"Ibulong sa Langit"

661 4 0
                                    


Sa madilim na daan
Mga pagsubok ay di maiwasan
Pilit mang akyatin ang hagdan
Minsa'y iba ang naaapakan.

Sarili'y h'wag sumuko
Tumayo ka't h'wag huminto
Tadhana ma'y malupit sayo
Makikita mo din ang liwanag ng sulo.

Pasan mo man lahat ng hirap
H'wag bumitaw sa 'yong pangarap
Sadyang kalangita'y maulap
Saranggola'y paliparin sa alapaap.

Ibulong mo lang sa langit
Ang lahat ng iyong hinanakit
H'wag pairalin ang galit
Nang dibdib mo'y di sumikip.

Alam kong hindi sya bingi
Ramdam nya ang 'yong hinihingi
Mga bituin sa langit ay saksi
Ngiti sa 'yong labi'y di maikulbi.

Maniwala ka't mahal ka nya
H'wag basta magpadala sa mga problema
Bawat sakuna'y may ginhawa
Kaya't sarili mo'y sa kanya ipaubaya.

- April 3, 2018    3:18AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon