"Shukran Ya Allah"

332 4 0
                                    


Ayoko mang umiyak
Luha'y kusang pumapatak
Puso'y tila nasaksak
Nagdadalamhati pati ang bulaklak.

Gustuhin ko mang huminga
Balikat ko'y pasan ang problema
Nais kong makawala sa halwa
Sadyang malupit ang tadhana.

Mata'y nakatingin sa ulap
Isipa'y naglalakbay sa alapaap
Sa gabi'y tila may hinahanap
Mga paa'y nakasunod sa alitaptap.

Isang umaga sa 'king paggising
May binubulong ang hangin
Mata'y muling pumikit at humihiling
Nawa'y dinggin aking panalangin.

Shukran Ya Allah!
Sa panibagong buhay at pag-asa
Kailangan ko ang iyong gabay
Pagtahak sa mapanganib na tulay.

Ngayon ang araw noong ako'y isilang
Ako'y nagpapasalamat ng walang hanggan
Hayaan mong ika'y aking suklian
Sa paraang kaya kong panindigan.

Salamat! Maraming salamat!
Ikaw ang may likha ng lahat
Sana ako'y muling tanggapin
Sa oras na ako'y iyong litisin.

- November 14, 2018 04:57AM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon