CHAPTER 3: I Don't Wanna Love Somebody Else

141 17 7
                                    

CHAPTER 3:

I Don't Wanna Love Somebody Else

Alas-otso na rin nang matapos kaming magshopping ni Lorraine, kaya napagpasyahan naming sa mall na kumain. Siya na ang namili ng restaurant dahil treat na daw niya, bagong sweldo kasi.

As usual kapag siya ang pipili ng kakainan namin, doon kami sa sulit. Sa Barrio Fiesta kami napunta, mura daw kasi at eat all you can pa. Hindi na ako nagreklamo, hindi naman kasi ako maarte sa pagkain.

“Shocks!” mahina kong sigaw nang maalalang may nakalimutan pala akong bilhin. Napatingin naman sa'kin si Lorraine, at nagtaka, pero patuloy pa rin siya sa pagkain niya. “Nakalimuutan kong bumili ng regalo!”

“Regalo? Para kanino?”

“Malamang para kay Ash! Para sa kanila 'yung victory party bukas, nag-champion kasi ang basketball team nila sa league. Player si Ash ng senior basketball team kaya syempre dapat may gift ako!” Bakit ba naman sa lahat ng pwedeng kalimutan ay 'yung regalo pa? Napakamot na lang ako sa ulo ko.

“E anong gusto mong gawin natin? Magsasara na kaya ang department store, Diana.” Tumayo na ako kahit nangangalahati pa lang 'yung pagkain ko. May thirty minutes pa bago mag-nine o'clock hindi pa sarado ang department store. “Hoy Diana! Teka naman!”

Lumabas ako ng restaurant at nagmadaling maglakad papunta ng dept store nang may makabangga akong lalaki. Napatingin ako sa kaniya at nagulat nang makita ko siyang muli. “Louie?”

“Diana?!” sigaw niya at pagkatapos ay niyakap pa ako. Tinulak ko naman siya kaagad. Ang kapal ng mukha kung makayakap akala mo magkaibigan kami. “I'm sorry. I was just surprised to see you here. It's been a long time, I missed you!” Napataas na lang ako ng kilay sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko talaga matake e.

“He-he. Nakakatawa 'yung joke mo, Louie.” Nagtangka akong lumayo sa kanya, pero hinarangan niya ako. Lumingon-lingon ako para humanap ng taong pwedeng tumulong sa'kin at sakto namang nakita ko si Lorraine na tumatakbo papunta dito.

“Lorraine! Halika na bilis, baka magsara na ang dept store. Bilis!” Hinila ko na siya at matagumpay naman akong nakaalis sa harap ni Louie, kaso hinila naman niya ako sa braso.

“Hey Diana, can we have a talk? Just for a while.” No. Hindi ako nakikipag-usap sa mga taong dapat binabaon na sa past. Gusto ko sanang sabihin ang lamat ng isipan ko, pero pinili ko pa ring magpakapolite.

“Louie sorry ha? Next time na lang kasi nagmamadali kami e.” Umalis na kami kaagad ni Lorraine matapos kong sagutin si Louie. Mabuti naman at hindi na siya nangulit pa.

Habang nagbabayad sa cashier ay napansin kong pabalik-balik ang tingin sa'kin ni Lorraine. “Ex ko siya okay?” Alam ko namang kanina pa siyang kating-kati magtanong, kaya sinabi ko na sa kanya kaagad. “Childhood sweethearts kami. Naging kami no'ng second year high school hanggang fourth year, kaso nakipagbreak siya sa'kin dahil magmi-migrate daw sila at hindi niya kaya ang long distance relationship. Okay na?” Alam ko ring maraming gustong itanong si Lorraine sa'min kaya inunahan ko siya ulit.

Tahimik lang na tumango si Lorraine at binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi ko alam. May minahal ka pa palang iba bukod kay Ash. Magandang sign 'yan!”

Binigyan ko siya ng tingin na may halong pagtataka bago tinanong ng, “Magandang sign? Para saan naman?”

“Sign na kaya mo pang magmahal ng iba bukod kay Ash! Malay mo kaya kayo pinagtagpo ng tadhana no'ng ex mo, kasi kayo talaga 'di ba?” Napailing na lang ako sa mga sinabi ni Lorraine, at naglakad na kami palabas ng mall. Alam ko namang malabong mangyari 'yung sinasabi niya dahil si Ash lang ang gusto ko at wala nang iba.

Oo, minahal ko si Louie noon, pero noon 'yon at iba ang noon sa ngayon. Si Ash lang ang mahal ko ngayon at siya lang ang mamahalin ko wala nang iba.

Nasa labas na kami ng mall ni Lorraine. Naghihintay ng masasakyan pauwi, kaso lahat ng jeep ay puno ng employee ng mall. Fifteen minutes na kaming nakatayo nang may tumigil na itim na Mitsubishi Gallant sa harap namin.

Hindi ko ito pinansin no'ng una hanggang sa bumaba na ang driver nito. Sabi na e, siya na naman. Si Louie. “Hey! Want a ride? Hatid ko na kayo, its already late delikado na sa daan.”

“Hindi na Louie, hindi naman nauubusan ng jeep e,” sabi ko sa kaniya at saka pinara 'yung jeep na nakita kong paparating, pero hindi ito tumigil.

“Diana, nilalangaw na tayo dito at isa pa nangangalay na ako kapapara sumakay na tayo please?” Si Lorraine talaga, ayaw makiride. Wala na akong nagawa dahil sumakay na siya sa likod ng kotse, kaya sumakay na rin ako.

“So, how are you?” pagsisimula ni Louie.

“I'm fine thank you,” walang gana kong sagot.

“Glad to know that. How's your love life?” Naubo ako sa tanong niya, samantalang narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Lorraine. “Still single huh?” Tumahimik na lang ako at hindi na sumagot. Ano bang pakialam niya? Gusto ko mang sabihing may mahal na akong iba, hindi ko na lang itinuloy. Baka pagtawanan lang niya ako kapag nalaman niyang naghahabol ako sa isang lalaki matapos niya akong iwan.

“I guess silent means yes, and a yes means that I can court you again right?” Nagulat ako sa sinabi niya, dahilan para mapalingon ako sa kanya ng wala sa oras.

“Ang kapal din naman ng mukha mo 'no? Pagkatapos mo akong iwan noon babalik ka na para bang walang nangyari? For your information, may mahal na akong iba at kahit kailan hindi na kita mamahalin ulit dahil siya lang ang mamahalin ko habambuhay. Okay? Itabi mo 'yung kotse, bababa na kami,” pagsigaw ko sa kanya. Hindi naman na siya naka-angal at itinabi na niya ang sasakyan. Kaagad naman kaming bumaba ni Lorraine.”

“Hey! Diana! I was just joking, I'm sorr---” Sinara ko na kaagad 'yong pinto para hindi ko na marinig 'yung sasabihin niya. Conceited masyado! Kainis.

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon