"Pag-ibig na Kaya?"

484 4 0
                                    


Sa t'wing nakikita ka
Ako'y parang nalalanta
Di malaman ang gagawin
Nahihirapan ang damdamin
At di ko magawang di kita iisipin.

Kahit sa gabi'y di makatulog
Tinitingnan na lamang ang buwan na bilog
Nawa'y makapiling
Ang taong aking mamahalin
Pagkat 'yon ang sabi ng aking damdamin.

Bakit laging ikaw ang isinisigaw?
Nitong pusong uhaw
Sa pagmamahal mo aking ilaw
Ngunit kung ika'y hindi para sa akin
Ayaw ko ng gumising na ikaw parin ang tawag ng damdamin.

Sana sa pagdaloy ng panahon
Ako'y makakaahon
Sa masasamang emosyon
Dahil ang puso ko'y laging pikon
Sa sakit na dulot ng kahapon.

Bakit laging nasasaktan itong puso ko?
Di malaman kung bakit ganito
Ang nararamdaman para sa 'yo
Kaya't tanong ng puso't isipan ko
Pag-ibig na kaya ito?

- 1st Semester 2005-2006

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon