"Love You Like Crazy"

301 4 0
                                    


Heto na naman ako
Umaasa sa pagmamahal mo
Puso ko'y hindi na yata natuto
Sadyang tanga kakasunod sa 'yong anino.

Sabi nga nila, baliw na kung baliw
Ang mahalaga'y puso ko'y aliw na aliw
Makita ko lamang ang iyong mukhang nakakagigil
Takbo ng aking isipa'y hindi ko na mapigil.

Walang araw na hindi kita iniisip
Sa gabi lagi kang sumasagi sa 'king panaginip
Hindi ko na malaman kung tama pa ba ito
Pag-ibig nga nama'y nakakaguho ng mundo.

Pilit man kitang kalimutan ngunit di ko mapigilan
Gusto ko ng ibaon sa lupa itong ang aking nararamdaman
Ngunit pilit namang bumabangon at lumalaban
Umaasa na balang araw ika'y mayakap at mahagkan.

Pero tama na! Ayoko na! Sobra na!
Durog na durog na ang puso ko pati kaluluwa
Hindi lang pala ako tanga kundi baliw pa
Bakit ikaw pa ang nakikita ng aking mga mata?
Puso'y hindi na sana nasaktan at lumuha pa.

Masakit mang isipin ngunit kailangan kitang palayain
Puso mo'y di ko maangkin kahit anong pilit na gawin
Diba nga "I Love You Like Crazy" sabi nila?
Kung sa bisaya pa "Gihigugma takang buanga ka!"

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon