CHAPTER 13: Jar Of Hearts

98 9 4
                                    

CHAPTER 13:

Jar of Hearts

“Good morning gorgeous! Breakfast in bed!” 'Yon ang bungad sa'kin ni Louie pagmulat na pagmulat ko pa lang ng mga mata ko. Sa mahigit isang buwan niyang pag-gawa nito, hindi na ako naninibago. Hinahayaan ko lang rin ang lahat ng sweet gestures niya kahit na medyo hindi pa rin nawawala sa'kin 'yung pagkailang ko. Alam ko namang malaki ang respeto niya sa'kin kaya kung sa ganitong paraan niya mapapatunayang muli ang sarili niya, hindi ko na hinahadlangan.

Nararamdaman ko at nakikita kong sincere si Louie sa'kin, kaya hanggat maaari ay hindi ko siya hinahayaang ma-down. Isa pa, malaki ang natulong niya sa'kin. Simula nang maging nasa tabi ko siya palagi, hindi ko na gaanong iniisip si Ash at ang lahat ng sakit na naidulot niya sa'kin, pero hindi ibig sabihin no'n ay nagbago na ang feelings ko. Mahal ko pa rin si Ash, natuto lang akong maging mas matatag dahil kay Louie. Si Louie kasi ang nagpamukha na hindi pa katapusan ng mundo, at kayang-kaya ko pang bumangon.

“Thank you,” sambit ko at imbis na kumain muna ay tumayo ako para dumeretso ng banyo. Nakakahiya namang kumain nang hindi pa nagsisipilyo at naghihilamos. Bumalik rin ako kaagad ng kama at kinain na ang scrambled egg at pandesal na hinanda ni Louie.

Nang maubos ko 'yung kinakain ko, kinuha na ni Louie ang bag niya at naghanda na, na siyang ipinagtaka ko. Usually naman sabay kaming umaalis ng bahay, pero mukhang hindi ngayon. Tinanong ko si Louie kung may lakad siya, para makasigurado, at sinagot niya naman ako ng, “Ah, yes. I have a meeting to attend, see you later Di!” Tumango lang ako bilang pagsagot at hinayaan ko na siang mauna.

Niligpit ko na lang ang mga pinagkainan ko at nag-ready na rin para sa pagpasok ko ng opisina. Minsan nakakapanibago na kapag papasok akong mag-isa. Wala kasing dumadaldal sa'kin kaya nagiging mas tahimik ako sa byahe at nagpapakalunod na lang sa mga tugtuging umaandar mula sa earphones ko.

Malayo ang tingin ko sa labas ng bintana ng taxi, iniisip kung ano ba ang mga kailangan kong gawin nang maalala kong may nakalimutan pala akong dalhin. Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kapalpakan ko, bago ko sinabihan ang driver na ibalik ako sa condo ko.

Hindi na naman ako nagsayang pa ng oras dahil male-late na rin ako kaya 'pag hinto ng taxi ay bumaba na ako at nang malapit na ako sa condo ko ay kinalkal ko na kaagad ang susi sa loob ng bag ko. Sa oras ng paghangad ko at hawak ko na ang susing hinahanap, nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko sa mga oras na 'to na nasa harap ng pinto ng condo ko, nakaupo.

“Ash?” tawag ko rito. Napatayo siya, at nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa'kin. Ano bang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Imbis na matuwang nandito sa harap ko ngayon ang lalaking matagal kong pinangarap, ay kinakabahan ako dahil alam kong nandito dahil may nangyaring mali.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa'kin, binuksan ang condo ko at pumasok sa loob. “Pasok ka,” aya ko kay Ash. Hindi naman na siya umimik. Kinuha ko muna 'yung bagay na naiwan ko bago ko siya binalikan sa sala. Nakaupo siya sa sofa at tumabi naman ako sa kaniya.

“Anong problema Ash? Bakit ka napadpad sa condo ko? At isa pa, bakit amoy alak ka? Saan ka ba galing?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Tumingin muna siya sa'kin at kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Kita ko ring nag-aalangan siya sa kung ano man ang isasagot niya sa mga tanong ko at sa mga gagawin niyang desisyon.

Give Me Love [ON HOLD]Where stories live. Discover now