CHAPTER 4: Battlefield

139 15 7
                                    

CHAPTER 4:

Battlefield

Minsan ang swerte ng araw ko, minsan naman wala lang, pero minsan naman sadyang minamalas, tulad na lang ngayon. Sa lahat naman ng pwedeng area manager na umalis ay 'yung area manager pa namin. At sa lahat naman ng pwedeng pumalit ay si Louie pa.

Nandito siya sa opisina ko ngayon at dito niya tinitingnan ang mga dokyumentong ipinasa ko sa kanya. Hindi ko alam kung plinano niya 'to o hindi, pero isa lang ang alam ko, na gusto niya ang mga nangyayari. Kung paano ko nasabi? Kanina pa kasi hindi maalis ang ngiti niya.

“So,” sabi niya kasabay ng pagtayo niya sa upuan. Mabuti naman at natapos na siya sa ginagawa niya. “Mukhang okay naman ang inventory wala naman akong nakitang mali or anything. Here,” dugtong niya pagkatapos ay may inabot siya sa'king flashdrive.

“Anong gagawin ko dito?” walang galang kong tanong. Hindi ko naman kasi talaga alam kung para saan 'yung flashdrive.

Binigyan niya muna ako ng nakakalokong ngiti bago niya ako sinagot. “Miss Garcia, aren't you suppose to respect me? Baka nakakalimutan mo na boss mo ako at office hours ngayon.” At talagang binigyang diin pa niya na boss ko siya ha?

“Isave mo ang soft copy ng file na 'to sa flashdrive ko. Kung 'yung dating area manager niyo once a month lang hinihingi ang files na 'yan, ngayon ay three times a week niyo na 'yang ibibigay sa'kin.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, pero ginawa ko na lang din. Boss ko siya e, anong magagawa ko?

“Teka, wala ka bang email? Este, wala po ba kayong email sir?” Kaagad niya akong sinagot ng, “Wala” pero imposibleng wala siyang email. Ang sabihin niya, may iba siyang pakay. Kung hindi ko lang siya boss ngayon malamang kanina ko pa 'to nasigawan e.

Sinave ko na 'yung soft copy at binalik na sa kaniya 'yung flash drive. Palabas na siya ng office ko nang lingunin niya akong muli. “Miss Garcia, ganyan ba talaga ang office clothes mo? Isn't it too daring? Is that allowed?” Napakagat na lang ako ng labi, para pigilan ang inis ko. Pati ba naman suot ko papansinin niya? Ngayon lang naman 'to dahil didiretso na ako ng victory party after work.

“Yes sir,” tipid kong sagot.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa, bago umalis na iniwan ang mga salitang; “Then as your boss, I don't allow it anymore.”

Okay. Fine. Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga sinabi ni Louie. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong malapit nang mag-five o'clock. Five thirty 'yung party at kailangan nandoon ako sa oras na ipakilala ang basketball team. Kailangan ay ako 'yung unang sisigaw sa oras na tawagin ang pangalan ni Ash.

Nag-retouch na ako ng make-up, at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Lumabas na ako kaagad at pumara ng taxi.

. . .

Pinapaingayan ng rock musics ang buong paligid ng campus. Nandito kami ni Ash nasa iisang table sa sulok ng gym. Kanina pa siya umiinom, kaya ngayon ay lasing na lasing na siya.

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon