CHAPTER 15: Complicated

92 6 5
                                    

CHAPTER 15:

Complicated

Maaga kaming pumunta ng restaurant ni Ash. Gusto na kasi niyang magsimulang magtrabaho. Sabi pa niya, “Gusto ko na kasing makabayad ng upa dito sa condo mo, at ayaw na kitang abalahin pa sa mga expenses ko.” Wala naman akong balak pabayarin siya ng upa dahil malaki na ang babayaran niya sa electricity at water supply pero nagpumilit siya kaya hinayaan ko na lang para hindi ko naman maapakan ang pride niya.

Wala pang tao kaya minabuti kong turuan muna siya sa mga kung ano ang mga dapat niyang gawin. “Ash, in-assign kita as waiter ha? Alam ko kasing magaling ka namang humarap sa mga tao. 'Wag ka lang makikipag-away ha?” Natatawa lang siyang tumango. Nilibot ko siya sa buong lugar nang sa ganoon ay makabisado na niya ito at hindi na siya mahirapan sa oras na magbukas na kami.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Nica at mukhang nagulat pa siya dahil may kasama ako. Madalas kasi, sa office na niya ako nadadatnan. Ipinakilala ko si Ash kay Nica at inihabilin na ito sa kaniya. Hindi na ako nagsayang ng oras at pumasok na ako sa opisina ko. Marami pa kasi akong kailangang gawin dahil wala ako kahapon at no'ng isang araw.

Bubuksan ko na sana ang desktop nang bigla akong mapahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Heto na naman ang migraine ko. Umaatake na naman. Noong una, isinasantabi ko lang ang pagsakit ng ulo ko, pero habang tumatagal dumadalas na ito at mas sumasakit pa. Minsan hindi na ito tinatablan ng gamot na iniinom ko kaya sa tingin ko kailangan ko nang magpacheck up. Baka sakaling mabigyan ako ng gamot na makakabawas sa sakit ng ulo ko.

Habang nagpapahinga, pumasok si Ash sa opisina ko dala ang isang tasang kape. Tinanong ko siya kung bakit siya ang nagdala ng kape ko dahil si Nica dapat ang gumagawa noon at “Kasi gusto ko,” lang ang isinagot niya sa'kin. Napailing na lang ako nagpasalamat.

“Magbubukas na tayo in a few minutes ready ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

“Oo naman. Mababait pala ang crew dito 'no? I'm sure madali lang akong makaka-cope up,” sagot niya na may halong ngiti sa kaniyang mga labi. Magsasalita sana ako nang biglang bumakas ang pinto, kaya napunta ang atensyon namin sa babaeng papasok, si Lorraine.

“Hi! Diana,” bati niya sa'kin. Mataas ang tono ang boses niya sa una pero tila bigla itong naging monotone. Malamang, hindi niya lang ine-expect na makikita niya dito si Ash. Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ko pa siya nasasabihan tungkol dito.

Bago pa ako makasagot, una na siyang binati ni Ash. “Hi Lorraine, ikaw pala.”

“Oo, ako nga. Hi rin Ash, ikaw rin pala 'yan he-he.” Pinanlisikan ko ng mata si Lorraine sa pekeng tawang ibinigay niya kay Ash. Alam ko namang hindi niya gusto si Ash, pero sana naman 'wag niyang ipahalata sa tao.

Nagpaalam na si Ash sa'min at tumuloy na sa loob si Lorraine. Umupo siya favorite spot niya sa sofa at inilapag ang dala niyang paperbag sa center table. Hindi ko muna siya kinakausap at inuna ko muna ang pag-inom ng kape, at pain reliver na pantanggal sa sakit ng ulo ko.

“Ano 'yun? Parang isang linggo pa lang tayong 'di nagkikita ang dami nang happenings. Baka gusto mong magshare? Baka lang naman,” basag niya ng katahimikan.

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon