"Hiling sa Pasko"

993 6 0
                                    


Sa bawat haplos ng hangin
Ako'y nahinto't napatingin
Mata ko'y nakapikit at humihiling
Na sana sa pasko ika'y makapiling.

Sana sa pagsikat ng araw
Nais na makita ay ikaw
Pagbigyan mo ang puso kong uhaw
Hiling ko sa pasko'y sabay tayong sasayaw.

Minsa'y napapalipad ako sa kanta
Sa t'wing ika'y aking maalala
Bawat tono'y hakbang ng aking mga paa
At mukha'y nag-uumapaw sa ligaya.

Pakiusap umuwi ka na oh giliw ko
Sabay nating gunitain ang araw ng pasko
Gusto kang mayakap nitong aking puso
Na matagal ng nangungulila sa piling mo.

Noong naglakad ako isang gabi
Tila ba'y tulala ang sarili at di mapakali
Tanging langit lamang ang saksi
At ang mga talang nakatingin at nakangiti.

Kaya halina't ako'y iyong samahan
Sabay tayong mamasko sa kalawakan
Alam ko'y mahirap na paniwalaan
Hiling ko sana'y iyong pakinggan.

- December 21, 2017

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon