-busy mong tao. Imagine, you're only twenty years old! Tapos manager ka na ng isang sikat na food chain. Well, isang branch pa lang sa ngayon, pero ano ka na lang sa future? Friend 'di kaya malosyang ka kaagad niyan?” pang-ookray ni Lorraine sa'kin. Minsan talaga napaka-non sense kausap nito, pero napapangiti naman niya ako palagi.

“Hay nako! Papayag ba akong malosyang kaagad? Paano ko na lang makukuha si Ash kung pababayaan ko ang sarili ko? Para na rin akong sumuko no'n 'no?!” mataray kong tugon sa kanya.

“'Yon lang. Sumablay sa love life! Successful na tao nga, na-inlove naman sa lalaking hanggang ngayon nasa kolehiyo pa, dahil stucked sa thesis niya. Ang malupit pa, may mahal na iba which is step sister niya. Ang saklap---” Hindi niya na naituloy pa ang sinasabi niya dahil tinapunan ko siya ng masamang tingin. “Este ang sarap dear!”

“Ayus-ayusin mo 'yang mga sinasabi mo Lorraine ha. Makakatikim ka talaga sa'kin, nako!” Ano bang masama kung estudyante pa lang si Ash? Malapit na naman siyang grumaduate, dahil thesis na lang naman ang inaasikaso niya. Besides, pareho naman kami ng edad, sadyang nauna lang akong grumaduate. “By the way, speaking of Ash may victory party nga pala sila bukas sa school, at wala pa akong isusuot.”

Tiningnan muna ako ni Lorraine na para bang nag-isip siya bago niya ako kinausap. “And so? Pupunta ka? Invited ka ba?”

“Of course! Alumni naman ako sa university na 'yon, kaya invited ako. 'Wag ka nang kumontra pwede? Halika na at samahan mo na lang akong bumili ng isusuot ko.” Hindi na siya nakaangal dahil hinila ko siya kaagad. Alas-sais na naman at pwede na akong umalis ng office. Nandito pa naman ang assistant manager e.

Wala pa isang oras ay nakarating na kami sa mall. Hindi na ako nagsayang ng oras at dumeretso na kami kaagad ni Lorraine sa department store.

“Diana,” tawag sa'kin ni Lorraine dahilan kaya ako napalingon sa kaniya habang namimili ako ng dress sa rack. “Mahal mo talaga si Ash 'no?” Ano naman ang nakain nito? Parang kanina lang nagproprotesta siya tungkol sa pagmamahal ko kay Ash, ngayon naman parang sang-ayon na siya.

“Ngayon mo lang narealize?”

“Medyo. Hindi ka ba marunong masaktan Diana?” Marunong, pero immune na ako e. “Ano bang pakiramdam na minamahal mo si Ash? Bakit hindi mo siya kayang bitiwan?”

Ano nga bang pakiramdam? “Masarap.” Sobrang masarap siyang mahalin. Madali lang kasing mahalin si Ash, mabait siya tapos maalalahanin, at masiyahin. 'Yung tipong parang wala siyang kaproble-problema sa buhay. Lagi kasi siyang good vives, at 'yon ang virus niya sa mga tao. Hindi mo kaya mabadtrip kapag kasama mo siya.

“'Yon lang? Masarap lang? Oh well, paano ka ba nafall kay Ash? Kasi alam mo, una pa lang dapat pinigilan mo na 'yang feelings mo e. Simula't sapul kasi, alam naman na natin ang relasyon nila ng step sister niya.”

“Sinubukan ko naman e.” Sinubukan ko naman e, kaso para akong napunta sa dead end na kalye, na walang ibang daan para likuan. Sinubukan ko namang pigilan ang sarili ko para mahulog sa kaniya, pero para siyang gravity na kahit kumapit ka pa kung saan, hindi mo rin kakayanin at mahuhulog at mahuhulog ka. “Kaso hindi ko kinaya.”

“Hindi ka ba napapagod? Ayaw mo bang pakawalan na lang siya?” No way! Hindi ko kakayanin. Hindi ko maimagine ang sarili kong kinalimutan na si Ash, at mas lalo namang hindi ko kayang kalimutan siya. Pakawalan? Paano ko pakakawalan ang taong ni minsan hindi naman nagin sa'kin?

Si Ash lang ang gusto ko. Hindi ko man alam kung saan hahantong ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko man alam kung hanggang kailan ko kayang lumaban, para makuha ko siya. Isa lang ang panigurado, lalaban ako hanggat buhay pa ako.

Umiling lang ako bilang pagsagot sa tanong ni Lorraine. “Hindi ka naman ba nagsisisi na siya ang minahal mo? E ang dami-dami namang lalaki sa mundo?”

“Minsan lang.” Totoo. Minsan nagsisisi na rin ako. Minsan naiinis ako sa sarili ko na bakit siya pa? Bakit sa tao pang may mahal nang iba tumibok 'tong puso ko, pero wala na naman akong magagawa do'n e. Sadyang mapaglaro si kupido.

“Ano ba 'yang mga tinatanong mo Lorraine?! Ang weirdo mo ngayon a.” Bumalik na lang ako sa pamimili ng damit. Parang ewan kasi 'yung mga tanong ni Lorraine e. 'Di ko tuloy maiwasang malungkot.

“Sorry naman. Curious lang naman ako sa nararamdaman mo at tumatakbo diyan sa utak mo Diana. O ito, maganda 'tong red dress isukat mo.” Kinuha ko 'yung sinasabi niyang red dress at dumeretso na lang sa fitting room. Tinulungan niya pa talaga akong mamili ng damit? Dati naman hinahayaan lang niya ako. Napailing na lang ako, at nagkibit balikat. Weird.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon