"Kulay Puti Sa T'wina"

1K 5 8
                                    


Puting rosas ang unang natanggap ko galing sayo
Hindi mo alam labi ko'y napangiti mo
Kahit sa rosas na tatlong piraso
Nag-uumapaw sa tuwa ang aking puso.

Kulay puting damit ang gusto kong suotin
Nagkataong puting damit din ang bigay mo sa'kin
Di ko alam kung sinasadya mong gawin
O baka naman di mo lang napansin.

Kulay puti din ang gusto kong pinta
Maaliwalas at hindi sakit sa mata
Anino mo sa pader agad kong makikita
Umaasang masilayan ko ang 'yong mukha.

Kulay puti din ba kaya ang kulay na gusto mo?
Tulad din ba kaya ng tinitibok nitong puso ko?
Sana'y pareho tayo ng gusto
Ng di na mabahiran ng ibang kulay ang ating mga puso.

Ngunit minsan ang kulay puti naging pula
Naging pula ang kulay ng mga luha
Kahit masaya ngunit bakit nagdurusa
Pilit kalimutan ang pasang problema ng bawat isa.

Kahit puti ang kulay ng kalangitan
Minsa'y dumidilim sa t'wing sasapit ang tag-ulan
Ngunit di ibig sabihing malulusaw ang ating pagmamahalan
Sisikat din ang araw at sabay nating masisilayan.

- October 4, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon