"Lalaban Tayo"

186 2 0
                                    


Magulo man ang ating buhay minsan
Ngunit kailangan tayo ay lumaban
Marami mang balakid ang nakaabang
Sama-sama natin itong harangan.

H'wag tayong mawalan ng pag-asa
Ang bawat luha'y may katumbas na saya
Sa pagsikat ng araw tuwing umaga
Nagpapahiwatig ito ng bagong simula.

Alam kong hindi pa huli ang lahat
Mababawasan pa ang pasang bigat sa 'ting balikat
Ituwid ang huwad na mga pangako
Wakasan ang kahirapang lumulubo.

Iisa ang ating layunin
Magkaugnay ang ating mga mithiin
Puso't isipa'y dapat palawakin
Ang tagumpay sabay nating sungkitin.

Ngayon ang tamang panahon
Para sugpuin ang lumalalang sitwasyon
Mahirap at mapanganib man ang gagawing aksyon
Hindi tayo pababayaan ng ating mahal na Panginoon.

Lalaban tayo tulad ng ating pag-ibig
Lalaban tayo para tumindig
Lalaban tayo na may paninindigan
Lalaban tayo para sa ating Inang bayan.

-August 7, 2021 11:50AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon