"Ikaw"

941 7 0
                                    


Ikaw ang alitaptap sa 'king gabi
Ang gabay ng puso kong di mapakali
Isipa'y lumilipad na parang tutubi
Naghahanap ng masisipsip na labi.

Ikaw ang aking ngiti sa umaga
At sa aking dugo'y nagbibigay sigla
Sa bawat kislap ng aking mga mata
Hinahanap-hanap ang 'yong kalinga.

Nais na ika'y tangayin
Nitong puso kong sabik na ika'y yakapin
Batid kong ika'y sa paraiso dalhin
Pagkat ikaw ang hari at ako'y iyong alipin.

Puso'y di magsasawang ibigin ka
Makamtan mo lamang ang tunay na ligaya
Lahat ay kayang gawin para sa iyo sinta
Kahit pa katumbas nito'y mga luha.

Pilit ko mang ika'y kalimutan
Tila walang silbi itong aking isipan
Pagkat ikaw ang tanging laman
Nitong pugad na aking kanlungan.

Salamat dahil may isang ikaw
Ang bumuhos nitong puso kong uhaw
Kahit minsan ika'y lulubog-lilitaw
Katulad mo parin ang kinang ng mga bulalakaw.

-January 15, 2019   7:47PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon