"Naglalayag"

306 6 6
                                    

Sa mundong walang katiyakan
Sarili ko'y pilit na lumalaban
Handang suongin ang panganib sa karagatan
Mga pangarap ko'y makamtan lamang.

Ngunit ang buhay natin ay sadyang mapagbiro
Minsa'y di ko mahabol ang pintig ng aking pulso
Kasing bilis ng oras ang bawat pitik ng segundo
Minsan nama'y kasing bagal ng pagong kung tumakbo.

Sa aking paglalayag
Nais kong maibsan ang hinagpis na hindi ko naipahayag
Mga mata ko may dilat ngunit sadya namang bulag
Kaya't naghihintay na lamang na masikatan ng liwanag.

Hanggang saan dadalhin ng hangin ang aking mundo?
Kailan kaya titigil ang pagtibok ng aking puso?
Minsa'y gusto ko na lamang mapag-isa't lumayo
At hanapin ang nawawalang pag-ibig sa buhay ko.

Ngunit sa kabila ng samo't saring pagsubok
Pangarap ko paring akyatin ang taas ng bundok
Mapanganib mang tahakin ang bawat sulok
Di ako nawalan ng pag-asang masilayan din ang tuktok.

Sa tatlong pu't tatlo taon ko dito sa mundong ibabaw
Kahilingan ko minsa'y hindi pinagbigyan ng mga bulalakaw
Wala akong ibang takbuhan kundi tanging Ikaw
Hiling ko'y makita ka't makasama balang-araw.

Maraming salamat sa biyaya at pagmamahal Poong Maykapal!

#BeyondBlessedAt33

-November 14, 2019   5:25AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon