CHAPTER 16: Big, White Room

88 5 7
                                    

CHAPTER 16:

Big, White Room

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puti ang pintura ng dingding, puti ang mga nakasabit na kurtina, puti ang kisame, puti ang tiles sa sahig, puti ang kumot ko pati na ang unan ko. Sa pagbangon ko, napatayo naman si Lorraine at Ash para alalayan ako. Sa itsura ng kwarto at ng mukha nila, walang duda, nasa ospital ako.

“Diana, ano bang nangyari sa'yo? Ano nang nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sa'yo?” sunod-sunod na tanong ni Lorraine sa'kin. Tiningnan ko muna siya at si Ash na mukhang naghihintay ng sagot. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa akong makitang nag-aalala si Ash para sa'kin. Alam kong hindi niya pa ako mahal ngayon pero may halaga rin pala ako sa kaniya kahit papaano.

Marahan akong umiling bago sumagot. “Medyo nahihilo na lang ako. Siguro stressed lang ako, dapat hindi niyo na ako dinala dito sa ospital. Pwede naman akong magpahinga sa bahay o kaya sa condo.”

“Pwede kung normal lang na hinihimatay ka Diana, pero ngayon lang naman 'to nangyari sa'yo kaya hindi pwedeng ipagpahinga lang, baka mamaya lumala pa ang sakit mo e.” Hindi na ako kumontra pa sa sermon ni Lorraine. Hindi rin naman ako mananalo at medyo masakit pa ang ulo ko para sa panibagong stress.

“Tama si Lorraine, Diana. Magpahinga ka na lang muna. Tatawag lang muna ako ng doktor para macheck ka na,” sabi ni Ash bago lumabas ng kwarto. Hindi naman madaldal si Ash, pero nakakapanibago ang katahimikan niya ngayon. Sana naman hindi niya sinisisi ang sarili niya dahil sa pakikipag-away kasy Louie.

Speaking of Louie, nasaan nga pala 'yon? Tinanong ko si Lorraine kung nasaan si Louie, at sinabi niyang may inasikaso lang daw ito sa opisina. Sinabi pa niyang papunta na raw si Louie dito dahil tinext na niya itong gising na ako. “Okay,” na lang ang naisagot ko.

Pahiga na sana ako ulit ng kama nang bigla namang pumasok ng kwarto sina Mama at Papa. Ilang segundo kaming napatigil habang nakikipagtitigan sa isa't isa. I missed them. Ang tagal ko rin silang hindi nakita. Simula kasi noong magkatrabaho ako, naging indipendent na ako. Binili nila ako ng condo at doon, namuhay na akong mag-isa. Dati, weekly naman akong bumibisita sa bahay, sa kanila, pero lately hindi na ako nakakabisita dahil naging busy. Isa pa, ayaw kong makita nila akong broken hearted from Ash.

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Mama at Papa sa'kin at gano'n din naman ako. Kung pwede nga lang na hindi bumitaw, gagawin ko. Pero kaagad ding nakalas ang yakapan namin nang pumasok na si Ash kasama ang doktor na sinundan naman ni Louie.

“Doc, may sakit po ba ang anak ko? Bakit po siya passed out?” nag-aalalang tanong ni Mama sa kakapasok pa lang na doktor.

“Hindi pa po namin masasabi sa ngayon ma'am. Dahil ngayon lang po nagising ang anak niyo, ngayon pa lang po namin icoconduct ang ibang tests.” Tumango naman si Mama para ipakitang naiintindihan niya ang sinabi ng doktor.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Doc pagkalapit niya sa'kin na kaagad ko namang sinagot ng, “Okay naman na po.”

“Good to hear that. Ngayon, may mga itatanong kami sa'yo, and you need to answer us honestly para malaman natin ang sakit mo, at para mabigyan ka namin ng tamang gamot,” dagdag pa niya na sinagot ko naman ng, “Okay po.”

“Masakit ba ang ulo mo kanina bago ka nag-passed out?” Ang weird ng pakiramdam ko. Parang kinakabahan ako sumagot ng “oo” sa tanong ng doktor, pero sabi nga niya kailangan kong maging honest. Mas nakakatakot naman kung ipapahamak ko ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling.

“Madalas ba ang pagsakit ng ulo mo? Gaano na katagal?” Normal lang naman sa tao ang sumakit ang ulo, pero lately kasi dumadalas ang pagsakit ng ulo ko kahit na hindi naman ako stressed at hindi naman ako kulang sa tulog.

“Nasusuka ka ba? O naduduwal paminsan?” Oo, ang sagot ko. Hindi ba't normal lang din na nasusuka ka kapag nakakaramdam ka ng pagkahilo? Kaya naman isinantabi ko lang 'yon.

“Nakakaramdam ka ba ng problema sa paningin at pandinig mo?” Sa tanong na 'to ng doktor, mas lalo akong kinabahan. Bakit ba ganito ang tanong nila sa'kin? Hindi ba sobrang random naman 'ata? Para bang alam na nila ang sakit ko pero hindi pa lang nila masabi dahil kailangan muna nilang makasiguro.

“Okay. Thank you Ms. Diana, I suggest na magstay ka pa dito overnight para ma-monitor ka pa namin. Hanggang sa lumabas lang 'yung results sa gagawin naming tests sa'yo. Then kapag okay na, tsaka ka namin idi-discharge,” bilin ng doktor bago lumabas ng kwarto.

Kaagad akong nilapitan ni Mama at hinawakan pa niya ang kamay ko. “Ano ka ba naman Diana, pinapabayaan mo na ba ang sarili mo ngayon? Nako, 'wag mong sisirain ang tiwala namin ng papa mo sa'yo ha?” sabi niya.

Lumapit na rin si Papa sa'kin at hinawakan naman ang kabila kong kamay. “Kung bumalik ka na kaya sa bahay 'nak? Hindi naman malayo ang work mo do'n. Pwedeng ibenta o kaya iparenta natin ang condo mo tapos bumili na lang tayo ng sasakyan para hindi ka na mamasahe.” Hindi ko pa nga pala nasasabi kina Mama at Papa ang plano kong paglipat sa bahay nila, at pagpapaupa sa condo. Tumahimik na lang muna ako, pati na sina Louie, Ash at Lorraine, tsaka ko na lang siguro sasabihin 'pag labas ko dito sa ospital.

Lumipas ang buong magdamag. Si Mama at Papa ang nagbantay sa'kin buong gabi, at bumalik lang sina Louie, Ash, at Lorraine noong umaga para bumisita. Malapit na rin naman akong i-discharge kaya bakit kailangan kumpleto pa sila ngayon sa kwarto ko?

Hinayaan ko na lang sila dahil alam ko namang hindi ko rin naman sila mapapaalis. Magtatanghali na nang bumalik ang doktor, dala ang resulta. Excited ko pang sinabi na, “Okay na po ba ako Doc? Makakalabas na ba ako ngayon?”

“I'm sorry Ms. Diana, kailangan mo pang magstay dito sa ospital for further observations. Ayon kasi sa resulta ng tests na ginawa sa'yo, posibleng may brain tumor ka.” Brain tumor? No way. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko, lahat sila nakatingin sa'kin, gulat sa sinabi ng doktor at ang mga mata nila ay nagpapakita ng pag-aalala. Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa ako sa eksena. Hindi kasi ito ang tipikal na nangyayari sa mga nababasa at napapanood ko. Ni wala man lang akong chance para itago 'yung nalaman ko sa kanila.

Ine-expect ko naman na may sakit ako, dahil hindi ko naman pwedeng kumbinsihin ang sarili ko na wala dahil ramdam ko naman 'yon, pero hindi sumagi sa isipan ko na magiging ganito kalala. Baka naman nagkakamali lang sila. Hindi ako pwedeng magkasakit. Paano na lang ang mga pangarap ko?

[To be continued]

Give Me Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon