CHAPTER 11: Move On

107 11 4
                                    

CHAPTER 11:

Move On

Nagising ako dahil sa liwanag na pumasok sa bintana ng kwarto ko. Umaga na naman. Isang bagong araw na naman ang kailangan kong lagpasan.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng unan para magsend ng good morning text kay Ash gaya ng nakagawian ko. Isesend ko na sana ang text message nang maalala kong mali 'to, mali ang ginagawa ko. Dapat hindi ko na siya tinetext. Dapat hindi ko na siya inaalala.

Binalak kong burahin na lang ang number niya sa contacts ko, pero naisip kong baliwala naman 'yon dahil kabisado ko naman ang number ni Ash. Sa halip na burahin, pinalitan ko na lang ang pangalan niyang nakasave sa cellphone ko. Kung noon ay “Love” ngayon ay nakasave na ang pangalan niya bilang “Ash.”

Nag-ayos na ako bago ako pumasok sa trabaho. Dalawang araw na akong absent kaya malamang tambak na naman ang mga gawain ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras 'pag pasok ko sa opisina ko ay sinimulan ko na kaagad ang mga dapat kong gawin.

Hinanap ko kung saan nila nilagay ang mga papeles na kailangan ko pang itransfer sa computer ko, pero hindi ko ito makita kaya naman tinawag ko si Nica para tanungin kung nasaan ang mga naiwan kong trabaho.

“Ginawa na po 'ata ni Ash, Miss Diana,” sagot niya sa'kin na siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Sino si Ash? Sinong Ash ang tinutukoy niya? Si Ashton kaya? Para makasiguro ay tinanong ko na siya.

“Si Ashley po, I mean Miss Ashley. Siya na po ang bagong assistant manager, nagresign na po kasi si Miss Rhia no'ng umabsent kayo. Kay Sir Louie na po siya dumeretso since nandito po si Sir no'n, at si Sir Louie na rin po ang naghire kay Miss Ashley na nirecommend ni Miss Rhia.” Medyo nakakalito 'yung pagkwento ni Nica, pero naintindihan ko naman. Isa lang ang ibig sabihin nito. Wala ako masyadong gagawin ngayon.

Pinaalis ko na si Nica sa office at ginawa ko na lang ang mga kailangan kong gawin. Ilang oras pa lang ang nakalilipas, pero pakiramdam ko'y kalahating araw na ang nagdaan.

Sumandal ako para magpahinga. Gusto ko nang matapos ang araw na 'to kaya pakiramdam ko tuloy ang bagal ng pagtakbo ng oras. Pakiramdam ko kasi mauubusan na ako ng gagawin at kapag wala na akong pakakaabalahan – tulad na lang ngayon – maiisip ko lang si Ash.

Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta na kaya 'yung thesis niya? Malapit na namang matapos ang semester, sana makagraduate na siya. Nagawa kaya niya ng maayos ang lahat ngayon hindi na niya ako kinakausap? Noon kasi, palagi niya akong pinupuntaha, o 'di kaya'y tinatawagan kapag gusto niyang magpatulong sa thesis niya. Paano na lang ngayon? Kanino na siya humihingi ng tulong? Siguro kay Georgia.

Umiling ako para tanggalin si Ash sa utak ko. Siya na naman ang iniisip ko. Paano na lang ako makakapag-move on kung hindi ko siya kayang tanggalin sa utak ko?

Napadako ang tingin ko sa picture frame na nakalagay tabi ng monitor. Picture namin ni Ash na kuha pa noong first year college kami sa isang team building sa organization na pareho kaming kasali. Naka-akbay siya sa'kin at pareho kaming may suot na malapad na ngiti.

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon